Chapter 10

161 17 0
                                    

Chapter 10

Dali-dali kong pinuntahan si Rey at tinignan ang kanyang katawan. Nakita ko na ang kanyang leeg na ginilitan.

"P-p-pinatay siya" sabi ng babae na nasa likod ko. Nagkatinginan kaming lahat.

Bigla kong tinignan si Lucy at tumingin rin siya sa akin. Nagkatinginan kami ni Lucy na nasa isang sulok. Nakita ko sa kamay niya ang isang maliit na kumikinang na bagay. Linapitan ko siya pero lumalayo siya sa akin, mukhang natatakot siya kaya mas lalong lumakas ang paniniwala ko na siya ang gumawa niyon. Pero paano niya napatay ang tatlong taong iyon ng mabilisan?

Habang palapit ako sa kanya naramdaman ko na rin na may suspetsiya na rin ang mga taong nakapaligid sa amin na si Lucy ang may gawa nun. Tinignan ko ang mukha ni Lucy na natatakot, natatakot sa kung anong gagawin sa kaniya. Palapit ako ng palapit sa kaniya hanggang sa marinig ko ang isang impit na sigaw. Liningon ko ito at nakita ko si Princess na may hawak rin na kumikinang na bagay at punong puno ng kulay pulang likido. Hawak hawak niya ang ulo ni Aldrin na ginilitan rin ng leeg. Binitawan ni Princess ang ulo ni Aldrin at ito ay nahulog sa lupa.

"Makakaalis ako rito! Makakaalis ako rito! Makakaalis ako rito!" paulit ulit niya iyong sinasabi at para siyang sinapian na ewan dahil sa kaniyang mukha. Bago pa kami makapagreact ay tumakbo siya ng mabilis papalayo sa amin. Wala kahit isa ang gustong sumunod sa kaniya sa kadahilanang baka kami pa ang sumunod.

Ilang segundo ang lumilipas pero wala pa ring umiimik sa amin ngunit ng ilang segundo rin ay nabalot ang katahimikan ng mga sigaw at iyak.

"w-w-wala akong mapagkakatiwalaan sa inyo" pagkatapos sabihin ni Leo iyon ay tumakbo siya papalayo rin sa amin. Dahil sa narinig namin isa-isa na ring nagsialisan ang lahat. Natira nalang kami nila Lucy, at Janille.

Tama naman ang sinabi ni Leo. Hindi naman namin sila kilala. Tinignan ko ulit si Lucy sa kaniyang pwesto.

"hindi ka rin ba aalis?" tanong ko sa kaniya na ginantihan naman niya ng isang iling.

Tinignan ko rin si Janille na namumutla. Nakita ko na ang kaniyang kamay ay may mga dugo tinignan ko rin ang kamay ni Lucy at nakita ko rin ang mga kulay pulang marka sa kaniyang kamay. Paano nila nakuha iyon? Natalsikan?

Ayaw ko munang magisip kaya inalis ko muna sa isip ko ang mga tanong na bumabagabag sa akin. At tinuon ang pansin kay Janille.

"okay ka lang" tanong ko sa kaniya

"mukha ba akong okay?"

"namumutla ka"

"ikaw ba naman makakita ng ganung scene"

"sungit mo ngayon"

"tapos?"

"meron ka ba ngayon?"

"wala no!"

"pinapatawa lang kita, pero parang hindi epektib"

Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumawa siya, isang pilit na tawa. Nabasa ko sa mukha niya na may inaalala siya para bang may problema siya.

Ang DyipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon