CHAPTER 9

1 0 0
                                    

CALL


May mga tao talagang hate na hate natin. Yung pakiramdam na...kahit anong gawin niya, naiirita ka? Palagi kang nayayabangan sa bawat kilos niya? At halos isumpa mo na, para lang mabura sa mundo. 

Kahit gustuhin mong magpakumbaba ay hindi mo magawa, dahil nasusuklam ka sa pagmumukha niya? 

Ano ang tawag dun? Hayop? Hayop na tao sa buhay mo?! 

And that's what I describe, Juan in my life. The villain of my fantasy. 

Rude, selfish, arrogant, jerk, asshole, stuck-up, liar, and pervert! Lahat na ata ng kademinyuhang salita, pwede ko ng maihahalintulad sa kanya. 

Hindi ko talaga ma-imagine ang sarili kong inayakan ko ang hayop na yun! Inayakan ko siya noong SHS?! Yes. Umiiyak ako noon at nagluksa, hindi dahil sa na talo niya ako sa ranking, kundi dahil...nasaktan ako sa mga narinig ko mula sa kanya. 

Tangina niya! Pinaasa niya ako. Akala ko...akala ko...iba na ako sa mga babaeng tinapon niya, iyon pala...idadagdag niya rin ako sa collection! 

Kaya siguro, iba ang pakikitungo niya sa akin kumpara sa naging babae niya, dahil isa akong tropeo at achievement para sa kanya. At kung mapapaluhod niya ako, isang malaking karangalan yun sa ego niya! 

Simula ng marinig ko ang kwentuhan ng football team noong SHS kami, iniwasan ko na si Juan. Akala ng marami na bitter at insecure ako sa kanya, dahil hindi ako pasok sa highest honor at siya ang tumupad ng pangarap ko. I remain my silent until now. At ngayon? Parang na uulit na naman ang lahat. 


The history repeat by itself. Nakita ko na ito noon at nangyayari na naman sa ngayon. But this time, I won't let it happen! No! I won't allow myself to be involved on him, kahit sabihin pang kailangan ko siya sa mga bagay na gagawin ko. I know my limits and I learned from my mistakes. Tama na ang isang pagkakamali. 


"Do you feel well?" 


Tumango ako sa kanya at hindi pa rin makapag salita ng maayos. Nasobrahan siguro ako sa puyat, o pagod at hindi na kinaya ng aking katawan, kaya bigla nalang akong nag blackout. 


"Anything you want? Tatawag ako sa canteen para ihatid rito" 


"I want...to go home" 


Natigil siya sa ginagawa at muling binaba ang kanyang telepono, para sana tumawag sa canteen, magpapahatid siguro ng pagkain. 


"Okay. Then, I'll drive you home but you need to eat first, hindi ka pa nag me-merienda" 


Binaliwala ko ang sinabi niya at mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga. Nataranta siya sa ginawa ko kaya wala pang isang segundo, nakalapit na agad siya sa akin. 

"Kumain ka muna Frainelyn" 

Matalim ko siyang tiningnan. Bakit ba, nangingialam siya? Hindi niya ako obligasyon! 

"I'm not hungry. Thanks for the concern" 

Mabigat siyang huminga at pagod akong tiningnan. 

"Iinom ka ng gamot Frainelyn, kaya kailangan mong kumain muna" 

"Wala akong sakit, pwede ba? 'di ko kailangan ng gamot" 

Hinilot niya ang kanyang sintido at mariin na pumikit. Nawawalan ka na ba ng pasensya sa akin, president? Edi...mawalan ka! Pakialam ko.

"Ang tigas talaga ng ulo mo" 

Razing the wall for passionWhere stories live. Discover now