Chapter 9:

49 6 0
                                        

ZERA

I'm in the middle of driving, when my phone rang. Tinignan ko muna kung sino ang caller bago ito sinagot.

"What—"

"Huhuhu wifey!"

Bigla akong napaapak sa preno at mabilis na kinabig ang manibela pabalik sa bahay.

Kaaalis ko lang ehh!

"W-what? What happened to you!" I panicked.

Tinapakan ko ang accelerator at halos lumipad na ang kotse ko sa sobrang bilis ng takbo matapos marinig ang daing nyang nasasaktan nang sobra.

May idea na ako kong anong nangyayare sa kanya...

Pero sana hindi iyon! Papatayin ko talaga si Paulo kapag—

"My....m-my stomach hurt!"

'Sabi na ehh!'

"I'm on my way," pinatay ko ang tawag at mas lalong binilisan ang pagmamaneho.

Halos mamatay na ako sa kaba tuwing lumilipas ang isang segundo na hindi pa ako nakakarating sa bahay namin ng asawa ko

Wait, what? Did I just admitted that I am Skyler Jake Ajero's wife?! Yeah, that childish but jaw dropping gorgeous man is my husband.

I Reign Zera Deogracia— No.

Reign Zera D. Ajero is my name.

I am his fucking wife!

Tangina mo Zera. Mamatay na ang sinasabi mong asawa nagawa mo pang mag moment dyan!

"Ohh fuck!" reklamo ko nang sumabit ang paa ko sa isa ko pang paa dahilan para madapa ako palabas sa kotse. Iritado kong sinuntok ang pinto at tumakbo papasok ng bahay. Kahit na nasugatan ang aking siko at tuhod ay nagawa ko itong balewalain sa sobrang pag aalala.

"Sky!" sigaw ko agad pagka pasok ko pa lang sa bahay. Nang tingnan ko ang kusina kung saan ko sya iniwanan kanina ay wala akong ibang nakita kundi mga nabasag na kagamitan lamang. Halos takbuhin ko na ang hagdan patungo sa kwarto nya dahil sa pinag halong kaba, takot at pag aalala.

Naabutan ko sya sa loob ng banyo, nakaupo sa sahig at nahihirapang sumusuka sa bowl. Saglit pa akong napaatras ng dahil sa hindi kaaya ayang amoy na bumabalot sa loob ng banyo.

"Hey you okay?" Lumapit ako at hinaplos ang likod nya. Sya naman ay walang tigil sa pag suka, kulang  na lang yata ay isuka na nya pati ang bituka nya.

"Stand up I will bring you to hospital," halos saluhin ko na ang buong bigat nya dahil sa labis na pang hihina ng kanyang katawan.

Kinapitan ko sya sa bewang at inilagay ang isang braso nya sa leeg ko para alalayan. "Can you walk until we reach my car?" nag aalalang tanong ko. Nakayuko naman syang umiling bilang sagot.

I can't help but to feel bad for him. Alam kong sobrang sakit na ng tiyan nya pero pinipilit nyang wag ipahalata sakin.

"Does it hurt so bad?"

He nodded.

Bumuntong hininga ako tsaka tinanggal ang braso nya sa leeg ko. Nag anggat sya ng tingin at binigyan ako nang nag tatakang tingin. Bumubuka ang mapuputla nyang labi na parang may gusto syang sabihin ngunit hindi maisatinig.

"Save it. Tsaka mo na sabihin yan once you feel better,"

Nanghihina man, ay narinig ko syang suminghap nang hawakan ko sya sa bewang at pasanin na parang sako. Ngali ngali ko syang ibalibag at pagulungin pababa sa hagdan dahil sobrang bigat nya!

Blazing ObsessionWhere stories live. Discover now