18

125K 2.9K 238
                                    

EMERY


    "ANONG NANGYARI!?"

Mabilis akong tumakbo palapit kay Quen at niyakap siya. Nang maisugod si Zaem sa Hospital ay agad ko siyang tinawagan.

Sakto namang nakadaong siya malapit sa amin kaya dali dali siyang umuwi.

"Quen, yung Anak ko. Ayokong mawala si Zaem." Umiiyak kong sabi. "Hindi ako pwedeng iwan ni Zaem."

"Magiging maayos si Zaem." Hinaplos nito ang buhok ko. "Ano bang nangyari?"

"Nagkabarilan sa park, niligtas niya yung baby kaya tinamaan siya."

"Who's the family of the patient?" Mabilis akong humiwalay kay Quen ng bumukas ang O.R

"Doc, kamusta po yung Anak ko?" Tanong ko

"He needs blood." Sagot nito. "I need AB+. We don't have stock that kind of blood."

Type O ako hindi ako pwede, nilingon ko si Quen.

"Type B ako." Sabi nito kaya nanlumo ako.

"Mrs. You need to find blood or else..you know what happened." Bumalik ito sa loob ng OR

"Saan ako kukuha ng ganong dugo?" Nanghihinang napaupo na lang ako.

"Kay Ezar.." Napatingin ako kay Quen. "Siya na lang ang pag asa nyo, wala na tayong oras."

"Ayok–"

"–Emery, buhay ng Anak mo ang nakasalalay dito."

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo. "P-Puntahan natin siya, kung kailangan kong ibaba ang pride ko at lumuhod sa harap niya ay gagawin ko para kay Zaem."

"Let's go."

Lumabas kami ng Hospital at mabilis na sumakay ng sasakyan niya.

Hindi naman kami umalis ng Manila ni Quen, nakatago lang kami sa isang maliit na baryo.

"Be strong Emery." Hinawakan ni Quen ang kamay ko. "Magiging maayos si Zaem, malakas yata ang makulit na yun."

Halos isang oras ang naging biyahe namin bago kami makarating sa bahay ni Ezar. May naririnig kaming maingay, siguradong may kasiyahan sa loob.

"Are you ready?"

Pikit matang tumango lang ako bago bumaba.

"Nandiyan si Kuya?" Tanong ni Quen sa isang Guard.

"Sir Quen." Gulat pa ito ng makita si Quen. "Nandiyan po si Sir, binyag po ng pamangkin niya ngayon."

"Okay."

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob. Walang pinagbago ang bahay ganon pa rin.

Napahigpit ako ng hawak kay Quen ng makita ang taong sinadya ko dito, mas lalo siyang gumwapo at mas lalong nakakatakot ang awra niya.

Sinumpa ko sa sarili ko na ayaw kona siyang makita at hinding hindi na ako babalik pero heto ako ngayon para sa Anak ko.

"EZAR!" Natigil ang mga tao ganon din ang malakas na tugtog ng sumigaw si Quen

Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng mapatingin ito samin, lalong humigpit ang hawak ko kay Quen at nagtago din ako ng kaunti sa likuran nito.

"You're back." Malamig na sabi nito.

Tumayo ito at dahan dahang lumapit samin.

"Kuya, who are they?" Tanong ng isang babaeng maganda na may buhat na bata.

"They are nothing." Malamig na sagot ni Ezar. "What do you need Quen?"

"We need your blood." Seryosong sagot ni Quen.

"Bampira ka bro?" Natatawang tanong ni Wyatt. "Nagtago ka lang ng ilang taon Quen, naging bampira kana."

"You're both nonsense, leave n–"

"–Pakiusap kailangan ko ng tulong mo." Lakas loob akong humarap sa kanya. "I-Ito lang tapos lalayo na ulit ako..h-hindi na ulit ako magpapakita."

"What do you want? Money?" Dumukot ito ng pera sa bulsa niya at basta na lang niya isinaboy. "Get it and leave."

Mabilis itong tumalikod.

"PAKIUSAP PARA SA ANAK NATIN!" Natigil ito sa paghakbang at mabilis na humarap. "Ayokong mamatay siya Ezar, k-kahit itong pabor na lang sana, k-kailangan ka niya."

"What are you fvcking saying?" Nagsalubong ang mga kilay nito at nilapitan ako tsaka mahigpit na hinawakan sa braso. "Don't lie at me!"

"Hindi ako nagsisinungaling!" Mabilis na tumulo ang mga luha ko. "K-Kailangan niya ng dugo mo!"

"Lea–"

Mabilis kong binunot ang baril na nasa tagiliran niya at nanginginig na itinutok sa noo niya.

"P-Papatayin kita!" Nanginginig na sabi nito pero ngumisi lang siya

"Really?" Sarkastikong tanong nito. "Then fvcking pull the trigger!"

"Sumama kana lang parang awa mona.." Unti unti akong lumuhod sa harap niya. "Kung ikaw kaya mong mamatay siya, ako hindi. Wala ng makulit kapag nawala siya, wala ng mag iingay sa bahay, wala ng madaldal. Ayoko ng ganon, gusto ko lagi kong nasa tabi si Zaem, mahal na mahal ko ang Anak natin kaya pakiusap tulungan mo ako.." Tiningala ko siya. "G-Gagawin ko lahat ng gusto mo tulungan mo lang ako."

"Tito, gawin mo po ang tama." Sabi sa kanya ng isang batang babae. "Please po."

"Kuya..anak mo yun."

"Get the fvck up and bring me to him." Malamig na sabi ni Ezar bago kami talikuran.

Inalalayan naman ako ni Quen hanggang sa makasakay kami sa sasakyan niya. Nauna kami at nakasunod samin si Ezar.

*

"Doc, nandito na po yung mag-do-donate ng dugo." Sabi ko sa Doctor ng makarating kami sa Hospital.

"Follow me." Naunang maglakad ang Doctor.

Tumingin muna samin si Ezar bago ito sundan. Naupo na lang kami ni Quen sa waiting area habang taimtim na nanalangin.

"Anong plano mo kapag natapos 'to?" Seryosong tanong nito

"Babalik kami sa dati ni Zaem na parang walang nangyari." Tugon ko

"Paano kung kunin siya ni Ezar?"

Mabilis akong umiling. "Hindi ko ibibigay si Zaem, akin lang ang Anak ko. Hindi pwedeng mapunta sa kanya si Zaem."

Halos ilang oras kaming naghintay bago lumabas si Ezar na may bulak sa braso, kasunod nito ang Doctor.

"He's fine now." Sabi ng Doctor. "Hihintayin na lang natin siyang magising."

"Doc, nasan po ang Anak ko?" Tanong ko

"Room 08." Sagot nito. "Excuse."

Agad kong hinanap ang sinabi nitong room, nakita ko si Zaem na nakahiga at walang malay. Mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan sa kamay.

"Anak, nandito na si Mama." Hinalikan ko ang kamay niya. "Gising kana, miss na kita. Kapag nagising ka, dadalhin kita sa MCDO, ipapasyal ka din ni Mama sa mall."

"He looks like me." Napalingon ako sa likuran ko ng may magsalita.

"Salamat sa tulong mo." Walang emosyong sabi ko.. "P-Pwede ka ng umalis, lalayuan kana namin."

Ngumisi ito. "He's my son Emery."

"Anong pakielam ko? Diba tinaboy mo ako? Wala kana ngayong karapatan samin, lalo na sa Anak ko!" Singhal ko sa kanya. "Wag mona kaming guluhin!"

"I will get my son." Malamig na sabi nito.

"Hindi ako papayag, magkamatayan man tayo Ezar. Sakin lang ang Anak ko!"

"Let see Emery." Nakangising umalis ito.

"Hindi ako papayag, sakin lang si Zaem.."

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon