JUNGKOOK'S POINT OF VIEW.
Bukas na ang kasal namin. Letcheng buhay to! Nawala na sakin ang taong mahal ko! Bwisit yang Alexanna na yan!
*TOK TOK TOK*
"Sino yan?"
"Si V hyung mo to."
"Pasok ka hyung." sabi ko.
"May ikukwento lang ako sa yo. Nangyari sa school kanina." sabi niya. Ano nanaman kaya yon? Jusko. Pagod na pagod na ko. Puro problema na lang.
"Ano naman yon hyung?"
"Sinabunutan ni Desiree si Alexanna." ANO!?
"Nasaktan ba si Desiree?! Ano nangyare? May masama bang nangyare kay Desiree?!" panic kong tanong.
Tumawa naman si V hyung. Teka, Anong nakakatawa sa mga tanong ko?
"Mali ka Jungkook. Si Alexanna ang sobrang nasaktan." Psh.
"Wala akong paki dun. Geh, matutulog na ko. Bukas pa pala yung walang kwentang kasalan na magaganap. Psh."
"Bahala ka na nga dyan." At lumabas na ng pinto si V hyung.
Gagawin ko lang talaga ang kasal dahil sa kompanya at di ko mamahalin yan kahit kailan.
ALEXANNA'S POINT OF VIEW.
Nagising nalang ako sa kwartong to. Nasa dorm ba nila ako? At nakita ko si V sa tabi ng kama ko, natutulog.
Tinignan ko ang orasan at alas-kwatro na.
Tatayo na sana ako ng hilong hilo pa ko.
"A-arayy" At biglang napabalikwas ng bangon si V.
"Ayos ka lang Alexanna?" Aish nagising ko siya.
"Ay sorry V nagising kita. Okay lang ako."
"Hindi humiga ka muna. Mamaya ka na kumilos para sa kasal. Magpahinga ka muna."sabi ni V.
"Sige salamat V. Eh si Jungkook?"
"Tulog pa."
"Salamat V. matulog ka ulit.
