FOREVER MRS. JEON [Part 37]

244 8 0
                                    


CHRISSHA'S POINT OF VIEW.


"Chris, wala pa ba sila Jungkook?" tanong ni Yoongi habang nagkakamot ng ulo.


"Wala pa nga eh. Nasan na kaya yung mga yon?" sabi ko lang at tinatry na itext si Alexanna.


Grabe nag-aalala na kaming lahat dito. Sabi nila ngayon na sila uuwi diba?


"Baka nag-extend pa. Gagawa ulit ng baby— ARAY KO PUTA—"


"MURA PA TAEHYUNG. LIBOG MO." saway ni Jin sa kanila. Nga pala, sinagot ko na si Jin ☺ Ayay nemen. Ano daw yung otp na sinabi ni Alexanna samin? JiSha? Loka talaga yung babaeng yon.


"Hinihintay ko yung luto ni Jin hyung eh!" sigaw ni Namjoon.


"Pota patikim—"


"Ang sarap ah!" sigaw nila Hoseok sa kusina.


"OY BAGO KAYO TUMIKIM JAN, TEXT TEXT NIYO RIN SILA JUNGKOOK HA!?" sigaw ko sa kanila kaya kinuha nila yung cellphone nila.


Kinakabahan na talaga ako sa dalawang yon. Pano pag may nangyari dun sa mga yon?!


"Bebe ko, easy lang. Dadating din sila." sabi ni Jin sakin at hinagod hagod yung likod ko.


"Sana nga bebe ko." sabi ko lang kay Jin at sinandal niya yung ulo ko sa balikat niya.


Bigla namang tumakbo papunta dito sila Namjoon.


"Na-stranded sila dahil sa bagyo! Di daw sila makauwi dahil sa baha at mahina ang signal." sabi ni Hoseok.


Jusko. Kailan kaya sila makakauwi? Signal no. 3 pa rin yung bagyo. Kawawa naman sila. Kung puntahan na kaya namin sila?


"Yoongi, ihanda mo yung kotse." utos ko kay Yoongi kaya binuksan na niya yung garahe nila at kinuha yung susi.


"Bakit? Anong plano mo Chrissha?" tanong ni Jimin sakin.


"Pupuntahan natin sila. Para makauwi." sabi ko at tumayo na.


Bumusina na si Yoongi. Lumabas na kaming lahat at dali daling sumakay sa kotse dahil sa sobrang lamig ng hangin.


Tinatry ko namang tawagan si Jungkook. At sinagot na rin niya.


[Hello? Chrissha!]


"Jungkook! Kamusta kayo jan ni Alexanna?!" tanong ko at hinawakan yung ulo ko.


[Hindi pa rin kami makaalis dito kasi medyo malakas pa yung ulan. Humupa na rin masyado yung baha.] Sabi ni Jungkook.

Forever Mrs. Jeon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon