Chapter 13

107 16 0
                                    

Chapter 13

Dali-dali kong hinanap kung nasaan at sino ang sumigaw. Pumunta ako sa kwarto ni Janille, nakita ko na nandun siya at halatang nagulat din siya.

"sino yun?" tanong niya sa akin. Ikinibit ko nalang ang aking balikat bilang sagot.

Sunod kong pinuntahan ang kwarto ni Lucy pero hindi ko siya nakita doon. Pumunta ako sa baba at nakita ko nalang si Brian na hawak hawak si Pearl, at si Lucy na parang natatakot at naiiyak.

"siya ang nauna. Inatake niya ako" sabi ni Lucy habang palapit ng palapit sa akin.

Inilibot ko ang aking mata hanggang sa makita ko si Princess na naliligo sa sarili niyang dugo.

"naging kasama ninyo rin ba yang babaeng iyan?" tanong ni Brian

"oo" sagot ko naman sa kaniya.

"Haaaay... hindi ko alam na kailangan ko palang sabihin sa inyo ang totoo" sabi naman ni Brian

"anong totoo?" tanong ko

"bukas ko na sasabihin. Sa ngayon matulog muna kayo"

Bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming kwarto habang si Lucy naman ay patuloy na nagpapaliwanag na ginawa niya lang iyon dahil sinugod siya ni Princess.

Babantayan naman daw ni Brian si Lucy kaya wala na kaming kailangan alalahanin. Dahil rin sa nangyari naging katabi ko na si Janille sa pagtulog.

Kinaumagahan, nagising ako at lumingon ako sa katabi. SH*T wala siya. Agad agad akong pumunta at inilibot ang buong second floor pero wala siya rito pati si Lucy wala. Pumunta naman ako sa baba at nakita ko nalang siya na mag-isang kumakain. Nawala bigla ang takot ko ng makita siya.

Pinagmasdan ko siya habang masayang kumakain. Naalala ko tuloy nung wala pa kami dito. Napansin niya ako na nakatingin sa kaniya.

"grabe kinikilabutan ako sa pagtingin mo sa akin. Halika na nga kumain ka na rin" masaya niyang pagkakasabi.

"nasaan pala sila Lucy at Brian?" tanong ko sa kaniya habang lumalapit sa hapagkainan

"si Lucy nasa banyo si Brian naman nasa labas"

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin sila Lucy at Brian. Kumain kami ng mapayapa. Feeling ko nga ngayon ulit ako nakakain ng ganitong pagkain.

"Diba sinabi ko sa inyo na sasabihin ko ang totoo?" Tumango naman kaming lahat. "ang tunay na nangyari sa akin kung bakit nag-iisa lang ako"

"nag-umpisa ang lahat nung may natanggap akong letra na galing sa boss ko na bukas pupunta kami sa ganitong lugar. Hindi na namin kailangang magbayad ng kung anong mga contribution dahil birthday daw niya at inbitado kaming lahat. Oo nga kaming lahat pero kunti lang ang sumama dahil sa nagkaroon ng sakit yung iba. Sumakay kami sa van. Mga ilang minuto inantok ako. Pagkagising ko napunta nalang kami sa isang hindi maipaliwang na lugar."

"parang yan yung nangyari sa atin" sabi naman ni Lucy

"nasabi kong kakaiba yung lugar kasi paiba-iba yung lugar. Nung una nasa parang kami tapos mga ilang oras mag-iiba nanaman" pagpatuloy niya "nung pagpunta namin dito hindi ko alam kung bakit yung iba sa amin bigla nalang nagpapatayan hanggang sa may nakita akong notebook. Binasa ko iyon at nalaman ko na para iyong diary. Diary ng naunang tao na nakapunta dito. Natatawa nalang ako habang binabasa ko iyon kasi nangyayari lahat. Para bang inuulit lang namin kung ano yung ginawa nung unang tao. Nalaman ko nalang na para makalabas dito ay kailangan mong pumunta sa gate. May mapa nga rin doon sa notebook na iyon. Madali lang basahin. Kaya halos lahat sa amin ay natuwa na kami ay makakauwi."

"pero bakit nandito pa rin kayo?" tanong ko sa kaniya. Natawa nalang siya habang inaalala ang dahilan halos maiyak na nga siya nun.

"HAHA! Naiwan ako dahil kailangan ng isang matitira dito"

"pero bakit kayo pa?" tanong naman ni Janille

"yun na nga e. dahil sa wala naman na akong kasama sa buhay kaya ako nagpaiwan. Masaya na nga ako ng makita ko na masaya sila. Simula noon nandito na ako"

"kung titignan kong mabuti. Kayo po ang ikalawang batch na napunta dito kasi kung kayo man po ang pang-sampu e di sana marami ng nakabantay rin dito. Tama ho ba ako?" tanong ko, tinignan ko sila at binigyan nalang nila ako ng mga iling.

"haaay... ang ibig sabihin ko na may isa lang na matitira ay kahit na may dumating pa man dito na ibang batch ay may isa pa rin talagang matitira wala ng dadagdag sa bahay na ito."

"ibig sabihin niya na nagpapa-iwan siya kahit na may ibang batch na pumunta dito" sabi ni Janille sa akin

"oo tama iyon" sabi naman ni Brian "yan nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Kaya bukas o mamaya ay pumunta na kayo sa gate para makauwi na kayo sa tunay na mundo. O siya, may gagawin pa ako"

"sandali, huling tanong" tanong ko. Lumingon siya sa akin "ilang batch na ang napunta dito?"

"marami-rami na rin" sagot niya at umalis na siya

Tumayo na kami at ginawa ang aming gagawin. Napagdesisyunan namin na aalis na kami maya-maya.

"Janille, yung notebook ba, yun ba yung binabasa mo simula nung nandito pa tayo?" tanong ko kay Janille na nakahiga sa kama.

"oo"

"bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na may hawak kang ganun?"

"hmm... kasi alam ko na wala kang hilig dun" sabi niya ng malungkot

"Bakit malungkot ka nanaman?"

"wala" pagkasabi niya nun ay yinakap niya ako ng pagkahigpit narinig ko nalang na umiiyak siya. Siguro masaya siya na makikita niya na ang kaniyang pamilya.

Biglang bumukas ang pinto at ibinungad nun si Lucy na natataranta

"SI B-BRIAN!" pagkasabi niya nun ay umalis na siya

Sumunod kaming dalawa kay Lucy at nakita nalang namin si Brian na nakahiga sa lupa at nakabukas ang tiyan niya. Mukhang linapa siya ng kung anong halimaw.

Ang DyipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon