LOST
Habang tumatagal mas lalo akong napapalapit kay Juan. May pagkakataon pa nga na siya na ang pinipili kong isama sa tuwing may lakad ako. Hindi naman iyon issue kay Sunny dahil alam kong malaking pasasalamat niya na hindi na siya ang hinihila ko kapag may biglaang lakad. At sa kaso ni Juan, hindi naman ito nag re-reklamo dahil siya pa mismo ang nag I-initiate na sumama sa akin kahit hindi ko na sabihan. Basta alam niyang may pupuntahan ako, pilit siyang sumasama.
"Mag e-enroll ka na rin ba, Simon?" Tanong ni Mama kay Juan na kasalukuyang nakaupo sa mahabang sofa.
"Hindi pa po Doktora, sa katapusan pa po ng Marso"
Tumango si mama sa sinabi ni Juan. Tahimik ko silang pinapanuod habang nasa huling baitang pa ako ng hagdanan.
Friday ngayon at maluwag ang schedule namin sa school. Ito kasi ang araw na binigay sa amin para mag asikaso ng mga papeles para sa enrollment for college. Dahil graduating na kami, binigyan kami ng araw para mag asikaso ng enrollment for college. Malayo pa man mag end of school year, pero ang katwiran ng eskwelahan ay mas maganda kung maaga naming asikasuhin ang pag pasok sa kolehiyo.
Siguro abala si Juan dahil sa daming trabaho sa opisina. Hindi madaling maging student council, lalo na sa kanya.
Noong una, ayokong isama si Juan dahil alam kong maraming trabaho sa opisina niya lalo na't papatapos na siya sa kanyang termino bilang SSG president, pero kahit anong pakiusap ko na huwag na siyang sumama ay mas lalo siyang naging makulit, kaya nawalan na rin ako ng choice kundi ang isama siya.
"Ang kwento ni Senior sa ibang bansa ka daw pag-aaralin ni Hayena?"
"Opo. Iyon din po ang gusto ni papa"
Sa abroad na siya mag-aaral ng college? Bakit hindi niya 'yan na bangit sa akin! Kaya siguro hindi siya nag aasikaso ng enrollment para sa kolehiyo ay dahil may plano siyang mag-aral abroad! Why couldn’t he tell me about that? Is he planning to study abroad? And why didn’t he bring up this topic with me?
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib, pinigilan kong maluha dahil sa galit. Why he couldn't tell his plan? Hindi pa ba kami magkaibigan?
"Sabagay mas maganda ang oportunidad sa abroad. Si Raine din gusto ko ring pag-aralin sa London dahil nandun naman si Enzo pero ayaw pumayag ni Lauren"
Hindi muna ako nagpakita sa kanila, sinikap kong magtago sa malaking flower vase.
"Attorney is protecting Frainelyn from unexpected circumstances, hindi lang po siguro sanay si attorney na malayo po si Frainelyn sa inyo"
"I understand his reason, but Frainelyn isn't a child, Alam na niya kung ano ang makakasama at makakabuti sa kanya. I know her because she's my daughter, I raised her well, kaya sana...kung mabibigyan siya ng oportunidad na makapag-aral abroad ay matuto siyang maging independent"
I bite my lower lip. Naalala ko noon kung paano pinag talunan ni mama at papa ang tungkol sa pag ko-kolehiyo ko, pinag pa-planuhan nila kung saan ako mag-aaral. My mother want me to send abroad but my father refuse that idea.
Ayos lang naman iyon sa akin kung sa abroad ako kukuha ng degree dahil nandun naman si kuya Enzo, na kasalukuyang nag-aaral ng mechanical engineer.
"But I know she can be more eminent and purple in her own way" pinagmamalaking sabi ni mama.
"I expected, that...she took BS course and follow his father career pero pwede din naman siyang kumuha ng medical courses pero sa nakikita ko sa kanya, mas nag e-excel siya sa firm ng kanyang ama, pero ayos lang din kung ano ang kunin niya as long as she remain her image...I am good on that"
YOU ARE READING
Razing the wall for passion
Dragoste"This wall between us, what does it hide? This wall between us, I'm the other side" John Simon Del Pier III born to be a sole heir of Del Pier Empires. He's the man of everything, never experience competition in life, lahat ng gusto ay nakukuha, kil...
