ZERA
Kanina pa ako naka busangot sa hapag kainan dito sa loob ng barko dahil kanina pa nila ako inaasar tungkol sa nangyare samin ni Sky sa loob ng banyo. Amphuta i-chismis ba naman ni Jamal ang narinig nya kanina?
"Hmmm... Anong kasarian ba ang gusto ninyong maging panganay?" nang aasar ang tono ni Mama.
Napairap ako.
'When they will stop taking about this topic?'
Kase sa totoo lang, kanina pa ako naiirita. Hindi ko lang ipinapakita dahil ayoko namang masira ang araw na 'to. This day is special for Jelal. Special for my brother. At isa pa, ito ang unang beses na makikita nya sina Mama na may kunsinti ko.
"I want the first born to be a boy," parang balewala pang sagot ni Sky. Sinagot nya yun habang ngumunguya ng Shanghai. Walang manners. Parang di tinuruan ng good manners and right etiquette.
"Daanin mo sa posisyon kung ganun,"
"Walang siyentipikong pag aaral ang nakapag patunay na pwedeng daanin sa posisyon ang kasarian ng bata, Daddy." ani naman ni Jelal habang nakangiwi pa.
"Ikaw anak? Anong kasarian ang gusto—"
I cut my Dad off. "Wala akong balak makaron ng anak,"
Kumalansing ang nalaglag na kutsara at tinidor. Sumubo muna ako ng steak bago humarap kay Sky. Tulala sya habang mapait na naka ngiti. Hindi man lang namalayan na nalaglag na ang kutsara at tinidor nya.
"I'm done. Excuse me," bigla syang tumayo at walang lingon na umalis.
"Tsk tapos na daw pero halos hindi pa naman kumakain ng kanin," tatayo na rin sana ako para sundan sya pero pinigilan ako ni Kuya.
"Stay here, finish your food. Your husband needs time to think," seryosong sabi nya kaya wala akong nagawa kundi tapusin muna ang pag kain ko.
Nang umalis si Sky ay naging tahimik ang hapag na animong may dumaang sampung anghel sa ibabaw ng lamesa. Walang nag tangkang mag salita at sa tingin ko ay mas mabuti na ang ganito kesa naman sa aasarin nila ako tungkol sa pag kakaroon ng anak kay Sky.
Nang matapos akong kumain ay agad akong tumayo. Aalis na sana ako ng hawakan ni Mama ang kamay ko.
"Anak thank you," sinserong sabi nya habang may maliit na ngiting naka paskil sa kanyang labi.
My brow raised. "For what?"
"Sa pag papapunta sa'min dito,"
Napaismid ako. "As if hindi kayo pumupunta dito ng hindi ko alam,"
"What do you mean?" kunyareng inosente nyang tanong.
'Pa innocent'
"Wag nyo ng ikaila. Alam kong pumupunta kayo dito dalawang beses sa isang buwan," napatigil silang lahat sa pag kain dahil sa sinabi ko. Si Jamal ay nabulunan pa na agad namang dinagukan ni Jelal. Mas lalo tuloy na ubo. Si Mama, Kuya at Papa ay laglag ang pangang nakatingin sakin.
Anong nakakagulat dun e nag sasabi lang naman ako ng totoo?
"How?" tanong ni Kuya Paulo. His lips are still half open.
"Yeah, Yeah, why did we forgot that the second born is Reign Zera. We're all fool to think we can keep a secret from her," pinaikot ni Daddy ang mata nya bago nag patuloy muli sa pag kain na parang hindi sila nabuking.
Sinamaan ko ng tingin si Paulo. "May pa i don't want to meddle with your plans ka pa eh sinabi mo rin pala!" singhal ko sa kanya at padabog na umalis. Kahit kailan epal talaga ang isang iyon. Una palang ay talagang duda na akong hindi nya ipag sasabi ang tungkol sa pag tatago ko kay Jelal. Masyadong madaldal si Kuya at hindi na kataka takang sinabi nya agad kina Mama kung nasaan si Jelal.

YOU ARE READING
Blazing Obsession
De TodoCut them is my desire. Bloods that makes me insane. Torturing? That's how i play. Make them suffer is my game. Try to mess with me, and you'll see hell before death. -Z.