33

105K 2.4K 159
                                    

EMERY


   "MAMA, ITO PO GUSTO KONG CAKE MALAKI." Turo ni Zaem sa isang malaking cake. "Muka din pong masarap."

It's Sunday at ngayong araw kami mamimili ng mga kailangan para sa kasal namin ni Ezar.

"Masyado namang malaki yan." Sabi ko. "Pero maganda siya."

"At masarap din po." Nanlaki ang mga mata ko ng makitang pinapapak na nilang mag ama yung cake.

"It's delicious." Sabi ni Ezar. "Want to taste it?"

"Hoy, ano ba kayo!? Babayaran nyo yan!" Sita ko sa mga ito

"Naku, Ma'am ayos lang po." Sabi ng babaeng nag-a-assist samin. "Free taste po ang mga yan."

Para naman akong nakahinga ng maluwag, free taste daw ede nakitikim na din ako.

"Ito na yung kukunin namin." Nakangiting sabi ko. "Palagyan na lang ng konting pink decoration."

"Yes Ma'am."

Halos tanghalian na rin ng matapos kami sa lahat.

"Papa, gutom na po ako." Reklamo ni Zaem. "Pagkain..."

"We will having a lunch to Colm's house." Sabi ni Ezar. "His wife invited us."

"Si Lei?" Nanlaki ang mga mata ko. "Makikita ko si Lei!?"

"Yes, Fluppy."

Excited na ako, ilang taon kona ring hindi nakikita si Lei, sobrang miss na miss kona siya.

"Mama, sino po yun?" Tanong ni Zaem.

"Kaibigan ko at ninang mo." Nakangiting sagot ko.

Napatango na lang ito. Ilang minuto pa ay huminto kami sa isang malaking gate, bumukas ito at nag drive papasok si Ezar.

"Wow, Mama laki ng fountain!" Tinuro ni Zaem ang malaking fountain sa gitna. "Laki ng bahay din po!"

Mas malaki ang bahay at hardin ni Colm kaysa kay Ezar, pero mas maganda ang dating ng kay Ezar.

Huminto ang sasakyan at bumaba kami, parang haring dire-diretsong pumasok ang mag ama kaya sumunod na lang ako.

"LORELEI!!" Sigaw ko ng makita ko siyang nakatayo at may buhat na batang lalaki.

"EMERY PATTY!" Binigay nito ang batang lalaki kay Colm at mabilis na tumakbo palapit sakin. Niyakap ako nito. "EMERY!! ANG KAIBIGAN KONG MAGANDA."

"ANG KAIBIGAN KONG MADALDAL!"

Humiwalay ito sa yakap at sinuri ako. "Miss na miss kita! Kaso bakit pumayat ka!? Okay lang sana yung puti mo, pero bakit hinayaan mong pumayat ka!?"

"Ang OA mo naman, halos sampung porsyento lang pinayat ko eh." Nakangiwing sabi ko. "Ikaw, bakit tumaba ka!? At ang itim mona!"

"Kasalanan 'to ng isang tarantadong lalaki." Sagot nito.

"I heard you." Sabad ni Colm at lumapit samin. "It's not my fault Lorelei."

Inirapan lang siya ni Lei. "Emery, dapat tumaba ka ulit ah? Ikaw ang big teddy bear ko diba?"

"Oo na po."

Napatingin ito kay Zaem. "Anak nyo ni Ezar?" Tumango ako. "Hanep! Sabi kona nga ba!" Pinalo ako nito sa braso kaya napangiwi ako. "Ang gwapo ng Anak mo, reserve mo yan sa future Anak kong babae ah!?"

"Gaga ka talaga." Natatawang sabi ko

Nilapitan nito si Zaem. "Hi Baby boy, anong pangalan mo?"

"Zaem po." Nakangiting sagot nito at nagpa-cute. "Kamuka ko po Papa ko diba? Parehas po kaming pogi."

"Oo naman, pero sana ka-ugali mo Mama mo." Kinurot nito ang pisngi ng Anak ko. "Siraulo 'yang Tatay mo parang si Colm."

"Hey!" Sabay na angal ni Ezar at Colm

"Huli kana Lei, kaugaling-kaugali niyang si Zaem ang Tatay niya."

"Parang yung Anak ko." Kinuha nito yung batang lalaki kay Colm. "Anak ko si Cole Andrei. Gwapo diba?"

"Hi Cole." Bati ko dito

"Heyow po." Tugon nito at kumaway. "Yoy show tyut po."

"Ikaw din baby."

"Chinese pa salita niyan, three years old pa lang eh hehe." Ngumiti si Lei. "Tara na sa kusina, baka lumamig pa yung mga niluto ko."

Nagtungo naman kami sa kusina at nagsiupo tsaka nagsimulang magsikain.

"Congrats pala sa upcoming wedding nyo." Sabi ni Lei. "Wag kang mag alala Emery, bigatin regalo ko sayo."

"Thank you." Ngumiti ako. "Kayo ni Colm kailan?"

"Manggogoyo ang gagong yan, kasal na ako diyan." Nakasimangot na sagot ni Lei. "Pinapirma ako sa isang kontrata, marriage contract pala."

"Hey, I promised to you that I will marry you next year." Angil ni Colm. "And stop cursing in front of foods ang kids."

"Manggogoyo ka kasi." Inirapan siya ni Lei. "Ikaw Emery, hindi kaba ginoyo niyang si Ezar?"

"Hindi naman." Nilingon ko si Ezar. "Nasaktan niya ako pero bumawi siya."

"Ganyan sana lahat ng lalaki." Nag-thumbs up ito kay Ezar. "Patabain mo ulit ang kaibigan ko ah?"

"That's my plan, I don't want to see her thin. I love her for being a beautiful and cute chubby." Nakangiting sagot ni Ezar.

"Kakilig kayo."

Buong tanghalian ay nagdadaldalan lang kami ni Lei, yung mga kasama namin ay tahimik lang at parang naririndi na din samin.

"Ingat kayo, balik kayo." Sabi ni Lei at niyakap ako saglit. "Mahal kita Teddy bear ko."

"Mahal din kita Lei."

"Bye bye po ninang kong maganda." Kumaway si Zaem sa kanya. "Bye po ninong kong pogi at sayo din poging Cole."

"Take care my poging inaanak, muahhh."

Ilang saglit pa kaming nagpaalam bago sumakay ng sasakyan.

"Thank you Ezar." Hinalikan ko siya sa pisngi. "Ang saya ko ngayon."

"No need to mention it Fluppy, I always want you to be happy."

"Love you po Poging Papa ni Zaem."

"Love you too my beautiful Fluppy."

"So ganyanan na po? Hindi nyo na ako love? Okay lang." Sabad ni Zaem. "Salamat na lang po sa lahat."

"Tampururot naman 'yang big boy namin." Natatawang nilingon ko siya. "Kahit hindi namin sabihin ng Papa mo, mahal na mahal ka namin. Ikaw kaya ang sentro ng buhay namin."

"Ayie, nikilig naman po ako." Ngumiti ito ng labas gilagid. "Mahal ko din kayo ni Papa po."







A/N: OO NA! MAGMAHALAN NA KAYO HAHAHAH

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon