2

126K 3.6K 915
                                    


EMERY

     "DON'T BE late tomorrow or else I will fire you." Malamig na sabi ni Sir kaya mabilis akong tumango

Six na at uwian na namin, hindi man lang ako napagod dahil ang ginawa ko lang ay maupo at manahimik. Kung may iuutos man si Sir ay saglitan lang.

"Promise hindi na po." Tinaas kopa ang kamay ko na parang nanunumpa.

"You may go."

Kinuha ko naman ang bag ko at nagmamadaling lumabas. Nadatnan ko si Quen na nagta-type pa sa computer

"Hindi kapa uuwi?" Tanong ko

Inayos nito ang salamin niya. "May kailangan pa akong tapusin pero maya maya ay uuwi na ako." Tugon nito

"Sige mauna na ako sayo."

"Mag iingat ka at wag kang ma-late."

"Salamat, mag ingat ka din."

Kumaway muna ako bago tuluyang umalis. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang ground floor.

Napalingon ako sa sarili ko sa Elevator, ang laki ko ngang bulas, ang dry din ng mga balat ko at ang daming peklat, yung buhok ko ay sabog na parang alambre, ang itim ko din, ang putla ng muka ko at ang losyang kong tingnan.

Natawa na lang ako, buti at hindi naiirita si Quen na tingnan ako, lalo na si Sir.

Napailing iling na lang ako, saktong bumukas ang elevator kaya lumabas na ako.

Hindi makakapunta si Lorelei kagaya ng sabi niya kaya mag isa lang ako ngayong uuwi.

"Uuwi kana?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Mr. Naob, ayan na naman ang manyak niyang ngisi. "Hatid na kita."

"Hehe, hindi na po." Umiling iling pa ako. "Sige po una na ako."

Nagmamadali akong lumakad, dinig kopa ang pagtawag niya pero hindi kona siya pinansin.

Pumara ako ng jeep at agad sumakay. "Bayad po, isa."

"Miss, dalawa ang bayaran mo." Sabi ng driver. "sa laking bulas mona yan, pang dalawang tao ang nakaupo."

Nagtawanan ang mga nakasakay kaya napayuko na lang ako.

Dinagdagan kona lang ang bayad na agad naman niyang kinuha. Nang makarating sa kanto paliko sa bahay ko ay agad na akong bumaba.

"Miss laki ng pata mo." Sabi ng isang tambay na umiinom.

"Dati kang baboy ramo?" Sabi naman nung isa.

"Laman ng dibdib mo ah."

Niyakap kona lang ang sarili ko at nagmamadaling maglakad. Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa bahay ko.

Ni-lock ko ang pinto at nagtungo sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas at nagluto ng dalawang pancit canton. Yan lang muna ang hapunan ko dahil wala akong badget.

Nagpalit muna ako ng damit bago kumain habang nanonood ng T.V

'Natagpuan ang isang Turkish Drug Lord na walang buhay sa kanyang condo, ayon sa mga saksi isa umanong lalaking nakaitim ang pumatay dito.'

Napailing na lang ako. "Dapat lang namang mabawasan ang mga kagaya niya pero dapat hindi pa rin pinatay."

Hinugasan ko ang pinagkainan ko at nagtungo sa kama ko para matulog.

"MALE-LATE NA AKO!!" Malakas na sigaw ko dahil eight AM na ako nagising.

Mabilis akong naligo, hiniklat ko sa closet ko ang isang jeans at isang black shirt. Nagsuklay din ako kahit wala ng mababago sa buhok ko.

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon