CHAPTER 2

3 0 0
                                    

This stories is a work of fiction. Any references to historical events, real people, or real locales are used fictitiously. Other names, characters, places, businesses, schools, and incidents are products of the author's imagination, and any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

WORST

Agad akong napayakap sa sarili ng humamplos ang malamig na hangin sa aking balat kasabay ang mahinang pag patak ng ulan. Mabilis kong hinalungkat ang aking sholder bag para kunin ang payong. Kinaylangan ko pang huminto para tuluyang mahanap ito.

Saktong pag bukas ko ng payong ay siyang pagbuhos ng malalaking butil ng ulan.

"Damn shit!"

Hindi ko alam kung saan ko hahagilapin ngayon si Stella. Ang lakas pa naman ng ulan! Kung saan saan naman pumupunta ang babeng 'yun, ako ang nahihirapan sa paghahanap!

"Shit!"

Ilang beses kong iniwasang hindi mabasa ang aking sapatos pero nabigo parin ako. dahil sa sobrang gigil ko kay Stella, hindi ko namalayan na may maliit na butas akong madadaanan. Lumusot ang aking kaliwang paa sa butas na may tubig na naging dahilan ng pagkabasa ng aking sapatos.

I ware a 3 inches black shoes kaya madali lang pasukan ng tubig ang loob nito. This is a fucking worst! Bakit kasi hindi ko naisip na sumakay ng tricycle? hindi ko sana naranasan ito. Kung sasakay man ako, sayang ang pamasahe at isa pa..hindi ko rin alam kung saan ko mahahagilap ang bwesit na Stella!

Kung hindi lang ako pagagalitan ni Mama hindi ako magtiyatiyagang sumugod sa ulan. Kung ako lang ang masusunod, matagal ko ng pinalayas si Stella o kaya matagal na siyang grounded!

Mabilis kong hinarang ang papalapit na grupo ng senior high school. Parehas ng uniporme ni Stella kaya hindi na ako nag dalawang isip na magtanong kahit hindi ko sigurado kung kilala ba nila si Stella.

"Puwede magtanong?" I politely asked

Nagtutulakan pa ang dalawang binatilyo sa harap ko. Pinasawalang bahala ko ito at humarap ako sa isang lalakeng seryosong makatingin at may dalang guitara.

"What is it?" Malamig niyang sabi.

"Kilala niyo ba si Stella?"

Kumunot ang nuo niya sa sinabi ko.

"I mean..Si Stella Marquez, did you guys know her?

"Ah..Ate kilala ko po yun" Mabilis na sagot ng isang lalake.

"Talaga? Do you know where she is? Or..kung saan siya namamalagi sa mga oras na ito?"

Ngumiti ng malawak ang lalake sa akin na parang namamanghang kinausap ko siya.

I want to rolled my eyes. Mga bata ngayon ang lalandi na!

"She's on cafe po with her friends" Masayang saad niya.

Tumango ako sa sinabi niya.

"Thank you guys. Sorry for inconvenient"  Nakangiti kong sabi.

Hindi ko na pinatagal pa ang usapan agad na akong umalis. Nararamdaman kong  may gusto pang magsalita ng isang lalake ngunit hindi ko na binigyan pa ng pagkakataon. Wala rin naman akong oras sa mga ganyang bagay at isa pa, hindi ako pumapatol sa bata. Jusko!

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ng matanaw ko ang cafe na tinuro sa akin. Seryoso at walang imik akong naglalakad ng biglang lumiwanag ang paligid kasabay ng malakas na pagkidlat. Agaran akong napapikit at napahinto dahil dun.

"Fuck!"

Nanginginig ang buong katawan ko, parang ayoko ng tumuloy sa cafe at sumakay nalang ng tricycle pauwi.

Razing the wall for passionWhere stories live. Discover now