ZERA
Agad akong napa tuwid ako ng tayo nang bumukas ang pinto. Tumambad sakin si Sky na naka bihis na. Naka suot sya ng black na sando at cotton pyjama na kulay gray.
"S-sorry—"
"Are you done flirting with that Jumbo? If not, feel free to leave. Don't waste your time with me," malamig na putol nya sa sasabihin ko.
Jumbo?
Saglit na napaawang ang labi ko at napatitig sa kanya. Bakit parang hindi na sya ang isip batang Sky na asawa ko? Ang lamig ng boses nya. Walang emosyon ang mukha at kung masdan ako nito ay parang ako ang pinakawalang kwentang taong nakilala nya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang tumigil ang tibok ng puso ko. Napapikit ako at pinakiramdaman muna ang sarili bago muling ibalik ang tingin sa mukha ni Sky.
"Look, will you let me finished my word can you?" hindi sya umimik kaya nag salita ulit ako. "It's not like what you think, okay? Jumbo—i mean Jamal is my twin's best friend. And—" wait, why am i explaining to him? And it's not like i needed to explain. Kadalasan kapag ganito ay wala akong pakealam sa iisipin nya. I can't understand my self really.
"And?..." he said impatiently.
"A-and... Ah! I don't know how to i explain it! Basta hindi yun tulad ng iniisip mo, okay?" salubong ang kilay kong sabi.
Ilang saglit nya akong tinitigan ng pailalim na parang bang hinahalukay nya ang buong pag katao ko at inaalam kung nag sasabi ba ako ng totoo. Naka hinga naman ako ng maluwag ng tumango sya ng sunod sunod. Akala ko kailangan ko pang ipaliwanag word by word.
"Uhmm... Aalis na ako ha?" sinulyapan ko muna ang wrist watch ko. Nang makitang alas dyes na ng gabi ay tsaka pa lang ako naka ramdam ng antok. "Tulog na ako. Good night," i tiptoed and kiss him on his cheeks. I was about to walk when he grab my wrist and pull me inside his room.
"Let's sleep together," aniya tsaka hinila ako pahiga sa kama.
"T-teka—"
"I won't do anything, i promise. Now sleep," niyakap nya ako at hinalikan muna sa noo bago pumikit. Pinaunan nya ako sa braso nya at paulit ulit na hinalikan ang buhok ko hanggang sa makuntento sya't ang bewang ko naman ang pinag diskitahan. He's drawing invisible circles on it. His natural manly scent is attacking my nose making me wanted to devour him.
Namula ako matapos matanto ang iniisip. Gosh kelan pa ako natutong mag nasa!?
Pero kase ang bango nya talaga... Hindi ko na napigilan ang sariling ilapit ang tungki ng ilong ko sa leeg nya at suminghot dun na para bang ang amoy nya ay isang droga. His scent is so addicting.
Nung una ay hindi ako komportable sa posisyon namin kaya kahit anong antok ko ay hindi ako makatulog. Malakas ang tibok ng puso ko at isa pa, baka mamaya gapangin pa nya ako habang tulog. Sinubukan kong umalis mula sa pag kakayakap nya pero mas lalo lang humihigpit. Hanggang sa unti unti na rin akong nagiging komportable sa pagitan ng mga bisig nya.
Tumingala ako para kumpirmahing tulog na nga sya dahil mabigat na ang kanyang pag hinga. Tumama ang tungki ng ilong ko sa medyo nakaawang nyang labi. Amoy na amoy ko don ang pinag halong amoy ng toothpaste at mint. Hindi ko alam kong ano bang pumasok sa isip ko at unti unti kong inilalapit ang labi ko sa kanya. Nang mailapat ko ang labi ko sa labi nya ay bigla syang gumalaw kaya nag kunyare akong tulog.
Ako lang ba o sadyang narinig ko ang mahina nyang pag tawa?
Ang pagtulog tulogan ko ay pinanindigan ko na hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng dilim.
***
Naalimpungatan ako sa banayad na pag haplos sa pisngi ko. Nang imulat ko ang mata ay tumambad sakin ang may malawak na ngiti sa mukha ni Sky. His perfect set of white teeth greeted me good morning.

YOU ARE READING
Blazing Obsession
RandomCut them is my desire. Bloods that makes me insane. Torturing? That's how i play. Make them suffer is my game. Try to mess with me, and you'll see hell before death. -Z.