ALEXANNA'S POINT OF VIEW.
Naaalala ko yung usapan namin sa kotse kahapon. Naiiyak pa rin ako everytime na naaalala ko yun. Jeon Jungkook, bakit di mo ba kasi ako kayang mahalin? Sabagay arranged tayo.
Pero mabait na siya sakin. Si Jungkook. Salamat at nagbago na siya. Pupunta nalang muna ako sa mall para mag ikot ikot.
At para mag isip.
Mag- iiwan nalang ako ng note sa table baka sakali mang hanapin niya ako. BAKA SAKALI.
Jungkook,
Pumunta lang ako sa mall, nag-iikot. Uuwi din agad ako.
-Alexanna Kim.
At umalis na nga ako. Naisip ko lang. Pag binigyan ko ng anak si Jungkook, anong ipapangalan ko? O siya ang magpangalan? Hay ewan ko ba.
Ito ako, naglalakad. Kung saan saan napapadpad ang mga mata ko, at nagseselfie. Napatigil ako sa Starbucks at umorder lang ng Frappe. Nag wifi syempre. Nakita ko ang post ni Desiree. Tinag pa niya si Jungkook, I Miss you so much. Nilike ko na lang yon at nag scroll pa. Nang nakita ko ang isang picture ng baby, bigla akong natuwa. Kasi ang cute cute niya. Sana ganyan din ang maging itsura ng anak namin ni Jungkook, kung magkakaroon man.
Lumapit yung waiter sa akin at may dalang tatlong rose. Kanino galing yon?
"Ahm, excuse me? Who gave this?" Inenglish ko na, mukhang foreigner eh.
"Him." Si Taehyung?!
Napangiti nalang ako. Ang cute talaga netong V na to. Ahahaha.
"Hi Alexanna. :')" sabi niya with matching pa cute pa. JUSKO,. MAMAMATAY AKO NG DI ORAS.
"Hello V, bakit may rose pa?" tanong ko pero nginitian niya lang ako. Hayaan ko na lang si V. Teka, bakit di siya pumasok!?
"Ay teka sandali, bakit di ka pumasok?!" tanong ko.
"Ahm,ano kasi, ayokong pumasok." sabi niya at tumungo.
"Aish, Ikaw talaga. Geh ikot ikot muna tayo." sabi ko at tumayo na nga kami. Buti may kasama ako. May masasabihan ng problema. Buti nandito si V. Masayang kasama, iwas lungkot.
"Oh Alexanna, may problema ba? Halatang peke kasi yang ngiti mo eh" Hala? Alam niya?
"May naaalala lang kasi ako." sabi ko then inamoy yung 3 rose na bigay niya sakin.
"Ano naman yon?" tanong niya sakin at nginitian ako.
"Kasi, Mahal pa rin ni Jungkook si Desiree eh" sabi ko then tumawa. Seriously, natatawa ako na naiiyak kasi everytime na nababanggit ko yung pangalang Desiree, may mabigat sa puso ko? Nung papatulo na, bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit.
"Nandito ako, nasa tabi mo, nakayakap sayo. Iiyak mo lang yan, maiintindihan ko." sabi niya.
At sinabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin.
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW.
So, magkasama pala sila ni V. Isesend ko yung mga pictures nilang dalawa kay Jungkook.
Akala mo Alexanna, masasaktan mo si Jungkook ng ganun ganun na lang? Di pwede. Nagbalik ako para mapasakin siya. At para guluhin kayo~
