6

109K 3.3K 408
                                    


EMERY


    HINDI KO alam kung gaano ako katagal walang malay basta ng magising ako ay hinang hina ako mahapdi din ang balat ko.

"Sa wakas gising kana." Si Manang Cely. "Pinag alala mo kami, isang linggo kang walang malay."

Isang linggo?

"Kamusta na pakiramdam mo? Nahihirapan ka bang huminga? May masakit ba sayo?" Sunod sunod na tanong nito. "Masakit ba ang ulo mo?"

"M-Maayos na po ako." Nanghihinang sagot ko.

Tinanggal ko ang nakakabit sa bibig ko.

"Nauuhaw kaba?" Tumango ako. "Sandali, ikukuha kita."

Lumabas si Manang at pagbukas muli ng pinto ay hindi na si Manang ang pumasok. Si Ezar na may dalang tubig.

"Here." Inabot niya ang tubig na agad kong kinuha at ininom. "How's your feeling?"

"A-Ayos na ako." Sagot ko

Tiningnan ko ang balat ko, namumula ito at medyo nagsusugat.

"Okay." Lumabas na ito kaya naiwan na akong mag-isa sa kwarto.

Nagpahinga lang ako sa kwarto na yun, hinahatiran ako ng pagkain ni Manang dahil hindi ako makakilos. Halos tatlong araw akong nakaratay bago ako makatayo at tuluyang maging maayos.

Sa Tatlong araw rin na yun ay hindi kona nakikita si Ezar pati yung babaeng si Licia ay wala na.

Ako lang mag isa ang nandito sa bahay, si Manang ay sinundo ng Asawa niya kahapon.

Napabuntong hininga na lang ako bago umupo sa buhangin at tumitig sa karagatan.

"Hanggang kailan ba ako dito?" Kausap ko sa sarili ko. "Gusto ko ng umuwi, gusto ko ng bumalik sa dating buhay ko."

"Are you done talking to yourself?" Gulat akong napalingon sa likuran ko ng may magsalita.

Si Ezar.

Hindi ko alam pero parang ang saya ko kasi nakita ko siya.

"Saan ka galing?" Tanong ko. "Tatlong araw kitang hindi nakita."

"May inasikaso lang." Tugon nito at umupo sa tabi ko. "How's your feeling?"

"Mabuti na ako." Nakangiting sagot ko. "Hindi na mahapdi ang mga balat ko."

Hinawakan nito ang braso ko at pinadaanan ng mga daliri niya, napapaigtad pa ako dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya.

"I forgot that you're allergic to Coffee." Sabi nito. "Sorry for that."

"Ayos na yun." Ngumiti ako. "Okay ka lang ba?"

Para kasing malalim ang iniisip niya.

"I'm okay." Ngumiti ito ng tipid kaya napatulala ako. "Tsk, you look like idiot."

"Grabe siya.." Binawi ko ang braso ko. "Ezar, bakit sakin ka na-obsessed? Bulag kaba?"

Hindi ito sumagot at tumitig lang din sa karagatan, maya maya pa ay nagsalita ito na ikinabunyi ng kalooban ko.

"Give me one month and I will set you free." Malamig na sabi nito at tumayo.

"Totoo?" Napatayo din ako. "Thank you!"

Naglakad ito pabalik sa bahay, agad ko naman siyang sinundan.

"Ezar, wala si Manang." Sabi ko. "Ako na lang magluluto ng pagkain natin?"

"Bahala ka."

Umakyat ito sa taas, nagtungo ako sa kusina at nagsimula ng magluto. Plano kong magluto ng sinigang na baboy.

Nagsaing muna ako bago simulang lutuin ang ulam namin.

"Sakto ang dating mo, kakain na tayo." Naghain na ako at umupo. "Upo na kain na tayo."

Tahimik naman itong umupo kaya nagsimula na kaming kumain.

"You should eat more." Sabi nito. "I don't want you to be thin."

"Gusto ko ngang pumayat para hindi na ako la–"

"–Shut up!"

Napatikom na lang ako ng bibig bago nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos kami ay ako na ang nagligpit at naghugas samantalang si Ezar ay umiinom ng beer habang nakaupo at nakatingin sakin.

"Ezar, hindi kaya magkasakit ka sa atay? Inom ka ng Inom."

"Liquor is my cure." Malamig na sabi nito. "Go back to our room."

Sa halip na sundin ay umupo ako sa harap na upuan niya at nangalumbaba habang nakatingin sa kanya.

"Hindi kaba nako-kosensiya kapag pumapatay ka?" Tanong ko

"Why would I?" Balik na tanong nito. "I love killing people, lalo na sa mga hindi deserve mabuhay."

"Pero masama pa rin yun, dapat magbagong buhay kana. Sayang naman ang itsura mo." Umiling iling ako. "Akala ko talaga nung una mabait ka."

He smirked. "I love playing with kind people."

"Kapag nakahanap ka ng katapat mo, magsisisi ka." Tumayo ako

Pero bago pa ako makalabas ng kusina ay narinig ko ang sinabi niya.

'I already met my weakness.'



A/N: SHORT UD

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon