EMERY
GABI NA PERO hindi pa rin ako natutulog, nakatambay ako dito sa balcony at nakatingin sa mga bituin. Si Batang makulit naman ay tulog na.
"Hey, why are you still awake?" Napalingon ako sa nagsalita. "Can't sleep?"
"Hmm." Tumango ako. "Naninibago lang, mas sanay na kasi ako sa bahay namin ni Zaem."
Naramdaman ko ang pagtabi nito sakin. "Emery..."
"Hmm?" Nilingon ko siya.
Umiinom siya at naninigarilyo. Pinatay niya ang sigarilyo tsaka seryosong tumingin sakin.
"You haven't forgiven me yet?" Seryosong tanong nito.
"Napatawad na kita Ezar." Nakangiting tugon ko. "Tanggap na din kita bilang Ama ni Zaem, nakita ko naman talaga na bumabawi ka sa kanya."
"How about us?"
"Us? Wala namang tayo una pa lang, bunga lang ng pagnanasa si Zaem." Natawa ako ng pagak. "Pagkatapos nito ay babalik na kami ni Zaem sa bahay, pwede tayong magbigayan ng araw sa kanya."
"Emery, I want to give Zaem a Happy Family." Sabi nito. "Can you stay with me forever?"
"Ezar napatawad kita, pero yung sakit at takot na binigay mo sakin ay hindi ko alam kung maghihilom pa. Pwede kang maghanap ng babae na pakakasalan mo, tatanggapin ko yun dahil wala kang maasahan sakin."
"Emery.."
"Matagal ko ng tinapos ang pagmamahal ko sayo Ezar, wala na akong nararamdaman pa."
Inisang hakbang ako nito at hinawakan sa kamay. "Emery, I want to be with you, I want only you. I love you Emery."
"I'm sorry..." Unti unti kong binawi ang mga kamay ko. "Mananatili tayong mga magulang ni Zaem pero hanggang doon na lang yun."
"No!" Matigas nitong sambit. "Tell me, what do you want me to do?"
"Kalimutan mona lang 'yang nararamdaman mo."
Nginitian ko muna siya bago talikuran. Dumiretso ako sa kwarto namin ni Zaem.
Dahan dahan akong humiga sa tabi ng Anak ko. "Sorry Anak kung hindi kita mabibigyan ng kumpletong Pamilya, bumitaw na kasi si Mama eh."
Hinalikan ko siya sa noo bago siya yakapin.
"MAMA, gising." Napamulat ako ng may yumuyugyog sakin. "Gutom na po ako!"
"Bumaba kana lang, nandoon yung Papa mo." Tugon ko at pumikit ulit. "Sige na, masakit ulo ni Mama."
"Ihh, ayaw." Dumapa ito sa tiyan ko. "Mama, okay lang po ikaw?"
"Masakit lang ulo ni Mama." Hinaplos ko ang buhok niya. "Gutom kana ba talaga?"
"Yes po?"
"Sige tara na."
Umalis naman siya sa ibabaw ko at tumayo, nagtungo ako sa C.R at naghilamos tsaka mumog.
"Mama, ang laki po talaga ng bahay ni Papa." Sabi nito
"Mayaman Papa mo eh."
"Swerte mo po."
Nang makarating sa kusina ay nandoon na si Ezar, tulala lang ito.
"Papa!" Agad kumandong sa kanya si Zaem. "Good morning po Papa ko."
"Morning young man." Nginitian siya ni Ezar bago tumingin sakin. "Good morning Fluppy."
"Morning." Umupo na ako. "Zaem, umayos kana, diba nagugutom kana?"
Agad naman itong bumaba kay Ezar at umupo ng maayos. "Daming pagkain."
"Zaem, payag ka ligawan ko Mama mo?" Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi ni Ezar.
"Po? Diba po mag asawa na kayo?" Inosenteng tanong ni Zaem. "Pero sige po, payag ako."
"Ezar, napag-usapan na natin 'to." Mariing sabi ko.
"I won't give up Fluppy." Seryosong sabi nito. "Just give me last chance to prove myself."
"Ezar!"
"Promise, ako mismo ang susuko kapag hindi na talaga pwede." Kita ko ang lungkot sa mga mata nito. "Isang chance lang Emery."
"Bigyan mona po Mama." Singit ni Zaem. "Gusto ko po kumpleto tayo, sige na po."
Napahinga ako ng malalim. "Just one chance Ezar."
"Thank you."
"Pero ngayon pa lang binabalaan na kita, wala na akong balak na mahulog pa ulit pa sayo."
"I will do everything, just love me again."
"Pero hindi ko kasalanan kung masaktan kita."
"It's okay." Ngumiti ito. "Ang mahalaga sinubukan ko at gumawa ako ng paraan para maayos tayo.."
BINABASA MO ANG
Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)
RomanceEmery Patty Salvacion has no confidence on herself, lagi siyang nilalait at minamaliit ng mga taong nakapaligid sa kanya kaya ganon na lang ang kawalan niya ng confident pagdating sa sarili. She's fat, hindi maputi at marami siyang peklat. Wala siya...