COOKIES AND STRAW
Mahigit tatlong oras kaming nag pupulong sa room nila Jerome. The issue that spreading online can destroy our reputation. Hindi lang ang alma mater namin ang masisira pati na rin kaming mga students. Hindi pa kami nag sisimula, pabagsak na kami dahil sa lintik na issue online!
This is scandalous! Kaya I understand why he forced himself to be here.
Seryosong nagtitipa sa harap ng laptop si Juan habang binabasa ang mga report na ginawa namin.
"I think…they are jealous of you Ms. Raine, the reason why they attack our team"
"I agree. Siguro gusto rin niyang maging parte ng association o mapabilang committee sa susunod na conference. Estudyante pa lang si Ms. Raine, pero tingnan mo naman, mabango na ang pangalan sa mundo ng journalism" Tugon naman ni Shela kay Lara.
"Parang napaka babaw dahilan naman nun Shela. Hindi naman siguro nila gagawin 'yan? Katulad na nga ng sinabi mo, student lang si Ms. Raine, at tyaka, mas malaki ang agwat ng kakayahan ni Ms. Raine kumpara sa atin. Siguro…aware sila roon"
"Iyon na nga eh! Aware sila na mas magaling sa kanila kaya gumawa sila ng paraan para masira ang image ni Ms. Raine. Incompetent nga sila 'di ba?" Sagot ni Lara kay Jerome.
"Tama na! Ano ba kayo? Hindi pa natin sigurado ang dahilan kaya 'wag muna kayo mag conclude ng ideas. Mahirap mag bintang ng walang matibay na ebidensya. Lara and Shela. Mag back fire 'yan sa atin"
Yumuko silang dalawa at sabay na humingi ng paumanhin.
"I agree with your opinion. Their intention is to destroy your image, Frainelyn. But we can't uphold that ideas, pero pwede natin itong maging craft. Total, hindi pa natin alam kung ano talaga ang pakay nila" sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Juan.
Tama naman siya pwede iyon ang dahilan pero para sa akin napaka babaw na dahilan iyon.
"O 'di kaya…parte din ito ng event nila" makahulugang sabi ni Juan.
"Huh??" Sabay naming sabi kay Juan.
"What do mean na parte ito ng event? Nasiraan ang image ng isang estudyante? Para sa anong paraan naman?" Naguguluhan na sabi ni Paulo.
"Para sa promotion ng event. Tulad nga ng sabi niyo, tanyag ang pangalan ni Frainelyn sa mundo ng media-" I cut his words.
"Kaya iniisip nila na gamitin ako para mas lalo pang sumikat ang event?" Lito kong tanong.
"Hmm…we can say that, but I think, ginawa nila ito para mas marami pang investment ang lumapit sa kanila"
"Hindi ba parang baliktad? Mas lalayo ang investor dahil sa issue?" si Manelyn.
Ngumiti lang si Juan.
"Nope. Dahil ginamit nila ang social media kaya hindi naging ganun ang nangyari. Nag check na ba kayo ng mga comments online?"
Nagtitigan ang mga kasamahan ko. Patunay na walang gumawa noon sa amin.
"Hindi nila siniraan si Frainelyn o ang alma mater natin, sa halip, ginamit nila si Frainelyn to make this event, trending on social media. Sa madaling salita, Frainelyn is part of advertisement. Dapat aware kayo dahil nasa field kayo ng media"
9:30 na natapos ang meeting namin kaya kapwa mga pagod at antok ang lahat. Pinagmamasdan ko si Juan habang abala ito sa kanyang laptop.
Hindi talaga ako makapaniwala na pumunta siya dito para lang maayos ang gusot namin. Malaking tulong nga sa amin na nandito siya pero kasi…
![](https://img.wattpad.com/cover/283965462-288-k101708.jpg)
YOU ARE READING
Razing the wall for passion
Lãng mạn"This wall between us, what does it hide? This wall between us, I'm the other side" John Simon Del Pier III born to be a sole heir of Del Pier Empires. He's the man of everything, never experience competition in life, lahat ng gusto ay nakukuha, kil...