Yoona's POV
Pagalis ni Tyler, dumating naman yung manager namin. At tanong siya ng Tanong ng kung ano ano like, "nanuod ba kayo ng TV?" At kung ano ano pa."Bakit mo ba kami pinipigilan? Isn't it bad to watch news?!" Inis na tanong sa kaniya ni Sooyoung.
"May event kayo bukas. Kailangan niyo magpahinga ng maaga!" Sigaw niya din kay Sooyoung.
"Well. FYI Mr. Manager! Wala kaming event bukas dahil day off namin bukas!" Kung kanina si Sooyoung lang ang nakikipag away, ngayon sumali na si Hyoyeon. Isa pa tong war freak eh.
"Eh sa hindi nga pwede! Sumunod nalang kasi kayo!" Sigaw ulit ng manager namin
"Eh bakit nga?!" Sigaw pa ni Yuri. Yes. Pati siya, basagulera. -____- joke. Sorry for the word.
"Kapag hindi pwede, hindi!" Well, kung nagtataka kayo kung bakit ganun kami sa Manager namin, kasi 2 years lang naman ang age gap niya sa amin. Bagong manager na kasi to. Hindi yung manager oppa namin since nag debut kami.
"Oh. Si Jessica Unni oh!" Nagulat kaming lahat ng magsalita si Seohyun. Nabuksan na pala ang TV.
"No way." Sabi ni Taeyeon.
"Is this the reason why you don't want us to open the television?!" Sabi ni Tiffany sa Manager namin na gulat na gulat at nakaupo nalang sa sofa.
"Why don't you want us to watch?" Tanong sa kaniya ni Sunny.
"Pakinggan niyo nalang." Pinakinggan namin lahat yung interview ni Jessica at ngayon, umiiyak na kaming lahat.
"Alam mo ba kung bakit siya umalis?" Tanong ko sa Manager namin na kumuha ng atensyon nung 7.
"Why would I know. (Smirk)" papilosopong sagot niya sa tanong ko. Aba. Walanjo ah!
"'Cause you were there before she left. (Smirk)" tanong sa kaniya ni Tiffany. Kung kanina, pa chill chill lang siya, ngayon para ng murderer na takot na takot mapaamin ng mga investigators. Yeah, kasi pinapalibutan na namin siya ngayon.
"How sure are you?" Tanong niya at nag smirk pa.
"'Cause we saw you. You were sitting there, with the other board members and with the crying Jessica." Sagot sa kaniya ni Seohyun, kaya ngayon, gulat na gulat siya.
"Look. Girls, alam kong galit kayo sa akin at ayaw niyo talaga sa akin as your manager. But please. Leave this behind. Tapos na tong issue na to. Kinakalimutan niyo na dapat to. Mas masaya nga diba? 8 nalang kayo. Hindi na kayo mahihirapan gumalaw sa stage kasi malaki na yung space. Mas dadami yung parts niyo kasi wala na si Jessica. Hindi ba, mas masaya yun?" Tanong niya sa amin.
"Hindi. (Smirk) nasanay kasi kami na 9 kaming nagpe perform. And, ano nalang ang gagawin niyo Mr. Manager sa mga fans namin?" Tanong ni Taeyeon sa kaniya.
"At isa pa, hindi ganun kadaling mag move on. 9 years kaming magkakasama. Sa tingin mo kakalimutan namin si Jessica ng ganun lang kadali? Sa tingin mo kakalimutan lang namin siya na parang basura lang na kapag di mo na kailangan, itatapon mo na? hindi! Kasi kami, kaibigan at kapatid ang turing namin sa isa't isa. Hindi tulad niyo na ROBOT ang tingin niyo sa mga artist niyo." Inis kong sabi sa kaniya.
"Robot?! Yoona, inaalagaan kayo ng Management! Sa tingin niyo, tatagal ba kayo ng 9 years sa industry kung hindi kayo inaalagaan?!" Pasigaw niya sagot sa akin.
"Wow. Nahiya naman ako dun sa inaalagaan ah?! Oo nga. Inaalagaan kami. SA SOBRANG ALAGA NGA, PATI CHOICES NAMIN NG DAMIT PINAPAKEELAMANAN NA NG MANAGEMENT! Oh. Gulat ka no? Oo. Dahil dito sa SM wala kaming freedom. Hindi namin mailabas yung opinions namin. Dahil lahat ng bagay sa buhay namin, pinapakeelamanan nila!" Pagbubulgar ni Hyoyeon. Yes. Yung mga sinusuot namin, kinakain, mv, at iba pa, sila lahat ang nagde desisyon nun.
"Ginagawa yun ng management para din sa kabutihan niyo." Sabi niya naman.
"Sige lang. Ipagtanggol mo pa. Nakakaawa ka nga eh. Pumasok ka sa Agency ng hindi mo alam yung mystery sa loob. Tsk tsk." Sabi sa kaniya ni Yuri,
"Get out." Mahinahong sabi sa kaniya ni Sunny habang nakayuko.
"Ha?" Tanong niya pabalik.
"I said, G E T O U T!" kung kanina, calm lang, ngayon sumigaw na si Sunny. At yung manager naman, lumabas na. Natakot yata. -___- maya maya, may nag doorbell naman. Kaya pumunta si Sooyoung sa may pinto para malaman kung sino yun.
"Diba sinabi ni Sunny get out?!" Sinabi niya yun pag bukas ng pinto pero nagulat siya sa mga tao. "Uh, Seung Gi, Nickhun, Baekhyun, Oppa?!" Gulat na sigaw ni Sooyoung. O____O
"Hello!" Sigaw nilang apat. Oo nga. Sila nga.
"Anong ginagawa niyo dito?!" Bulyaw ni Tiffany,
"Dinner?" Sabi ni Nickhun at pinakita yung isang plastic na dala niya.
"What's that?" Tanong ni Tae.
"Chicken and Beer. (grins)" O____O and with that, all of us eight went to the table to have dinner.
![](https://img.wattpad.com/cover/36805461-288-k387092.jpg)
BINABASA MO ANG
The Power Of Nine
FanfictionAre you ready to join the Soshi Girls as they start their Journey for finding the real secret of SM Entertainment?