21

124K 2.8K 223
                                    


EMERY



   NAKAKAPAGOD NGAYONG araw, buti na lang hindi ako nasermonan ng boss ko at hindi pinagbayad. Ang kaso nga lang ay ako ang pinaiwan at pinaglinis ng lahat kaya gabi na ako nakauwi.

Pagpasok ko ng bahay ay nadatnan kong may nakalatag sa sala, nakahiga doon si Ezar na walang damit pang itaas habang yakap si Zaem, parehas tulog ang dalawa

"Anong nangyari diyan?" Tanong ko kay Quen

"Ayun pagod." Tugon nito. "Ang daming ginawa ngayong araw ni Kuya, pinahihirapan talaga siya ni Zaem."

"Bakit si Zaem natulog sa tabi niyan?" Tanong ko ulit.

"Gusto niya daw tabihan ang Papa niya para mawala ang pagod nito." Nginisihan ako ni Quen. "Bumabawi talaga siya."

"Kahit anong bawi niya, wala rin siyang mapapala." Seryosong saad ko. "Walang wala ang ginagawa niya sa mga pinagdaanan ko."

"Hindi mo din masasabi yan." Makahulugang sabi nito kaya napakunot noo ako. "Kumain kana..pagtiisan mona lang ang sunog na luto ng asawa mo..masyado kasing mayabang."

Asawa?

Inirapan ko lang si Quen bago dumiretso sa kusina, may nakahain sa lamesa, may takip ang mga ito. Umupo na lang ako tinanggal ang takip ng mga yun pero napangiwi ako ng makita ang sunog na kanin, sunog na hotdog, sunog itlog

"Baka araw araw ganito kainin namin.." Nakangiwing sabi ko bago nagsimulang kumain

Hindi naman mapait, yung itlog lang ang may problema. Asin na may konting itlog

Hinugasan ko ang mga pinagkainan ko ng matapos ako, natutulog na si Quen sa couch. Dumiretso naman ako sa kwarto namin ni Zaem at kumuha ng pajama tsaka t-shirt.

Dumiretso ako sa C.R namin na tanging kurtina lang ang tabing para hindi makita ang nasa loob.

"Knock, knock." Napatalon ako sa gulat ng may biglang magsalita mula sa labas. "Are you done?.."

"W-Wait.." Mabilis kong tinapos ang paglilinis at pagbibihis bago lumabas.

Bumungad sakin si Ezar na halatang antok na antok, nakangiwi din ito na parang may dinadaing.

"Are you done?" Tanong nito

Tumango lang ako bago siya lampasan. Nilapitan ko si Zaem at akmang bubuhatin pero umingit ito.

"Nak, doon na tayo sa kwarto." Malambing kong bulong dito. "Zaem.."

"Papa.." Ingit nito at dumilat. "Mama, saan Papa?"

"Nasa CR." Hinaplos ko ang buhok niya. "Tara na sa kwarto baby."

Umiling ito bago muling pumikit. "P-Papa.."

Okay, mukang matutulog ako mag isa sa kwarto. Naku, ang traydor ng Anak ko.

Pinatay ko ang electric fan nila at dinala sa kwarto, papalitin ko dahil mas malaki ang electric fan dito sa kwarto.

Lumabas ako dala yung malaking electric fan, sinaksak ko yun at tinapat kay Zaem.

"Fvck this back!" Napatingin ako sa likuran ko ng may magsalita.

Nakapikit na naglalakad si Ezar habang ini-stretch ang katawan, dire-diretsong humiga ito sa tabi ni Zaem. Mukang hindi niya ako napansin

Dumilat ito at hinaplos ang likod ni Zaem, tinitingnan siguro kung may pawis.

"Duerme bien hijo mio (Sleep well my son)" Sabi nito kay Zaem sabay halik sa noo nito.

Pumikit na ulit ito at niyakap ang Anak. Nagtungo ako sa kwarto namin ni Zaem hindi para matulog kundi para kuhanin ang pamahid ko.

Pumwesto ako sa likod ni Ezar at naglagay ng pamahid sa kamay ko tsaka iyon pinahid sa likod niya. Napasinghap ako dahil sa init ng katawan niya, para rin akong kinuryente ng mahawakan ang malapad at matigas nitong likod

"What are you doing?" Nagulat ako ng biglang magsalita ito

"Wag kang magulo." Pinaseryoso ko ang boses ko para hindi niya mahalatang nagulat ako.

Unti unti kong hinilot ang likod niya, hindi naman siya nagreklamo kaya panatag akong hindi siya nasasaktan.

"Are you mad at me?" Maya maya ay tanong nito. "Stupid Question.. ofcourse you are.. I fvcking hurt you emotionally and physically–"

"–Ezar, bakit kaba talaga nandito? Kung may plano ka man, sana wag mo ng idamay si Zaem.." Huminga ako ng malalim. "Ezar, pwede bang umalis kana lang at pabayaan kami? Masaya na kami ni Zaem.."

"I promise to Zaem, I won't leave you again Emery.." Seryosong sabi nito. "I know there's no forgiveness for what I did to you, can you give me another chance to prove myself? I want you back Emery, I want my Fluppy back."

Mabilis kong pinunasan ang luhang mabilis na nalaglag galing sa mga mata ko.

"Ezar, sa totoo lang hindi ko alam kung kaya kitang patawarin...Masakit ang ginawa mo sakin, binaril mo ako."  Pinigil ko ang mga luha ko pero patuloy lang ito sa pagdaloy. "Kung alam mo lang kung gaano kalala ang trauma na binigay mo sakin, lalong naging mababa ang tingin ko sa sarili ko at pakiramdam ko ay wala akong dapat pagkatiwalaan."

"Emery.."

"Okay lang na bumawi ka sa Anak mo pero hindi ko alam kung kaya kitang patawarin..."

"I will wait Fluppy."

"Wag ka ng maghintay dahil wala ng mangyayar–"

"–No, let me wait Fluppy.."

Tinapos ko ang paghihilot sa kanya. Mabilis akong nagtungo sa kwarto ko at nahiga

'Totoo ba o parte lang din ito ng plano mo?'

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon