SPECIAL CHAPTER

115K 3K 456
                                    

  "MAMA, milk po." Nakangusong sabi ng maganda kong bunso. "I want Milk."

She's Zamiella Ezam my four years old baby girl.

"Okay, ipagtitimpla ka po ni Mama." Nginitian ko siya. "Punta ka muna kay Kuya."

"Ayaw po, masungit Kuya ko." Umakyat ito sa upuan at umupo sa lamesa.

Totoo yun, ang sungit ni Zaem habang lumalaki. He's 12 years old now pero binatang binata at kamukang kamuka ni Ezar. Kaugali na din

Nabawasan ang pagiging madaldal at sweet, pero naiintindihan ko naman dahil part yun ng pagtanda niya.

"Wag malikot baka mahulog ka." Paalala ko na ikinatango niya lang.

Tinalikuran ko muna siya saglit para timplahan ng gatas.

"Zam, baka mahulog ka diyan." Naghahalong nilingon ko ang pinanggagalingan ng malalim na boses. "Come here kay Kuya."

Nakangusong nagpabuhat naman si Zamiella sa Kapatid.

"Kuya Zaem, sinusungitan mo daw si Bunso." Sabi ko at inabot kay Zam ang isang basong gatas.

"Ma, I'm not." Sumimangot ito. "Hindi lang niya siguro nagustuhan ang ekspresyon ko."

"Love mo ba ako po?" Tanong sa kanya ni Zam

"Ofcourse." Agad na sagot ni Zaem.

"Even I'm chubby?" Tumango si Zaem. "Okay po, Love love din po kita."

"Ang la-laki na ng mga Anak ko." Naiiyak kong sabi. "Konti na lang mag-gi-girlfriend kana Zaem."

"Ma, ang OA mo po." Supladong sabi nito. "Let's go to sala, Papa texted me, pauwi na po siya."

Nagtungo na lang kami sa sala at umupo, sakto naman ang dating ni Ezar dala ang pinabili kong lansones.

"Here Fluppy." Nilapag niya ang plastic sa center table. "What else do you want?"

"Ito lang. Thank you po." Hinalikan ko siya sa labi.

I'm two months pregnant for our third child, bigla akong nag-crave ng lansones kaya kahit hindi panahon naghanap si Ezar

"How's my little Fluppy?" Kinandong ni Ezar si Zam.

"I'm fine po." Nakangiting sagot nito. "Nag-play po ako ng barbie kanina."

"You want a new barbie?"

"Ayaw po, madami po akong toys eh."

Nilingon ni Ezar si Zaem. "How about you Zaem? Done to your assignments and projects?"

"Yes Pa." Tipid na sagot nito habang nakatutok sa cellphone.

"Eyes on me when you're talking." Maotoridad na sabi ni Ezar kaya agad sa kanyang napatingin si Zaem

"Yes Papa."

Masyado mang ini-spoiled ni Ezar ang mga bata, tinuturuan pa rin naman niya ito ng mga tamang asal.

"Did you drink you milk?" Tanong sakin ni Ezar.

Sumimangot ako. "Hindi, ayoko nun masyadong nakakasuka."

"Wife!" Iritang sabi nito. "You need to drink the milk, it's for our baby!"

"HINDI NGA MASARAP!" Galit kong sigaw. "IKAW UMINOM!"

"S-Sorry.." Mahinahong sabi nito. "Okay, I will buy new Milk, yung masarap."

"Mama, Papa, aaway po kayo?" Inosenteng tanong ni Zam.

"No baby, we're just talking." Sagot sa kanya ni Ezar. "Mag-i-school kana next year, anong gustong bag mo po?"

"I want barbie po yung may gulong." Ngumiti ito ng malawak. "Doon din po ba ako mag-aaral sa school ni Kuya?"

"Oo." Ako ang sumagot. "Para mabantayan ka ni Kuya mo."

"Pero masungit si Kuya." Ngumuso ulit ito. "Ayoko po sa masungit."

"Zam, hindi ako masungit sayo." Sabi ni Zaem. "Ganito lang talaga ekspresyon ni Kuya."

"Okay po.."

Sana naman bumagal ang panahon, gusto kong stay baby muna ang mga Anak ko. Ayoko pa silang lumaki.

"Baby, bagalan mo lang ang paglaki ah?" Kausap ko sa tiyan ko. "Gusto kang alagaan ni Mama ng matagal."

"Gagawa na lang tayo ng bago." Nakangising sabi ni Ezar at inakbayan ako.

"Sige tapos ikaw yung magbubuntis." Inirapan ko siya.

"Sungit naman ni Buntis ko." Naglalambing na yumakap ito sakin. "Fluppy, alam kong sawa kana sa sasabihin ko pero gusto ko ulit magpasalamat. Thank you for coming to my life and give me a happy and complete family."

"Thank you din kasi yung Pamilyang wala ako dati, naranasan ko ngayon.." Ngumiti ako sa kanya. "Mahal ko kayo ng mga bata."

"And we love you too Mama." Yumakap din si Zaem sakin. "I'm your always baby boy."

"Love you po." Pati si Zam ay nakiyakap. "Thank you po for being a good Mother, Mama, Thank you for being a caring Father, Papa, And thank you for always protecting me po Kuya."

"No matter what happens we will be strong.."

"And we will stay forever.."







-END

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon