Chapter 6
Tumawa siya ng pagkalakas lakas. Okay lang naman na tumawa siya kesa naman na mukha siyang natatakot.
"Guys, simula ngayon. Gaya nga ng sinabi ni Ross. Wala silang mahanap. Kaya sa tingin ko dito na muna tayo. Hindi ko alam kung hanggang kailan. Pero susubukan nating---"
"WALA. WALANG MAGHAHANAP NG KUNG ANO ANO" Putol ni Ross kay Ace
"Anong wala? Ayaw naming manatili lang dito. Malay mo ilang lakad nalang may siyudad na" Galit na sagot ni Rose. Mayamaya pa'y bumuhos ang luha niya. "May pamilya kami na uuwian, mga anak ko. Mag-isa lang sa bahay"
Dahil sa pag-iyak niya. Isa isa na ring nag iyakan ang iba. Pati si Janille ay umiiyak na rin.
"Kayong bahala. Basta sinasabi ko na sa inyo wala kayong mahahanap!"
May parte ng aking utak na naniniwala kay Ross. Pero gusto kong makaalis na dito.
"Kung ganun man, maghahanap pa rin kami, kung kayo sumuko na. Aba kami'y mag-uumpisa pa lang. Kaya sa ayaw at sa gusto mo maghahanap kami" sabi ni Ace "Guys! Tara"
"Sandali, sasama ako" sabi ng isang hiker. Nabigla si Ross "pasensiya na Ross, pero gusto ko ng makauwi. Ako nga pala si Helia"
Walang sinabi si Ross. Kung kaya nag-umpisang maglakad si Ace. Sumunod kami. Di nagtagal liningon ko si Ross at nakita kong nakangiti siya na para bang may binabalak na masama.
Naglakad kami ng naglakad. Pero wala pa rin kaming nakikitang siyudad o aspalto man lang. Wala rin kaming makitang bahay. Puro damo, puno at halaman lang talaga ang nakikita namin.
"Guys, pahinga muna tayo" sabi ni Ace. Tinignan niya ang cellphone niya. "Magtatanghali na, at nagugutom na ako"
"Kung dito muna tayo at maghanap ng mga pagkain, sabi ni Ross marami raw ditong makukuhanan ng pagkain" sabi ni Janille.
Naghanap kami. At nahiwalay kami ni Janille sa kanila.
"Sa tingin mo, totoo yung sinasabi ni Ross?" Tanong ni Janille
"Hindi ko alam, pero parang naniniwala ako sa sinasabi niya."
"Sa tingin ko, hindi, kasi sumuko na sila." napangiti ako sa sinabi niya.
"Hayaan mo, makakahanap din tayo at makakaalis dito."
Bumalik na kami kung saan kami naghiwahiwalay. Nandoon na rin sila at nagiihaw sila ng isda. Isinama namin ang napitas naming mga prutas.
Masaya kaming kumain. Para bang wala kaming problema, nagkwentuhan, nagkantahan. Para bang outing. Ang saya nga e.
Tumayo si Helia at lumapit kay Ritchell. At sila ay nag-uusap kaya di ko na sila pinansin. Natuon ang atensyon ko kay Janille na kumakanta.
Gusto kong matulog kaya sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng sumigaw si Ritchell. Isang nakakabinging sigaw na para bang nakadepende sa sigaw niya ang buhay niya.
Napatingin ako sa kanya at bigla akong nagulat sa nakikita ko ngayon. Sinaksak ni Helia si Ritchell sa tiyan. Pinagtataga niya pa si Ritchell sa buong katawan nito. Lahat kami ay walang magawa. Nanunuod nalang na bawian ng buhay si Ritchell.
"Hayop ka!" Sigaw ni Lucy. Umabante siya at susugurin sana si Helia pero bigla nalang siyang nawala na parang bula. Linapitan niya si Ritchell "Ritchell, wag mo kong iwan. RITCHELL!!"
Nakita ko ang katawan ni Ritchell, naglabasan na ang kanyang mga laman loob, at naligo sa sarili niyang dugo.
Kinuha ko ang ulo ni Janille at inilagay sa aking balikat. Ayaw kong makita niya ang nakita ko.
Pinanood ko ang pag-agos ng dugo ni Ritchell sa damuhan.
At sa iglap. Biglang nagiba ang buong paligid. Madilim. Punong puno ng apoy. At para kaming nasa loob ng isang malawak na kuweba at isa lang ang naiisip ko. Kami ay nasa impiyerno.
BINABASA MO ANG
Ang Dyip
Mystery / ThrillerDyip ang kadalasang sinasakyan ng mga Pilipino tuwing may pinupuntahan sila Pero paano kung isang araw hindi pala isang ordinaryong dyip ang nasakyan mo.