JUNGKOOK'S POINT OF VIEW.
Ngayon nga pala ang alis ni Desiree. Sana manlang puntahan niya ako kahit saglit. Nandito na ako sa school at ang bukambibig nila ay ang alis ni Desi.
"Jungkook, San daw pupunta si Desiree?" tanong ng tropa.
"Sa London. Dun na siya mag-aaral at hindi na siya babalik dito." Nag Ahhh lang sila -_-
"Oh, ano nangyare?" tanong ni Rap Mon hyung.
"Wala na kami. Saya noh? Ahahaha" tinapik naman ni Suga hyung yung balikat ko.
"Wag kang ganyan. Ilabas mo yung totoong feelings mo. Kung iiyak ka iiyak mo. Para mabawas bawasan naman yang sakit sa puso mo." Oo nga.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nandito na ako sa bahay. Nagtataka ako kung bakit wala pa yung Alexanna na yun. Bumukas ang pinto. Siya na nga yon.
"Mabuti naman at nandito ka na. Gusto ko nang magpahinga, ikaw na bahala dito." aakyat na sana ko nang biglang,.
"Jungkook sandali" nilingon ko naman siya, anong gusto neto?
"May gustong kumausap sayo." sino?
Nakita kong bumukas ang pinto, at si Desiree ang pumasok kasama ng tropa. Dala na niya ang maleta niya. Dali dali akong bumaba at niyakap siya ng mahigpit.
"Salamat Desiree at pumunta ka dito." Sabi ko at humiwalay siya sa yakap.
"Huwag ka magpasalamat sakin. Sa asawa mo ikaw magpasalamat dahil sabi niya na gusto mo raw ako makita." tumingin ako kay Alexanna at nakangiti lang siya samin.
"Mamimiss kita Desiree. Tawagan mo ako ha?"
"Oo naman Jungkook." sabi niya. Ang ganda niya talaga pag namula. Umiiyak siya habang nakatawa.
"Pwede ba kitang halikan ulit?" sabi ko. At tumango siya.
Hinalikan ko na siya ng matagal,. Sa labi. Ng matapos yun,
"Paalam na Jungkook, Paalam sa inyo. Thank you ulit Alexanna." Nung nilingon ko si Alexanna nakayakap siya kay V.
Niyakap ko ulit ng mahigpit si Desiree at umalis na.
ALEXANNA'S POINT OF VIEW.
Nag-uusap na yung dalawa. Nagulat nalang ako nung hinalikan ni Jungkook si Desiree sa labi. At hinatak ako ni V para yakapin."Huwag mo na sila tignan, iiyak ka nanaman." At niyakap ko lang pabalik si V.
"Paalam na Jungkook, Paalam na rin sa inyo, Thank you ulit Alexanna." at napaiyak na ako.
Tuluyan nang umalis si Desiree at tumakbo na ako sa kwarto. Nang umiiyak.
Nang may narinig akong kumatok...
"Alexanna, salamat ng marami,." at si Jungkook pala yon.
