Chapter 12:

39 6 0
                                    

ZERA

Habang nag lalakad papunta sa silid kung saan nag sasanay ang kapatid naming si Jelal ay hindi ko maiwasang hindi mag isip.

Halos isang taon na rin pala simula nang dalhin ko sya rito para itago at sanayin. Napaka bilis talaga ng panahon kapag hindi mo inaalala.

"Iwan nyo muna kami," malamig na utos ko sa mga nagbabantay sa may pinto.

Mga myembro din sila ng aming organisasyon at sila ang naatasang bantayan ang kapatid ko dito sa loob ng barko.

Nilingon ko muna saglit si Kuya sa gilid ko bago kumatok nang tatlong beses.

Ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas ang pinto ngunit hindi ko inaasahan ang sasalubong sakin.

Isang syringe, at naka tutok mismo yun sa kaliwang mata ko. Batid kong isang maling galaw ng isa samin ay tuluyan itong tatarak sa mata ko. Bulag panigurado.

"Get that thing out of eyes, Jelal." banta ko ngunit hindi sya gumalaw, sa halip ay mas inilapit nya pa lalo ito sa mata ko. "Don't make me repeat it. You will not like what I'm going to do if you didn't oblige," unti unti nyang ibinaba ang syringe at ipinukol yun sa dart board na nasa kanan nya habang naka titig sa mismong mata ko.

Napalingon naman ako sa dart board.

Outer bullseye. 

'Wews'

"Still not good enough?" I sarcastically asked but didn't get a response.

Nanatili syang naka titig sakin, sa mismong mata ko. At sa mga oras na ito ay parang nasa harapan ko ang batang bersyon ni Kuya Paulo at Papa.

Jelal Lwiram Deogracia. The youngest and weakest Deogracia.

Hindi marunong humawak ng baril. Madalas mag padala sa emosyon. At higit sa lahat, may awa at konsensya na dapat ay wala sa personalidad ng isang Deogracia lalo pa dahil anak rin sya ng isang makapangyarihang Alcantara.

His existence is unknown. Hindi makakalagpas sa sampung tao ang nakakaalam na buhay pa sya. Kahit ang mga taong nag babantay sa kanya dito ay hindi sya kilala at hindi alam kung ano ang kaugnayan namin. Itinago sya sa barkong ito sa gitna ng dagat para ilayo sa mga taong gustong pumatay sa kanya. There's so many people out there that is interested in beheading him without a further ado.

Since Erza, my twin is dead, sya na lang ang iisang kahinaan namin. Lalo na ni Mama.

Jelal and Erza is not capable of protecting themselves. Kaya nga namatay si Erza dahil hindi nya naprotektahan ang sarili nya sa mga taong gumahasa sa kanya.

5 years ago, it was me and my twin, Erza's birthday. Masyado akong masaya noong araw na yun dahil bukod sa pwede ng mag boyfriend si Erza, ay sa wakas pwede na akong mamuno sa mga transaksyon ng aming organisasyon. Nag pa party si Mama dahil iyon ang kagustuhan ng kambal ko. Maraming tao, maraming pag kain at maraming regalo.

Sa unang pag kakataon simula ng sanayin ako, noong araw lang na iyon ako ulit ngumiti. Masyadong masaya pero kapalit ng kasiyahan na yun ang isang trahedyang gumimbal sa aming lahat.

Na rape si Erza. Ang masaklap pa dun ay pag katapos gahasain, pinatay.

Nong gabing matapos ang party ay nag paalam si Erza na lalabas sandali at ihahatid ang kaibigan pero hindi na sya naka balik. Erza was been abducted. Isang linggo syang nawala at natagpuan na lang namin sya sa isang abandoned building na dating pag mamay ari nang mga Deogracia. Walang buhay at kuhunos hunos ang sinapit ng kapatid ko.

Base sa mga autopsy na isinagawa sa katawan nya, hindi lang isa kundi sampung lalake ang gumahasa sa kanya. Talagang napakalinis at halatang planado ang ginawang krimen dahil walang kahit ni anong katiting na ebidensya ang iniwan.

Blazing ObsessionWhere stories live. Discover now