10

112K 2.9K 93
                                    


EMERY


     MAAGA akong gumising at nagbihis, dahil ngayong araw kami pupunta ni Ezar kay Lorelei.

"Magandang umaga." Bati ko sa mga katulong na nasa kusina. "Pwede bang ako na ang maghanda ng almusal para kay Ezar?"

"Baka po pagalitan kami ni Sir." Nakatungong sagot nung isa.

"Akong bahala." Nginitian ko sila kaya tumango sila bago lumabas ng kusina.

Nagsimula na akong maghanda at magluto. Fried rice, hotdog and ham ang napili kong almusal namin, favorite ko kasi hehe.

"What are you doing?"

Nakangiting hinarap ko si Ezar kaso medyo nailang ako kasi nasa likod niya ang mga kaibigan niya.

"N-Nagluto ako ng almusal." Napakagat labi ako. "Uhm, kain na.."

Tahimik naman silang nagsiupo. Hindi ko alam kung uupo din ako kasi nahihiya na ako.

"Sit beside me." Malamig na sabi ni Ezar

"S-Sige." Tahimik akong umupo sa tabi niya.

Nagsimula na kaming kumain.

"Wala bang kape?" Tanong ni  Colm. "I want coffee."

"Wala kasing kape dito." Sagot ko. "Puro Gatas."

Nagtataka nga rin ako kasi wala akong nakikitang kape dito, puro gatas.

"What?" Nilingon ni Archer si Ezar. "You're addicted to coffee Ezar, where's your coffee?"

"Shut up." Tanging sabi ni Ezar

Nagtaka ako ng ngumisi ang mga kaibigan niya.

"Aalis ako." Sabi ni Ezar kaya natigilan ako. "I have important meeting."

"Huh? Pero sabi mo pupunta tayo kila Lorelei.." Mahinang sabi ko at ramdam kong ito naman ang natigilan

"Archer will come with you." Hinawakan nito ang hita ko kaya napatingin ako sa kanya. "I can't come Fluppy, it's important meeting."

Medyo nanghinayang ako pero ngumiti pa din ako. "Sige, okay lang."

Nilingon nito si Archer. "Don't touch her and always eyes on her, if something bad happens to her, I will fvcking shoot your penis."

"Fvck you brother." Inirapan siya ng kapatid. "Akong bahala kay Emery."

Nang matapos kaming kumain ay umalis na kami ni Archer, hayst ang akala kopa naman si Ezar ang makakasama ko.

"You don't want to be with me?" Tanong ni Archer.

"Ah hindi." Umiling pa ako. "Akala ko lang kasi si Ezar yung makakasama ko.."

"Aren't you afraid to my brother?" Tanong ulit nito. "He hurt you."

"Hindi niya naman yun sinasadya." Mahinang sagot ko. "Mabait si Ezar."

Umiling iling lang ito habang nakangiti, ilang minuto pa ay nakarating kami sa tapat ng bahay nila Lorelei. Nakakapagtaka pa nga kasi alam ni Archer ito.

Agad akong bumaba at kinalampag yung gate. "LORELEI!!"

Lumabas yung Mama niya na may sigarilyo sa bibig. "Wala si Lorelei dito, umalis kana!"

Hindi ako naniniwala. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Lei na nakasilip sa bintana, may tape ito sa bibig.

"Andiyan po siya!" Mabilis kong binuksan ang gate. "LEI!"

"HOY BABAENG BUTANDING TRESPASSING KA!" Sigaw ng Mama ni Lei at hinarangan ako. "UMALIS KANA BAGO PA KITA IPADEMANDA!"

Walang kahirap hirap ko siyang tinabig at dire diretsong pumasok sa loob.  Nakita ko si Lei na nakatali sa hagdan, umiiyak ito at may tape sa bibig. Meron din siyang mga pasa at sugat.

"Lei!" Nilapitan ko siya. Mabilis kong tinanggal ang tape sa bibig niya. "Lei, nandito na ako."

"Emery, saan kaba galing?" Umiiyak na tanong nito. "Nag alala ako sayo."

"Mahabang kwento." Tinanggal ko ang tali sa kamay niya. "Aalis tayo dito. Iaalis kita dito."

"Emery, binenta ako ni Mama." Umiiyak na niyakap ako nito. "Kukunin ako nung bumili sakin, Emery ayokong sumama doon."

"Akong bahala sayo Lei." Inalalayan ko siyang tumayo

"BITAWAN MO ANG ANAK KO!" Sigaw ng Mama ni Lei. "MALAKING HALAGA ANG BILI SA KANYA KAYA DITO LANG SIYA!"

"WALA NA POBA KAYONG AWA!" Sigaw ko. "Anak nyo po si Lei, sariling dugo at laman tapos ibebenta nyo? Hindi pa po ba sapat yung mga pananakit nyo sa kanya!?"

"Wag kang makielam!" Sinubukan nitong kunin si Lei pero mabilis kong hinarang ang katawan ko.

Sa laki kong ito hindi niya makukuha si Lei. Napangiwi na lang ako ng pagkakalmutin ako nito.

Natigilan lang kami ng may marinig kaming mga sasakyan sa labas, agad lumabas ang Mama ni Lei.

"Emery, nandiyan na sila, natatakot ako." Yumakap sa bewang ko ng mahigpit si Lei. "Wag mo akong ibibigay."

"Hindi kita ibibigay." Niyakap ko din siya. "Aalis na tayo dito."

Natigilan kami ng may pumasok na mga armadong lalaki sa loob, kasunod non ang Mama ni Lei at mga taong hindi ko inaasahan.

"Lorelei, nandito na ang bumili sayo." Sabi ng Mama ni Lei at humarap kay Colm na malamig lang ang ekspresyon. "Mr. Sullivan, pwede nyo na pong kunin ang Anak ko."

"Men get the woman." Malamig na utos nito kaya mabilis akong humarang.

"WAG NYONG KUKUNIN ANG KAIBIGAN KO!" Sigaw ko at niyakap si Lei ng mahigpit. "Wag si Lei.."

"Fluppy, let go of her." Malamig na sabi ni Ezar pero umiling ako. "Emery."

"Ayoko! Kahit patayin nyo ako hindi ko ibibigay si Lorelei." Tumulo ang mga luha ko. "Si Lei ang pinakamahalaga sa buhay ko, si Lei ang superhero ko, si Lei ang nandiyan nung mga panahong nilalait at sinasaktan ako ng mga tao, si Lei ang kaibigan ko at si Lei ang buhay ko. Ayokong mawala si Lei sakin."

"Emery."

"Wag na si Lei, iba na lang." Nilingon ko si Colm. "Magkano ba binenta si Lei? Babayaran ko ng paunti unti, wag mo lang siyang kunin."

"She will come with me!" Matigas na sambit nito at lumapit samin.

Hinawakan niya sa braso si Lei at pilit hinihila kaya niyakap kopa ito ng mahigpit.

"Get your woman Carter or else I will hurt her." Malamig na sabi ni Colm.

Naramdaman kong may humawak sakin at pilit ako nilalayo kay Lei.

"HINDI LEI!" Sigaw ko ng tuluyan nila kaming mapaghiwalay.

"EMERY!" Sinubukan niya akong abutin pero hinila siya ni Colm palabas.

Tinulak ko naman si Ezar at agad silang hinabol. Mabilis kong tinulak si Colm at niyakap si Lei.

"Tara na Lei."

Sinubukan naming tumakbo pero sabay din kaming bumagsak ng may tumusok  sa leeg namin.

Tanging pagbuhat na lang ni Colm kay Lei ang nakita ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim..

'Lei...'

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon