CHAPTER 12

0 0 0
                                    

KNIGHT

"What!? No way! Maghahanap nalang ako ng ibang hotel, bahala ka diyan" Malakas na singhal ko kay Juan. 

Naglakad ako paalis sa front desk at desidido akong maghanap pa ng ibang hotel. I'm sure na marami namang hotel dito sa Cebu na hindi naman kailangan mag sama kami sa I-isang suite! Limang beses na kaming naghanap ng hotel pero lahat sila fully booked na! Parehas din sila nang offer ng presidential suite. 

"Frainelyn!" He gently held my elbow. Agad ko namang hinawi 'yon. 

"Kung ipipilit mo ang gusto mo Juan, hindi ako papayag" seryoso kong sabi. 

"Look, we can't afford the time to find another hotel, they are all fully booked and this is our last luck" mahinahon niyang sabi. 

"Bakit mo kasi ako dinala dito, kung wala namang siguradong matutuluyan?! Ano ba 'yan! I was supposed to sleep peacefully on my bed pero dinaladala mo ako dito at may pa-sabi-sabi ka pang, we need to go there for us to be familiar with that place! Eh wala naman pa lang matutuluyan!" I almost rolled my eyes because of the irritation to him. 

Naiinis ako sa kanya! Peste talaga sa buhay! Kagagaling ko palang ng conference sa Baguio dinala naman niya ako sa Cebu! May conference daw kaming dadaluhan doon! And you know what makes me angry? I'm not supposed to be with him! Hindi naman ako SSC anong alam ko sa dadaluhan namin? Dapat si Lisa kamasa niya dito eh! Bwesit na'to. I know we had our agreement but the fuck! Give me a goddamn break! 


"Sorry biglaan ang nangyari, they adjust the sched of our conference though we need to examine everything about this place para kahit papaano, hindi tayo mag pag-iwanan ng mga tao sa paligid natin during conference" Mahabang paliwang niya. 

Did I accept his explanations? I understand him but the one things that irritate me is to share a room with him! My gosh! Buong buhay ko wala pa akong nakakasamang lalake sa I-isang kwarto. 

Napairap ako sa kanya ng makita siyang malaki ang ngiti. Mas lalo akong hindi nagtitiwala sa kanya dahil sa malademonyo niyang ngiti! I find out creepy. 

"Fine! But make sure before the day of the conference we had our own suite" 

Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa sinabi ko. 

"Of course! Supposedly we had our own suite but things happened. The management adjusted the dates of the conference and the room for us isn't available for two days but don't worry after two days we can move to our separate rooms" paliwanag niya. 


Nag advance kami ng dalawang araw bago ang conference kasama 'yon sa napagkasunduan namin at hindi ako tutol do'n. Ang hindi ko lang tanggap ay 'yong wala na nga akong pahinga, wala pa kaming maayos na matutuluyan! 

"Ako sa kama!" Saad ko ng makapasok kami sa loob ng suite. 

"Okay we will share" 

Ano daw?! Mabilis akong napalingon sa gawi niya.

"Sa kama ako matutulog" may diin kong sabi. 

Tumango lang siya habang nagbubukas ng maleta. Naglakad ako papalapit sa kanya. 

"Saan ka matutulog?" Curious kong tanong. 

Tamad niya akong binalingan ng tingin halata mong pagod na rin tulad ko. 

"Sa tabi mo" simpleng sabi niya na parang hindi big deal 'yon! 

"Hoy! I didn't give you permission to sleep beside me! Sa couch ka matulog!" I demanded. 

Razing the wall for passionWhere stories live. Discover now