Chapter 7
Halata sa lahat ang pagkabigla. May umiiyak. Mga impit na boses ang naririnig sa amin. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa amin ito. Kahapon lang naman namumuhay pa kami sa isang mapayapang lugar. Nakikipagtawanan sa aming mga kaklase, nag-aaral, kumakain. At sa isang iglap lang mag-iiba na ang lahat?
Kinurot ko ang sarili ko. Baka kung sakali ay isa lang itong panaginip pero hindi. Masakit ang pagkakakurot ko sa sarili ko. Tinignan ako ni Janille na para ba akong ewan. Hanggang ngayon nasa balikat ko pa rin ang ulo niya. Biglang nanlaki ang mata niya at biglang umalis sa aking balikat. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa buong paligid. Napansin ko na siya ay natatakot. Lahat naman kami e.
"Hello guys!" napatingin kaming lahat sa nagsalita at nakita namin si Helia na lumilipad gamit ang kanyang mga malapaniking pakpak. "kung sa tingin niyo nasa impiyerno kayo, well! Nagkakamali kayo. Infact ito nga pala ang tinatawag kong Flare. Ang pinakamasayang lugar sa buong mundo."
"At natuwa ka pa niyan?! Pagkatapos mong patayin si Ritchell!" susugurin niya sana si Helia pero pinigilan siya ni Nick. "bitiwan mo nga ako Nick at para naman makita naman niya na mali ang kinalaban niya!"
"Ha! Ha! Ha! Patawa ka Lucy alam mo yun? Ano naman ang gagawin mo sa akin?" natatawang sabi ni Helia. "Well, since andito na rin naman kayo. Mag-enjoy nalang kayo rito. Chiao~" at umalis na siya.
"bumalik ka rito!!" sigaw ni Lucy at tumakbo kung saan nagtungo si Helia. Sinundan siya nina Ace at ni Nick.
"ano ng gagawin natin?" tanong ni Janille na halatang takot na takot.
Walang umimik sa amin sa kadahilanang walang nakakaalam kung paano kami makakaalis rito.
"paano kaya kung maghiwahiwalay tayo" sabi ni Alex
"bakit naman tayo maghihiwalay aber?" tanong ni Rose
"para mapadali ang paghahanap ng labasan" sagot ni Alex
"paano kung walang labasan?" tanong ko
"paanong mawawalan ng labasan? May sinabi ba siyang hindi tayo makakalabas dito? Kahit nga na mga palabas sa movies na kapag natrap sila sa mga ganito siguradong makakalabas sila. Tas kapag pumasok ka siguradong may labasan." Sabi ni Alex. Nagsitanguan silang lahat. "yosh! tayo ng bahala kung sinong gusto nating kasama"
Kahit na hindi ko gusto ang plinano nila, sumama nalang rin ako sa paghahanap. Kasama ko siyempre si Janille. Masaya na sana ako na kaming dalawa lang pero pinasama sa amin sina Rose at si Carlo baka raw kasi iba daw ang gawin namin.
Papunta kami ngayon dito sa burol. Sinuggest kasi ni Janille na dito nalang kami pumunta para makita namin ang buong lugar at para na rin mapadali ang paghahanap namin. Andito kami ngayon sa isang matarik na daanan kaya nag-iingat kami ng mabuti. Napansin ko si Rose na parang wala sa sarili niya kung ganyan pa rin ginagawa nila baka mahulog sila.
"Aling Rose, may problema ho ba kayo?" tanong ko sa kanila para naman maging aware na sila sa ginagawa namin.
"h-ha? Inaalala ko lang yung mga anak ko" sagot naman nila halata pa rin sa kanila ang pagkawala ng prisensiya nila.
"aling Rose, ilang taon na po ba sila?" tanong naman ni Janille
"Yung panganay ko ay nasa 16 years old na at ang bunso ko naman ay nasa 10 years old palang"
"Aling Rose, okay lang po sila. Malaki na po sila at kaya na po nila na mamuhay ng mabuti. Siyempre pinalaki niyo po sila ng mabuti" sagot naman ni Janille
"Hindi kami nagkakausap, hindi rin kami sabay kumakain. Wala rin yung tatay nila. Sa tingin mo? Mabuti ba pagpapalaki nun? Sana kahit man lang bago ako napadpad dito at makita ko na ang katapusan sana makausap ko man lang sila" Sabi ni Aling Rose. Napatahimik kami ni Janille
"malapit na tayo sa tuktok" sabi ni Carlo
Nakarating na kami sa tuktok at awkward pa rin kami kila Aling Rose. Wala pa rin sa sarili si Aling Rose. Inilibot ko ang aking paningin. Wala akong makita na labasan. Walang ilaw na patungong labas. Ang nakikita ko lang ay puro lupa. Sinubukan kong hanapin ang iba. Nakita ko ang grupo nila Alex na naglalakad pa rin. Nakita ko rin ang grupo nila Rey na nagpapahinga. Hinanap ko sila Ace kung saan na sila napunta. pero ang nakita ko lang ay si Lucy na duguan ang damit at may hawak na itak.
BINABASA MO ANG
Ang Dyip
Mystery / ThrillerDyip ang kadalasang sinasakyan ng mga Pilipino tuwing may pinupuntahan sila Pero paano kung isang araw hindi pala isang ordinaryong dyip ang nasakyan mo.