20

131K 2.9K 192
                                    


EMERY


   WALA SI Ezar at Zaem ng magising ako, tanging si Quen lang ang nadatnan ko dito sa loob.

"Nasaan ang Anak ko?" Tanong ko. "Tinakas ba ng walanghiya mong kapatid–"

"–Kalma." Natatawang ani nito. "Yung Anak mo, hayst puntahan mona lang sa poso."

Dali dali naman akong lumabas at nagtungo poso, napatanga na lang ako ng makita doon si Zaem at Ezar.

Nakasando lang si Ezar at halos lahat ng kapitbahay namin ay nakatitig sa kanya habang nag-bo-bomba siya..

"Zaem!" Tawag ko dito kaya napatingin siya sakin, ganon din si Ezar.

"Mama!" Kumaway ito.  "Nag iigib si Papa ko, ubos na po tubig natin eh."

"Anong kalokohan na naman 'to Zaem?" Napahinga na lang ako. "Apura lakwatsa mo, pano kung bumuka yang tahi mo?"

"Mama, tama na po bunganga kain kana lang doon." Sabi ni Zaem. "Pagkatapos mag igib ni Papa ay magta-trabaho kami."

"Bahala nga kayo." Sinamaan ko ng tingin si Ezar. "Wag na wag kang magkamaling itakas ang Anak ko, sasamain ka sakin."

"Tsk."

Bumalik na lang ako sa bahay para kumain dahil may pasok pa ako sa karinderya.

"Quen, Alis na ako." Paalam ko. "Bantayan mo ng mabuti ang Anak ko baka itakas ni Ezar."

"Oo na."

Lumabas na ako at saktong papasok ang mag ama.

"Alis na ako Zaem." Yumukod ako at hinalikan siya. "Kahit utuin ka ng Ama mo wag kang sasama ah?"

"Opo Mama, ingat po."

Ginulo ko ang buhok niya bago lingunin si Ezar. "Sinasabi ko sayo."

"Whatever."

Inirapan ko muna siya bago tuluyang umalis, naglakad na lang ako, tutal sampong minutong lakaran lang naman ang karinderya nila Aling Beki.

"Bilisan mo Emery, madami tayong customer." Bungad agad sakin ng Anak ni Aling beki na si Merly.

Agad ko namang sinuot ang apron at nilapitan ang dalawang customer..

"Ano po ang sa inyo?" Magalang kong tanong.

"Paksiw na bangus at sisig tig-dalawang order, rice din." Sabi nung babae at umirap. "Bilis na!"

Agad naman akong nagtungo sa kusina at hinanda ang pagkain nila.

"Ito na po." Nilapag ko yung order nila sa lamesa. "Tawag lang po kayo kapag may order kayo."

Masyado akong naging abala dahil marami kaming customer, natatapatan ko ang mga masusungit kaya minsan napapahiya ako pero okay lang, sanay na ako.

"PA-ORDER DITO!" Sigaw ng isang bata kaya agad akong lumapit doon.

"Anong ginagawa nyo dito?" Kunot noong tanong ko. "Bakit ang dungis nyo?"

"Nangalakal kami po." Sagot ni Zaem. "Tapos nag-barker, si Papa po ay nag-extra din magbilad ng palay kaya marami kaming kita."

"Alam mong hindi pa gaanong naghihilom ang sugat ni Zaem pinapunta mo agad sa madumi." Sita ko kay Ezar.

"He just watching me, nadumihan lang siya dahil pagkakabuhat ko." Sumandal ito sa upuan. "Can you give us food now? I'm fvcking hungry!"

Tumunog ang tiyan nito, umiwas ito ng tingin kaya mahina akong napatawa.

"Ano ba order nyo?" Tanong ko

"Kahit ano." Huminga ito ng malalim. "I'm hungry Emery!"

"Init ng ulo, sandali lang." Nagtungo ako sa kusina at kinuhaan sila ng pagkain.

"Sino yung kasama ng Anak mo?" Usisa ni Joy. "Yun ba yung Tatay? Ang gwapo shuta!"

Kimi lang akong ngumiti bago dalhin ang pagkain palapit sa table nila.

"Wow, sinigang." Nginitian ako ni Zaem. "Thank you po beautiful."

"Ikaw talaga." Ginulo ang buhok niya. "Soft drinks?"

"Yes Mama."

Napatingin ako kay Ezar at parang ilang buwan na hindi ito pinakain..

"Sige na, kumain kana."

Bumalik na ako sa trabaho, hindi pa ako pwedeng kumain hangga't marami pa kaming customer.

"Miss taba, bigyan mo nga kami ng tubig." Sabi ng isang lalaki

Pumunta naman ako sa kusina at kumuha ng tubig, dinala ko ito sa table ng limang lalaki.

"Laki ng dibdib mo ah." Ngumisi yung isa. "Isang gabi, tumatanggap kaba?"

"Pwede kana." Sabi naman nung isa. "Ano game?"

"Kumain na lang po kayo, ayoko po ng gulo." Nakangiting sabi ko

"Aba ang arte mo." Nagtawanan sila. "Ang pangit mo naman."

Magsasalita pa sana ang isa pero hindi natuloy ng may bumato sa ulo nito ng baso.

Nilingon ko ang may gawa non, si Ezar. Parehas silang nakatayo ni Zaem at parehas madilim ang muka.

"Aba, gago ka ah! Sino kaba!?" Galit na sabi sa kanya nung binato niya

"You don't need to know." Malamig na sagot ni Ezar.

"Hayop ka pala eh!"

Sinugod ng mga ito si Ezar, pero mabilis nakaiwas si Ezar. Parang wala lang na binugbog niya ang mga ito.

Lagot ako nito! Ang dami kong babayaran kapag nagkataon.

"Yown, ang galing ng Papa ko!" Tinaas pa ni Zaem ang mga kamay niya. "Yan, wag nyo kasi inaaway Mama ko."

"Ezar tama na!" Hinawakan ko siya sa braso kaya napatigil siya sa pagsuntok sa lalaking nambastos sakin. "Bakit mo pa pinatulan!?"

"What do you want me to do?" Nagsalubong ang mga kilay nito. "Watching them to fvcking insult you huh!?"

Sarkastika akong tumawa. "Galit ka pala sa kauri mo? Diba ininsulto mo din ako? Bakit hindi mo saktan ang sarili mo!"

"This is fvcking nonsense." Binuhat nito si Zaem

"Saan mo dadalin ang Anak ko!?"

"ISASAMA KO SA TRABAHO!" Sigaw nito at mabilis na umalis.

Napahawak na lang ako sa sintido ko at napatingin sa mga lamesa at upuan na nasira.

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon