ZERA
Matapos naming kumain ay napag pasyahan ko na lang na dito na mag palipas ng gabi. Ayoko sana, pero pinilit ako nung mag ina. Masyado silang makulit at nakaka hiya namang tumanggi dahil kanina ay parang gusto rin ni Tito Kyler na dito rin ako matulog. Hindi nga lang sya nakisaling mangulit sa mag ina nya.
"Come, i'll show you my room,"
Tahimik kaming dalawang naglakad paakyat sa isang engrandeng hangdan papunta sa second floor ng mansion nila. Habang nag lalakad ay hindi ko maiwasang masdan ang mga mamahaling paintings na nakasabit sa dingding. Karamihan sa mga paintings ay tungkol sa nature pero naagaw ang pansin ko ang nag iisang kakaibang painting. Isa iyong madilim na hallway. Siguro para sa iba ay isa lang iyong normal na painting pero para sakin ay may kakaiba iyong pinahihiwatig na kahit ako ay hindi matanto kung ano.
Saglit ko pa itong minasdan bago sumunod kay Sky ng igaya ako nito papunta sa kulay dark blue na double door. When he open the door of his room, sumalubong sakin ang isang panlalaking Amoy. Iginaya nya muli ako papasok at pinaupo sa malaking kama. Halos lahat ay puro kulay dark blue ang mga gamit sa loob ng kwarto nya. Mapa kurtina, kobre ng kama, kumot, kahit ang walls ay dark blue rin. Favorite nya siguro ang dark blue.
"Are you comfortable here? If not, the guestroom is available," maingat na tanong nya. Nananantsa.
"I'm fine here. Ikaw? Kumportable ka bang kasama ako dito?" tanong ko pabalik.
Para kaseng sya ang hindi kumportable sa presensya ko. Mukha syang natatae na kong napapaano.
Tumango sya. "You can use my bathroom if you're going to clean yourself." He suggested.
"How about you?"
"I will use the common bathroom,"
"Okay,then."
Tumayo ako at nag lakad papuntang bathroom ng may maalala. Humarap ulit ako sa kanya. Namumula ang tengang nag iwas ako ng tingin at nag salita.
"U-uhmmm..." I gulped. "I don't have clothes here," kamot ulong sabi ko. Napangiwi pa ako sa isiping hindi ako makaka pag linis ng katawan.
"Is that so? Diba natutulog ka namang Naka bathrobe? Gamitin mo yang bathrobe dyan na walk in closet tapos yung damit mo ay ibigay mo sakin at palalabhan ko para may masuot ka bukas,"
Namangha ako sa derederetso nyang pag tatagalog. Ibang iba na ang boses nya ngayun kumpara nung una kaming nag kita sa Palawan. May ancient pa sya kung magsasalita noon. Time really flies so fast, eh?
Tumango ako at sinunod na lang ang sinabi nya.
Natulog kaming mag katabi. Behave naman sya, hindi ko naramdamang ginapang nya ako.
As if naman gagapangin ka nya
Yun nga lang pag gising ko nung umaga, naka siksik sya sa leeg ko. Nakadantay ang isang binti at naka yakap ang braso sakin. Kumulo ang tiyan ko dahil sa gutom. Nang tumingin ako sa wall clock ay halos malaglag ang panga ko nang makitang mag aalas dose na ng tanghali. Dahan dahan kong inalis ang kamay nyang naka pulupot sakin pati ang binti nya tsaka bumangon at nag hilamos. Pag labas ko ng banyo ay dumeretso ako sa walk in closet nya at kumuha ng isang T-shirt at boxer. Yun muna ang pansamantala kong susuotin.
Pag katapos kong mag bihis ay bumaba agad ako at dumeretso sa kusina. Sa bungad pa lang ay amoy na amoy ko na ang kakaibang aroma ng isang putahe. Lalo tuloy akong ginugutom. Bago tuluyang pumasok sa kusina ay sinilip ko muna kung sino ang naroon at ng makita si Tita Trina iyon ay agad akong bumati.
YOU ARE READING
Blazing Obsession
RandomCut them is my desire. Bloods that makes me insane. Torturing? That's how i play. Make them suffer is my game. Try to mess with me, and you'll see hell before death. -Z.