CHAPTER 1

5 0 0
                                        

DINNER

Hinaplos ko ang namumuting buhok ni mama. She look great as of now. Kumpara noon halatang halata mo ang stress sa kanya. You can easily notice that she suffer from illnesses.

Tatayo na dapat ako para ihanda ang kanyang pagkain ngunit napahinto ako nang may mainit na kamay ang humawak sa aking pulso.

Gising na si Mama. Nakatingin lang siya sa akin at wala paring mababahid na emosyon sa kanyang mukha.

I feel disappointed on what I see. Akala ko may improvement na sa kanyang kundisyon pero wala pa rin pala.

Yumuko ako dahil hindi ko kakayaning tingnan siya ng deretsyo at matagal. Umasa ako. Akala ko may pagbabago na.

"Anak"

Mabilis kong inangat ang aking mukha sa kanya. Hindi ako makapag salita at halos ayaw kong gumalaw. Nakilala na ba ako ni Mama? Tama ba ang narinig ko?

"Anak" pag-uulit niya.

Hindi ko na napigilan ang katawan ko at agad na niyakap si Mama. I can't hold my tears hinayaan kong bumuhos ang aking mabibigat na luha. Sa sobrang dami kong nararamdaman ngayon hindi ko na alam kung ano ang totoo.

Tama si doktora. Nakakapag salita na si mama! Kinakausap na niya ako! K-kilala na niya ako.

"Ma..thank you" garalgal kong sabi.

I hugged her tightly. I miss her so much. Na-miss ko ang kalinga at pagmamahal ng isang ina.

Thank you Ma for helping yourself to recover even it takes a year but then, you didn't give up. Hinintay mo pa rin ako. Salamat at hindi mo ako iniwan.

Bumitiw ako sa pagkakayakap at hinarap siya. She wipe my tears on my left cheek. I hold her hands, nasa kaliwang pisngi ko parin ito at pinirmi sa aking pisngi, hinayaan naman niya ang ginagawa ko.

"Kamusta na ang school mo? Marami ka pa bang ginagawang articles?" Nakangiting tanong niya.

Hindi ko alam kung maiiyak ako o matatawa sa sinabi ni Mama. Parang mas lalo akong nasasaktan. Akala siguro niya nag-aaral pa lang ako ng college. Hindi niya tanda na nakwento ko sa kanya na grumaduate na ako ng college seven years ago.

Naaalala ko pa na mag-isa lang ako noong araw ng graduation. Ako lang ang walang pamilyang kasama. Hindi ko naman pwedeng isama si Mama dahil sa kanyang kundisyon, wala na rin naman akong ama kaya wala akong maaasahan noong mga panahong iyon. Pinagsikapan kong makatapos ng pag-aaral kahit nag iisa lang ako sa ibang bansa.

Lumipat ako sa ibang bansa dahil sa laki ng isyu ng pamilya namin and at the time, staying here isn't safe for me, kaya wala akong ibang choice kung hindi iwan dito sa Pilipinas si Mama at magpatuloy ng pag-aaral sa ibang bansa.

"Okay lang po. wala namang masiyadong projects this quarter, yung mga articles naman Ma, nagawa ko na po ng maaga" Nakangiti kong sabi.

Hanggang maari ay hindi muna ako mag k-kwento kay Mama. baka mas lalong makasama sa kaniyang kundisyon at ayoko bumalik kami sa simula na kahit pangalan ko ay hindi alam.

"Bakit ka umiiyak Raine may problema ba sa pag-aaral mo? Gusto mong kausapin ko ang school head niyo?" Puno ng pag-aalalang tanong niya.

I shook my head. Lumabas ang tatlong linya sa kanyang noo tila naguguluhan na sa akin.

"Bakit ka umiiyak kung ganun?" Nagtataka niyang tanong.

"W-wala Ma. masaya lang ako kasi naaalala mo na ako"

Hindi ko na siya hinintay pang makapag salita, muli ko siyang niyakap ng mahigpit. Sa puntong yun hinayaan niya ako at hindi na siya nag tanong. Laking pasasalamat ko at hindi siya naging makulit.

Razing the wall for passionWhere stories live. Discover now