EMERY"WHERE'S ZAEM?" Tanong ni Ezar habang inaayos ko ang mga gamit niya.
Ngayon na ang labas niya matapos ang ilang linggo pa niyang pag-i-stay dito.
"May school pa siya." Tugon ko. "Ayaw ngang pumasok para sumama dito pero hindi pwede kasi may exam siya."
"Fluppy.." Yumakap ito sa bewang ko. "I miss you so much."
"OA mo naman, araw araw tayong nagkikita." Natatawang sabi ko. "Hindi kaba nagsasawa sa muka ko?"
Hinarap niya ako sa kanya at sinapo ang pisngi ko. "Hinding hindi ako magsasawa sayo...masyado kang maganda at kaakit akit."
"Bolero." Kinurot ko ang pisngi niya. "Pagdating sa bahay, aahitan kita, ang haba na ng balbas mo."
"How about my hair down there?" Nakangising tanong nito
"Bunganga mo!" Pinanlakihan ko siya ng mata pero tumawa lang siya. "Manang mana sayo si Zaem."
"Ofcourse." Hinalikan niya ako sa pisngi. "Let's go home now Fluppy, we need to prepare for our wedding."
Binuhat nito ang bag na naglalaman ng gamit niya atsaka ako inakbayan. Dahil wala akong dalang sasakyan ay nag taxi lang kami.
"Fluppy, what theme color do you want?" Malambing na tanong nito habang pinaglalaruan ang singsing ko sa daliri.
"Gusto ko talaga ng pink." Tugon ko. "Ang cute kasi."
"Pink? You want me to wear a pink suit?" Sumimangot ito. "Fluppy, I'm devil not a prince charming in disney."
"Nagtanong kapa." Inirapan ko siya. "Devil ka? Ede hindi tayo pwedeng ikasal sa simbahan."
"Fluppy!"
"Sorry.." Hinalikan nito ang aking kamay. "How about black?"
"Ano yun lamay?" Napangiwi na lang ako. "Basta pink, final answer."
"Okay.." pagsuko nito kaya napangiti ako. "My devil friends will wear pink too."
Ang cute siguro nila sa pink suit. Dimonyong nakasuot ng pink.
Nang makarating sa bahay ay nagbayad kami at bumaba tsaka dire-diretsong pumasok sa loob.
"WELCOME HOME BOSS!" Sabay sabay na sigaw ng mga tauhan niya kahit halatang napipilitan.
"MASAYA ULIT KAMING MAKITA KA! WOOT WOOT." Napahagalpak ako ng tawa ng kumanta at sumayaw ang mga ito. "LOYAL KAMI SAYO FOREVER!"
Dahil hindi masasalubong ni Zaem ang Papa niya, inutusan na lang niya ang mga tauhan nito na i-welcome si Ezar. Siya rin ang nagturo ng sayaw sa mga ito.
"What the hell!" Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Ezar. "Get out all of you!"
Nagmamadaling lumabas naman ang mga ito.
"What was that?" Nakasimangot na tanong sakin nito. "Are they gay now?"
"Yung Anak mo may pakana ng lahat." Natatawang sagot ko. "Pinilit niya lang ang mga tauhan mo, mahal na mahal naman ng mga tauhan mo si Zaem kaya hindi makatanggi."
"Remind me next time, I might shoot them all of a sudden." Sabi nito at umupo sa couch
"Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tinabihan ko siya. "Sumakit ba yung sugat mo? May masakit ba sayo."
"Yes." Seryosong sagot nito. "My lips is so hurt, kiss me."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Eh kung tsinelasin ko 'yang pagmumuka mo?"
"Fluppy, I want a kiss." Pagmamaktol nito. "It's be a weeks since you last kissed me!"
"Bawal ang kiss hangga't hindi pa tayo kasal." Pang aasar ko sa kanya kaya lalo siyang napasimangot
"You're being unfair!" Tinalikuran ako nito. "You don't love me anymore."
Gago? Anong nangyari kay Ezar? Hindi naman siya ganyan dati eh. Bakit parang bata na siya?
"Sinasaniban kaba Ezar?" Hindi niya ako pinansin. "Woi."
Hinawakan ko siya sa braso pero tinapik niya yun.
"Kiss lang napakadamot!" Dinig kong bulong nito.
"Nagtatampo yan?" Natatawang tanong ko. "Ezar, bakit ang cute mo?"
Tumayo ako at sinapo ang pisngi siya tsaka siya hinalikan, napangiti naman ito bago hawakan ang batok ko at palalimin ang halikan namin.
"Ezar.."
"Tangina, kung wala lang akong sugat nasa kwarto na tayo." Hinapit ako nito sa bewang at pinaupo sa kandungan niya. "Be ready for our honeymoon."
Nasa ganon lang kaming posisyon hanggang sa dumating na ang makulit na bata
"PAPA!!" Masayang sigaw nito at tumakbo palapit samin.
Umalis ako sa kandungan ni Ezar at umupo sa tabi nito. "Kamusta school bigboy?"
"Ayos lang po." Sagot nito at umupo sa kandungan ni Ezar. "Papa, may school po ako kaya hindi kita nasalubong."
"It's okay young man." Ginulo ni Ezar ang buhok nito. "Okay naman yung test mo?"
"Opo, madali lang po." Mayabang na sabi nito. "Ang dami nga pong nangongopya sakin."
"Wag kang magpapakopya, bad yun." Binuksan ko ang butones ng uniform niya.
"Mama, nibayaran po nila ako kaya pinakopya ko sila." Ngumiti ito ng malawak, yung labas gilagid. "Dami kong pera sa bag."
"Masama yun Zaem." Hinubad ko ang uniform niya at pinatong sa sofa. "Pwede kang bumagsak o ma-guidance."
"Kumita naman po ako."
Mahina ko siyang piningot. "Sinasabi ko sayo Zaem, kapag bumagsak ka hindi ka ibibili ng bike ng Papa mo."
"Ibibili naman po niya ako ng kotse."
Umamba akong babatukan siya pero mabilis siyang sumuot sa loob ng damit ni Ezar.
"Labas diyan baka matamaan mo sugat ni Papa mo."
"It's okay." Sabi ni Ezar at hinaplos ang likod nito. "Zaem, listen to your mother, bad ang magpa-kopya."
"Pero sayang po yung pera." Katwiran nito at lumabas sa loob ng damit ni Ezar.
"I can give you money." Sabi ni Ezar.
"Wag mong sanayin sa pera 'yan at kung ano ano lang ang binibili."
"Papa, sakin ka po makinig. Sanayin mo po ako."
"Zaem!"
"Mama!"
Natawa si Ezar at parehas kaming niyakap. "I want to thank to God because he gave me a second chance to be with you."
"Mahal kita Papa ko." Malambing na sabi ni Poging kulit. "Pati po ikaw bungangera kong mama."
"Hindi ko pinagsisisihan na binigyan kita ng chance Ezar, maraming salamat sa lahat. Ngayon ko na patunayan na hindi lahat ng gwapong lalaki ay maganda din ang hanap, type din nila yung chubby at hindi kagandahan."
"Love is not about appearance Fluppy, I love you because you're my life and my world. And always remember that you're beautiful and sexy..."
BINABASA MO ANG
Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)
RomanceEmery Patty Salvacion has no confidence on herself, lagi siyang nilalait at minamaliit ng mga taong nakapaligid sa kanya kaya ganon na lang ang kawalan niya ng confident pagdating sa sarili. She's fat, hindi maputi at marami siyang peklat. Wala siya...