Chapter 18:

50 5 0
                                    

 REZH

"Why the hell we received their second warning!" her voice echoed like a thunder making everyone inside our HQ, including me, shivered in fear. Halos lahat ng miyembro ng aming organisasyon ay tinipon ngayun dito para harapin ang galit ni Zera.

"I-i don't know! No o-one knows!" sigaw ni Lovely sa nanginginig na boses. Base sa kanyang panginginig at pagpapawis ay batid kong mas takot pa sya kesa samin.

"The fuck, Lovely? I thought you're monitoring everyone in this organization? Bakit hindi mo alam kung anong dahilan kung bakit tayo pinadalhan ng pangalawang babala?!" Zera angrily shouted back. Mariing naka kuyom ang kamao nya, sinyales na nag pipigil pa sya ng galit.

"And you didn't even bother to tell me about the first warning," nang gigigil pang dagdag nito.

"So it's my fault now?" hindi maka paniwalang saad ni Lovely.

"I didn't said that,"

"Hindi mo nga sinabi pero yun ang dating sakin!" sigaw ulit ni Lovely. Mariin akong napa pikit dahil sa ginagawa nya. Gustong gusto ko syang patigilin at patahimikin pero wala akong lakas ng loob na sumingit sa usapan nila. "Ano bang malay ko kung sino-sino sa kanila ang may kasalanan?!"

"And you didn't even bothered to know what the reason was?!" sigaw rin pabalik ni Zera.

"Putangina, Zera. Eh sino ba ang nagpasimuno ng lahat ng ito. Ako ba?! Hindi naman diba?!"

Hindi na naka sagot ang isa. Napanood naming lahat kung pa'no sya mawalan ng emosyon sa mukha. Ang kaninang umaapoy sa galit nyang mata ay biglang nawalan ng buhay na mas lalong nagpanginig saming lahat. Wala pa man ay batid kong may kalalagyang hindi maganda si Lovely sa oras na ipagpatuloy nya pa ang pagsagot.

"Ano, hindi ka maka sagot?" nanunuyang tanong ni Lovely.

'Please stop...'

"What am i supposed to say—"

Lovely cut Zera off. "You're useless!"

Bigla akong napa tulala sa sinabi nya. Kita ko kung paanong tumalim ang mata ni Zera at ang sunod na nangyare ay halos ikamatay ko na. Nasaksihan ko kung paanong bumaon ang silver dagger ni Zera sa tagiliran ni Lovely.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang hugutin nya ito para lamang muling ibaon ng mas malalim pa. Napaubo si Lovely ng dugo pero si Zera ay parang walang pakealam at nakuha pang ngumisi. Napasinghap ang lahat ng nakakita ngunit wala ni isang nag tangkang humakbang para awatin si Zera. Napa takip ako sa bibig ko ng sunod sunod na pumatak ang luha ko.

"Don't you dare say that I'm useless again or else..."  muli na naman nyang hinugot ang dagger sa pangatlong pag kakataon at muling ibinaon. Tatlong ulit nya pa yung ginawa hanggang sa halos panawan na ng ulirat si Lovely. "...ihahatid kita sa impyerno,"

                                  ***

When did i start noticing something is wrong? When did i start doubting the only person i knew i can lean on? When did i start fearing her? Hindi ko na alam kung tama pa bang pagkatiwalaan si Zera gayong ilang beses nya ng pinatunayan na wala lang ang buhay namin para sa kanya.

We're just her teammates that she can replace anytime, after all. Bakit nga ba hindi ko naisip na balang araw, mawawalan din kami ng kwenta sa kanya? She can kill all of us one by one just like what she did to those people who've got through her ways.
Hindi iyon imposibleng mangyari. Natatakot na ako sa mga pwede nyang gawin sa oras na tuluyan na kaming mawalan ng silbi sa kanya. Baka idamay nya pa ang mga taong malalapit samin. And that's the least i wanted to happen.

Blazing ObsessionWhere stories live. Discover now