JUNGKOOK'S POINT OF VIEW.
Ano kaya yung sasabihin ni Desiree? Inagahan ko na yung pagpunta ko sa garden pero wala pa rin siya. Itetext ko na sana siya ng biglang dumating siya.
"Baby, ano yung gusto mong sabihin?" tanong ko sa kanya. Bigla siyang naging malungkot. Teka, may nangyari kaya?
"Pst. Baby, Bakit ka malungkot?" inihiga ko yung ulo niya sa shoulder ko. At naramdaman kong basa na yung uniform ko. Bakit siya umiiyak?!
"Bakit ka umiiyak? Bakit ayaw mong magsalita? Sabihin mo sakin ano ba yung problema?"
"Jungkook aalis na ako." Aalis siya? Nagulat ako. Gusto kong sumama sa kanya.
"S-s-san ka pupunta?" tanong ko na mangingiyak ngiyak na.
"Doon na ako sa London mag-aaral. Maaring dumiretso ako sa Korea pero, di na ko babalik dito." lalong napaiyak si Desiree. At ako.
"Bakit doon ka na?! Bakit di ka na babalik Desiree?! Paano na tayo? Yung relasyon natin?!" sunod sunod na tanong ko saa kanya pero humahagulgol lang siya.
"MAGHIWALAY NA TAYO. JUNGKOOK." nung pagkasabi niya non, bigla nalang siyang tumakbo.
Umiyak lang ako. Sa bench na inuupuan ko dito niya ako sinagot.
*FLASHBACK*
"Ahm, Desiree--" sabi ko ng nauutal pero pinigil niya ako magsalita.
"Upo muna tayo dun sa bench. Kakangalay tumayo." sabi niya. At umupo na nga kami don. Kinakabahan ako na ewan kasi itatanong ko kung pwede ko siyang ligawan.
"Oh ano yung sasabihin mo Kook?" ayan na. ayay. itutuloy ko pa ba to?
"Ahm, D-desiree? Pwede ba kitang ligawan?" tanong ko sa kanya. Nagulat siya. Kasi parang bara bara lang pagka sabi ko. Ahahaha
"Oo. Oo Jungkookie. Hahahaha Pwede." At nagtatalon ako at niyakap ko siya.
*END OF FLASHBACK*
Kung san kami nagsimula, doon din kami nagtapos.
ALEXANNA'S POINT OF VIEW.
Nakita kong tumakbo papalayo si Desiree. Saan galing yon? Siguro sa garden. Kaya pumunta ako sa garden. At nakita ko si Jungkook na umiiyak na nakaupo sa bench. Di ko naman siya kayang sigawan kasi baka magalit siya sakin. Ayaw niya akong kausapin kahit saglit. Di niya ako pinagsasabihan ng problema niya. Kahit mag asawa na kami, may sikreto pa rin siya sakin. Di niya rin ako mahal kaya di ko siya pinipilit na sabihin ang mga problema niya.
Kahit ganyan ka Jeon Jungkook, mahal na mahal kita.
