TAEHYUNG'S POINT OF VIEW.
Nakita at napakinggan ko ang usapan ni Jungkook At Alexanna. Pati yung pagkakasampal niya sa taong mahal ko. Oo. Mahal na mahal ko si Alexanna. Hindi lang ako, pati si Jimin hyung. Kaya everytime na nakikita kong umiiyak si Alexanna, nanghihina ang puso ko. Gusto ko siyang makitang masaya lagi. Kay gusto kong kasama siya para ako ang magbigay ng ngiti sa kanya. Pero, nasasayang lang yung mga ngiting ibinibigay ko sa kanya everytime na malapit siya kay Jungkook. Kung sasaktan lang niya si Alexanna, mas mabuting gumawa na ako ng paraan para mapasakin siya. Alexanna, magiging masaya ka sakin.Pero bakit may sinuot na necklace si Jungkook kay Alexanna.
"Thank you very much Jungkook" ayun ang lumabas sa bibig ni Alexanna at niyakap nila ang isa't isa. At umalis na ako.JUNGKOOK'S POINT OF VIEW.
Salamat at napatawad na rin ako ni Alexanna. Nandito kami sa practice room ng tropa. Napapangiti na lang ako dito. Para akong tanga. Kaya napapatingin dito sila Jin hyung.
"Knock Knock." Napatingin ako sa pinto at si Alexanna ang pumasok.
"Jagiyaaa~~" Napatakbo ako sa kanya at niyakap ng mahigpit. Ngumiti siya at kinurot ang pisngi ko.
"Nilalanggam kami sandali." Sabi ni J hope hyung.
"Magshower ka na pati kasi baba mo nilalanggam eh" sabi ni Suga hyung at tumakbo.
"Yung gilagid mo gago" At hinahabol pa rin si Suga hyung. Hahaha.
"Pawis na pawis ka. Baka matuyuan ka ng pawis niyan. Malamig pa naman." Pinunasan ni Alexanna yung pawis ko at sinapinan yung likod ko. Ang sweet sweet ni Alexanna. Tama nga sila, maaalalahanin si Alexanna kaya dapat pahalagahan ko siya.
"Bakit pala napapunta ka dito Jagiya?" Tanong ko at naglabas siya ng pagkain.
"Nagdala ako para sa inyo. Ipinagbukod kita baka kasi pati pagkain mo kainin nila. Baka kasi gutom ka na pati sila" Napangiti lang ako at hinalikan siya. Nagulat siya. Ang cute. Hahaha
"Did you just kissed her?" Tanong ni Jimin hyung. Ang seryoso niya mygahd.
May gusto ba siya kay Alexanna?
"Excuse lang jagiya ha?" At hinila ako ni Jimin hyung.
"Teka ano meron hyung?" Tanong ko.
"Hinalikan mo siya. Bakit?" Tanong niya. Anong klaseng tanong yan?
"Kasi asawa ko siya. Kaya pwede kong gawin yon." Sinabi ko lang
"So, porket asawa mo siya pwede mo na rin siyang saktan? Hahalikan mo siya pero sasaktan mo rin siya? Di pwede yon Jungkook." At sinapak ko siya. Naiinis ako kay hyung, nangingialam siya.
"ASAWA KO SIYA HYUNG! AKIN SIYA! KAYA WAG MO KAMING PAKIALAMAN!" sigaw ko sa kanya at biglang tinulungan ni Alexanna tumayo si Jimin.
"Anong nangyayari dito Jagiya?!" Tanong niya.
"Seryosohin mo yan Jungkook. Pag sinaktan mo pa siya, sakin siya mapupunta." At pumunta nalang ako sa garden.ALEXANNA'S POINT OF VIEW.
"ASAWA KO SIYA HYUNG! AKIN SIYA! KAYA WAG MO KAMING PAKIALAMAN."
Nung narinig ko yun, tumakbo ako at nakita kong nag aaway sila Jungkook at Jimin. Nakita kong napaupo at nagdudugo ang labi ni Jimin kaya tinulungan ko siya.
"Anong nangyayari dito Jagiya?!" Pero tinalikuran niya lang ako. Lumabas siya.
"JUNGKOOK! SANDALI!" sinundan ko lang siya.
"Jungkook! Ano bang nangyayari?! Kausapin mo ko!"
"PINAPAKIALAMAN TAYO NI JIMIN HYUNG TAPOS TINUTULUNGAN MO PA SIYA?!" Sigaw niya sakin.
"DI KITA MAINTINDIHAN JUNGKOOK!" Sigaw ko sa kanya.
"DUN KA NA KAY JIMIN HYUNG!"Sigaw niya.
"KAUSAPIN MO MUNA KASI AKO JUNGKOOK!"
Ayaw niya pa rin akong harapin.
"BAKIT SIYA YUNG TINULUNGAN MO?!AKO ANG ASAWA MO--"
"PARANG KAMI LANG NI DESIREE YAN JUNGKOOK!" At napaharap siya sakin.
"ANONG KINALAMAN NI DESIREE DITO?!" sigaw niya sakin. Mahal pa pala niya talaga si Desiree.
"Nung nag-aaway kami. Diba siya yung tunulungan mo? Paano ako? Nandun, pinapasaya ni Taehyung at Jimin. Kaya nung nasa poder ka pa ni Desiree, parang nasa impyerno ang buhay ko. Pero dahil pinapasaya ako nilang dalawa, pakiramdam ko kinuha na ako ng diyos." At umalis na ko.
Pinuntahan ko na si Jimin at nakita ko siyang nakaupo. Kinuho ko yung first aid kit at umupo sa tabi niya.
"Jimin, okay ka lang ba?" Tanong ko.
"Oo Alexanna, kasi nasa tabi kita" At napangiti ako dahil don.
"Aish. Bakit ka pa kasi nakipag away sa kanya?" At dahan dahan kong ginagamot ang sugat.
"A-aray" Ay.
"Ay pasensya na Jimin" at tinapos ko na nung nilagyan ko ng band aid ang sugat niya.
"Maraming salamat Alexanna" at niyakap ako ni Jimin.