ZERA
Napa iktad ako at mabilis na nag tago sa likod ng kung sino man sa mga pinsan ni Sky. Sunod sunod ang naging pagmura ko at mahigpit na kinapitan ang damit ni... Ace.
Bahagya akong sumilip sa pagitan ng kilikili at baraso nya para makita ang mamumulang mukha ni Kuya Paulo.
Nalintikan na mag s-super sayan na!
"Reign Zera," nag babanta ang tinig ni Kuya.
Ang damit ni Ace ay halos magusot na dahil sa higpit ng pagkakahawak ko. Gusto kong maiyak sa takot nang umalis si Ace sa harapan ko dahilan para makita ko ang nanlalaking butas ng ilong ni Kuya Paulo.
Katakot ampt.
Napayuko ako at napakagat labi para lang iwasan ang nanlilisik nyang mata. Bakit kase nag mura ka pa Zera?! Malilintikan ka tuloy!
"Zera," matigas ang boses na tawag nya ulit sakin.
'Huhu Daddy tulong'
Dahan dahan kong iniangat ang tingin at sinalubong ang nag aapoy sa galit na mata ni Kuya. Kung pwede lang tumakbo nagawa ko na! Kaso kahit naman tumakbo ako ay paniguradong maabutan nya ako. Sa haba ba naman ng biyas ni Paulo ay dalawang hakbang ko isang hakbang nya lang!
"Ilang beses kang nag mura?" may diin nyang tanong na nagpasimangot sakin.
Ewan ko! Malay ko! Sa sobrang dami ng mura ko sa tingin mo ba bibilangin ko pa!
Imbis na isatinig iyon ay nanahimik na lang ako. Mahirap na, baka bumuga sya ng apoy.
Kasalanan talaga ni Ace ang lahat ng ito! Kung hindi lang sana sya namula na parang kamatis sa harapan ko ede sana di ako makakapag mura!
Ang pinaka ayaw ni Kuya sa lahat ay kapag nagmumura ako sa harap ng mga respetadong tao. Mag mumukha raw kase akong walang modo.
"Sorry—Arayy Kuya!" hindi ko mapigilang hindi mapa sigaw sa sakit nang hilain nya ang aking tenga.
"I told you not to cussed when you're with other people!" gigil na anas nya tsaka mas hinigit pa ang aking tenga.
Kinapitan ko ang pulso nya at balikat, handa na para ibalibag sya. Agad naman akong natigilan at hindi na itinuloy ang balak nang maalalang nandito nga pala ang pamilya ni Sky. Nasa ganun kaming posisyon nang may mag salita.
"Paulo,"
Sabay kaming napalingon ni Kuya sa pinang galingan ng boses. At ganoon na lamang ang pag liwanag ng mukha ko matapos makita si Ate Lisa.
She's wearing a simple white dress, lab coat and white plat shoes. Naka palibot sa leeg nya ang kanyang stethoscope at seryosong naka masid kay Kuya Paulo.
Napa hawak ako sa sariling tenga nang bitawan ito ni Kuya. Hindi ko man kita ay batid kong namumula iyon. Pakiramdam ko tinagkalan na ako ng tenga.
Lumakad papalapit sa'min si Ate Lisa at tumigil sa gitna namin ni Paulo. Nakita ko kong paano natigil sa taong nasa likod ko ang paningin ni Ate bago muling lumingon kay Kuya Paulo.
Napa nganga ako sa gulat nang bigla nyang sikmuraan ang kapatid ko. Napayuko naman si Kuya Paulo habang sapo ang sikmura.
Grabe, sa suntok ko hindi sya nasasaktan tapos isang suntok lang ni Ate Lisa ay namimilipit sya ng ganyan?
'O. A huh'
"Ate Lisa..." gulat kong usal.
Lumingon sya sa kin at ngumiti. Nakita ko pa ang bahagya nyang pag iling nang bumaba ang tingin nya sa sugat ko sa mag kabilang tuhod.

YOU ARE READING
Blazing Obsession
Ngẫu nhiênCut them is my desire. Bloods that makes me insane. Torturing? That's how i play. Make them suffer is my game. Try to mess with me, and you'll see hell before death. -Z.