JUNGKOOK'S POINT OF VIEW.
Kauuwi ko lang galing school ng mapansin kong wala si Alexanna sa bahay. Pero may note siya na nag-ikot ikot lang siya sa mall. Napansin ko rin na wala si V hyung sa school kanina.
Itatry kong i-contact si V hyung kung nasan siya pero may 1 message ako. Unknown number.
Nung binuksan ko...
Puro picture ni Alexanna at V. Magkayakap, May 3 roses si Alexanna at umiiyak siya.
Tinatry siguro ni V na mapasakanya si Alexanna pero, hindi mangyayari yon.
Babawi ako kay Alexanna, para mapasakin siya.
ALEXANNA'S POINT OF VIEW.
Nandito na ako sa bahay ng bigla akong tinanong ni Jungkook.
"Bakit magkasama kayo ni V hyung?" seryosong tanong niya. Nakakatakot yung tingin niya. Nagseselos ba siya? Phew.
"Paano mo nalaman?" tanong ko. At ipinakita niya ang picture namin ni V?! Magkayakap. At yung tatlong roses na bigay niya sakin. T-teka, hindi naman kami nagpa photoshoot ah? Ibig sabihin, may umaaligid samin?!
"Ito oh." sabi niya ng sobrang seryoso. Sobra.
"Hindi yan Jungkook--" At bigla niya akong sinampal.
"Malapit na Alexanna, kaya na kitang--" at pinutol ko ang sasabihin niya.
"ANO JUNGKOOK!? MAHALIN?! Sino niloko mo!? Diba sinabi mo si Desiree lang ang mamahalin mo habang nabubuhay ka?! You promised me that you will never fall in love with me. Kaya paano kita papaniwalaan?" pero yakap lang ang natanggap ko.
"I'm sorry Alexanna. Sorry sa lahat ng nagawa ko at masasakit na sinabi ko sayo. Matututunan na rin kitang mahalin. I Promise you." At hinalikan niya ako sa noo.
"Happy Birthday, my princess." At doon ako naiyak. Binati niya ako sa birthday ko. Binati ako ng mahal ko sa birthday ko.
At niyakap niya lang ako.
"Huwag kang umiyak, araw mo to." At may nakita akong box sa bulsa niya. Nung binuksan niya ay kwintas. Ang ganda. Isinuot niya sa akin yon.
"Thank you very much Jungkook~"
