ALEXANNA'S POINT OF VIEW.
"Yeobo! Ready na ba lahat?!" Tanong ni Jungkook sakin.
Uuwi na kami ngayon. Magkikita kita nanaman kami nila Chrissha at BTS. Ang saya nga kasi nakapagbakasyon kami ni Jungkook nang hindi nag aaway.
"Sakay na yeobo." Binuksan na niya yung pinto at pumasok na ako. Pumunta na siya sa driver's seat nang nakangiti.
"Ngiting ngiti ka ngayon ah?" Tanong ko kay Jungkook at tumawa lang siya.
"Excited na kasi ako. May baby na kaya tayo?" Sabi niya at tumawa ulit.
"Gagi ka talaga jagi!" Sabi ko at naglagay na ng seatbelt. Nagdrive na si Jungkook habang hawak yung kamay ko.
Natutuwa lang ako ngayon. Grabe, parang dati lang sinasabihan niya ako ng layuan mo ko, kahit kailan di kita mamahalin. Tapos, natutuhan na niya akong mahalin? Wow lang ha.
"Jagi, ano? Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin at nag nod lang ako.
"Gusto ko bang kumain muna tayo jan sa picnic grove?" Tanong ni Jungkook sakin. May natira pa namang mga pagkain sa likod kaya nag nod lang ako.
Ipinara na ni Jungkook yung sasakyan sa tabi nung puno. Kinuha ko na yung basket at kinuha yung mga pagkain.
Umupo na ko dun sa may blanket na nilatag namin. Naramdaman ko nalang na nag vibrate yung cellphone ko at tumatawag pala si Chrissha.
"Hello Chrissha?"
[MAY BABY NA KAYO?!] What the flip?!
"Gaga ka ba?! Grabe ka naman!" Sabi ko at tumawa.
[Pero may nangyare ba?] Tanong niya sakin kaya puma-flashback sa isipan ko yung nangyare samin dun sa hotel. Omonaaaaa.
Sasabihin ko ba na meron? O wala? Kasi pag di ko sinabi yung totoo, madidismaya sila? Ay pucha.
"M-meron." Sabi ko kaya nagtititili yung bruhang kausap ko ngayon. Bigla naman niya akong vinideo call. Walangya tong best friend ko. Kung di ko lang bff to bababaan ko to eh. Isisiksik ko to kay Seok Jin eh. Ay! Speaking of Seok Jin, kamusta na ang JiSha?
[HIII ALEXANNAAAAA!!!] Magkakasama pala ang Bangtan at si Chrissha? Edi wew.
"Oyy mga pare!!" Sigaw ni Jungkook habang inaayos yung mga pagkain namin.
[Oy kumakain sila oh! Hayop kayo penge kami!!] Sigaw ni Yoongi pero nag belat lang si Jungkook. Tawa lang kami ng tawa.
"Jin eomma, kamusta na kayo jan?" Tanong ko pero sinamaan niya ako ng tingin.
[Okay lang naman sila. Ako hindi.] Huh? Bakit kaya?
"Bakit? Pinapahirapan ka ba nila jan? Haha" sabi ko at kumakain lang ng chips si Jungkook.
[Ayaw pa kasi akong sagutin ni Chrissha eh! #SadLyfofSeokJin #Friendzonedlangba ?] Omg. May hashtag pa?! Taray ha!
Nagsi Ayieeeeee naman kaming lahat at nakita naman naming namumula si Chrissha. Pota pabebe pa oh.
[POTA SEOKJIN HYUNG! MAY GUSTO KA KAY CHRISSHA?!] Natatawang tanong ni Hoseok.
"PAG IBIG NA KAYA!" Kanta ni Jungkook. Pero nakasimangot pa rin si Jin oppa.
[Wala kayang sinasabi si Jin sakin!] Sigaw ni Chrissha kaya nag Ayay silang lahat.
[Torpe ng nanay natin este, tatay pala. Ay mali! Asawa ni Namjoon! Aaha] Kaya nakatanggap ng malalakas na batok si Yoongi galing kay Namjoon at Chrissha.
[Oy mahal na mahal ko yang si Jin noh!] Sigaw ni Chrissha kay Namjoon at Yoongi. Nakita ko namang tawa lang ng tawa si Jungkook.
"MAHAL KA NAMAN PALA HYUNG EH!! KISS NA YAN!!" sigaw ni Jungkook pero pinakyuhan lang siya ni Chrissha. Pero nagulat kami nung hilain ni Jin bigla si Chrissha at hinalikan sa labi.
Nagwawala na yung bangtan sa likuran nila kaya magalaw masyado yung camera. Tungunu torrid na ba yun?!
"PAUWI NA KAMI JAN PAGKATAPOS NAMIN KUMAIN SANDALI. BYEEEE!" Sigaw ni Jungkook. Nag bye na rin sila at in-end na yung call. Tawa pa rin kami ng tawa ni Jungkook hanggang ngayon.
Natapos na kaming kumain. Niligpit na namin yung mga pagkain namin at tiniklop na yung mat.
Bigla namang umulan ng malakas kaya tumakbo na kami papunta sa kotse.
"Nako, masyadong malakas yung ulan. Pano tayo makakauwi." Sabi ni Jungkook habang pinupunasan niya yung likod ko.
Oo nga, puro fog na yung paligid. May bagyo ba?
Binuksan ni Jungkook yung radyo.
[Makakaranas po tayo ng malakas na pag ulan dahil sa bagyong ito. Signal no. 3 na po]
"Ang lakas masyado." Sabi ni Jungkook.
Nagdrive na si Jungkook pero mataas na yung baha papunta sa lalabasan namin. Stranded na kami ngayon.
Tinry ko namang tawagan sila Mommy pero walang signal.
"Paano na tayo ngayon Jungkook? Kung kailang hapon na tsaka lumakas yung ulan." Sabi ko at hinawakan niya yung kamay ko.
"Wag kang mag-alala. Hintayin nating tumila yung ulan." Sabi ni Jungkook sakin at inayos yung mga gamit sa likod.
Bigla namang umilaw yung cellphone ni Jungkook kaya nakita ko yung lock screen niya. Takte bakit tulog ako?!
"Oy Jungkook! Palitan mo tong lock screen mo!" Sigaw ko sa kanya at pinalo siya. Tumatawa lang siya.
"Wae? Ang ganda mo kaya dito! Para kang natutulog na anghel!" Sabi niya kaya namula ako.
Binuksan naman niya yung lock ng cellphone niya at ang home screen naman niya yung selca namin nung kasal. Edi wow.
"Palitan mo sabi yung lock screen mo eh!" Sabi ko habang pinagpapalo siya. Bigla naman niyang hinablot yung cellphone ko. Siya yung lock screen ko at picture namin ni Jimin yung home screen.
"Yah! Akin na yan!" Sabi ko habang tina try kong kunin yung cellphone ko sa kanya.
"Ay ang pogi ko dito." Sabi niya. Tinatry naman niyang i-slide yung lock screen pero pinipigilan ko siya.
"Hajima!!" Sigaw ko sa kanya pero nabuksan niya.
"Oy bakit picture niyo ni Jimin hyung to? Palitan mo to!" Sabi niya. Pero binuksan niya yung gallery ko at pinalit yung picture namin sa hotel.
"Akin na ya—" maaabot ko na sana kaso bigla akong sumubsob malapit sa mukha niya. Konting konti lang, mahahalikan ko na siya.
Pero nagulat ako nang bigla niyang sinubsob yung mukha ko kaya nalapat na yung labi ko sa labi niya.
Hindi pa rin tumitigil yung halikan naming dalawa.
Grabe tong ilong monster na to. Kissing monster din pala.
Pinutol na namin yung halikan namin at umayos na ng upo. Pinatong niya yung coat niya sakin.
"Matulog na nga tayo. Di pa rin tumitigil yung ulan eh." Sabi ni Jungkook.
"Good night." Sabi ko at pumikit na.
"I love you." Sabi ni Jungkook at nag i love you lang ako pabalik.
JUNGKOOK'S POINT OF VIEW.
Nagkunwarian akong tulog. Grabe. Masyado na ba akong adik sa labi ng asawa ko?
Natutulog na siya ngayon at tinititigan lang siya.
"Alam mo, ang ganda ganda mo." Sabi ko at hinawi yung buhok niya.
"I love you Alexanna Kim." Sabi ko at hinalikan ko siya. SMACK LANG OY. Hehehe baka di ako makapagpigil.
Good night
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ngayon lang po ulit nakapag Ud
Twitter: @bangtanislifexx
