FOREVER MRS. JEON [Part 2 of Part 28]

245 7 0
                                    

ALEXANNA'S POINT OF VIEW.

"Alexanna, nasaktan ka ba ni Jungkook?!" Natatarantang tanong ni Taehyung. Nandito ako sa dorm nila. Ayokong umuwi dahil baka pag initan lang ako ni Jungkook. Kasama ko ngayon si Taehyung at Jimin dahil nasa practice room pa ang iba.
"Okay lang ako V. Hindi ako nasaktan." Sabi ko. Nang biglang...
*Jeon Jungkook Calling*
"Ako sasagot Alexanna. Akin na." At iniabot ko ang phone ko kay Jimin. Ni loudspeaker niya para marinig ko.
[ALEXANNA NASAN KA?!]
"Nasa langit." Sabi ni Jimin. Siraulo to. Haha
[Jimin?! Nasan si Alexanna?! Bakit di pa siya umuuwi?!]
Pinipigilan ni Jimin yung galit niya.
"Ayaw niya kasi sa impyerno, sige, natutulog na siya. Paalam Kook" at binaba na niya.
At bigla nalang akong naiyak.
"Alexanna, bakit bigla kang umiiyak?!" Tanong ni Taehyung.
"Kailan ba niya ako seseryosohin?" Bigla nalang akong napaupo sa sahig.
"Bakit mo binagsak ang sarili mo? Umupo nga tayo" sabi ni Jimin at tinulungan nila akong dalawa na makaupo sa kama ni Jimin.
"Bakit bigla mong natanong yan Alexanna?" Tanong ni Taehyung.
"Kasi, parang nasasayang ang oras ko kakahintay sa kanya na mahalin ako. Nakakapagod." At humagulgol na ko.
Sinandal ni Jimin ang ulo ko sa balikat niya. At si Taehyung pinapatahan lang ako.
"Dito ka muna Alexanna, mas masaya dito, kaysa sa bahay niyong parang impyerno." Sabi ni Jimin.
At di ko namalayang 2:45 na ng madaling araw.
"Dito ka na matulog sa kama ko Alexanna." Sabi ni Jimin.
"Hindi! Dun nalang ako sa sofa sa labas. Okay na ko dun." Sabi ko pero umiling siya.
"Dito ka at malamig don. Ayokong magkasakit ka pa. Dito nalang ako sa lapag." Sabi niya.
"Sure ka Jimin?" Tanong ko at um-oo lang siya.
"Salamat Jimin. Goodnight. I mean, goodmornight." Sabj ko at tumawa lang siya.
Wala pa rin ang ibang member sa dorm kaya natulog na ko. May pasok pala bukas shet.

JUNGKOOK'S POINT OF VIEW.

Nasan kaya sila Alexanna?! Mas pinili pa talaga niyang dun sumama sa mga yon kaysa sa sarili niyang asawa?! Andami ko na kasing maling ginawa sa kanya. Nagsasawa na ba siya? Huwag ganyan ang isipin mo Jungkook. Mahal na mahal ka ni Alexanna.

Forever Mrs. Jeon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon