19

130K 3.3K 1.1K
                                    


EMERY


   NAGISING ako mula sa pagkakatulog ng may maramdaman akong humahaplos sa buhok ko.

"M-Mama.."

"Zaem!" Agad akong tumayo at niyakap siya. "Kamusta na pakiramdam mo Anak? May masakit ba sayo? Tatawag ako ng Doctor, sandal–"

"–Ma, galing na po sila dito." Pigil nito sakin. "Kanina pa po ako gising, hindi lang po kita ginising."

"Anak, sorry ah? Sorry kung napabayaan kit–"

"–Kung sisisihin mo po sarili mo, wag mo akong i-talk."

"Magpagaling ka agad ah? Kapag okay kana, pupunta tayo sa MCDO, mag iipon si Mama para sayo."

Nasa ganon kaming posisyon ng bumukas ang pinto at iniluwal non si Quen kasunod si Ezar.

"Anong ginagawa mo dito?" Salubong ang kilay na tanong ko kay Ezar. "Diba sabi ko lubayan mona kami!"

"I'm not here for you, I'm here for our son." Malamig na sabi nito kaya napatawa ako ng pagak

"Anak ko lang Ezar, ang kapal ng muka mo grabe!"

"Enough." Awat samin ni Quen. "May bata."

"Mama ko, tabihan mo po ako." Singit ni Zaem kaya agad akong umupo sa tabi niya.

"Kumain kana ba baby?" Tanong ko

"I brought food for him." Si Ezar ang sumagot kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kainin mo mag isa mo, baka lasunin mo pa ang Anak ko!"

"Our son Emery!"

"Anak ko lang!"

"Tigil na nga po!" Tinakpan ni Zaem ang bibig ko. "Ako po nagpabili niyan sa kanya.." Nilapit nito ang bibig niya sa tenga ko. "May plano po ako sa kanya, easy lang Mama."

"Zaem." Sinamaan ko siya ng tingin pero humagikhik lang siya.

"Galing po ba yan ng Pangasinan?" Seryosong tanong ni Zaem kay Ezar kaya napakunot noo ako. "Kapag hindi po hindi ko yan kakainin."

"I bought this to pangasinan." Mabilis na sabi ni Ezar. "There's a logo above the tupperware."

Ano bang nangyayari? Napatingin ako kay Quen pero ngumisi lang ito at nagkibit balikat.

"Okay po." Kinuha nito ang tupperware kay Ezar. "Thank you."

"Ano ba yan Anak?" Takang tanong ko

"Pansit po at tokwa." Sagot nito. "Pinabili ko sa kanya sa Pangasinan."

"Pangasinan!?"

Ang alam ko ay may tindang ganyan dito. Ano na naman ang nasa isip ng batang ito

"Kain na lang tayo Mama." Binuksan nito ang tupperware at sumandok ng pansit tsaka tinapat sa bibig ko. "Ah.."

Ngumanga na lang ako at kinain yun.

*

   DALAWANG ARAW pang nag-stay si Zaem sa Hospital bago kami makauwi.

"Anong ginagawa mo dito!?" Kunot noong tanong ko kay Ezar ng makababa kami ng sasakyan ni Quen. "Ano yan? Bakit may maleta at bag!?"

"I will live here with you and our son." Blangkong sagot nito

"Sinong may sabi!?" Galit ko siyang dinuro

"Ako po." Sagot ni Zaem. "Mama, kalma nga lang po kasi."

"Zaem naman, bakit mo dito pinatitira yan?" Feeling ko maiiyak na ako. Pinagtutulungan yata ako nung tatlo.

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon