Hyoyeon's POV
it has been 8 months. 8 months nga ba? At madami na kaming events na nagawa without Jessica. We even had a limited party in Japan last week. Pero ngayon, pahinga muna kami dahil may comeback daw kami next month."Okay girls. Listen. We finalized your schedules for this year. First, SNSD will have their comeback in the first week of June. Kaya maghanda na kayo. Second, Taeyeon you'll have your solo debut this winter and, TTS! Comeback at the end of the year." Nagumpisa kaming mag bulong bulungan dahil masyado ngang hectic ang schedules namin.
"You know the rules. Alam niyo na kapag ganito ang schedules niyo, wala kayong dapat intindihin kundi ang schedules niyo. Kaya kayong may mga boyfriends, makipag break na kayo!" Yun lang ang sinabi niya at dinissmiss na kami. Pero pinaiwan niya si Tiffany. Curious ako sa kungg ano ang paguusapan nila kaya nagtago ako sa labas habang pinapakinggan yung sinasabi niya.
"Break up with Nichkhun" sabi nung CEO. Mwo?'
"Mwo?!" Gulat na sabi ni Tiffany
"They really want to compete with us. Alam nilang this June din ang comeback ng EXO tapos isasabay nila ang 2pm?! (Smirk) let's see what they'll do. Break up with him. Let's give them a fair competition" sabi nung CEO. right now, hindi ako makapaniwala sa mga pinapagawa sa amin nitong matandang to. Ugh! Nakakasira ng araw.
"Pst. Anong ginagawa mo diyan?" Sabi sa akin ni Leeteuk
"Shh. Oppa naman. Wag ka ngang maingay dyan." Saway ko sa kaniya.
"What's happening?" Tanong nito
"Sinabihan niya si Tiffany na makipag break kay Nichkhun"
"Mwo?!" Gulat na sabi niya.
"Shh! Tahimik sabi eh." Inis na sabi ko sa kaniya. Maya maya pa, lumabas si Tiffany sa conference room at kita ko sa mata niya na umiyak siya.
"Tara na H." Yaya niya sa akin. Sumakay kami sa Van, andun na din si Sooyoung at Yuri.
"Anyare, Tif?" Tanong ni Yuri.
"W wala." Sagot niya.
"Sigurado ka?" Concerned na tanong ni Sooyoung sa kaniya.
"Mamaya na. Kapag nahimasmasan na siya at madami na tayo. Sa dorm nalang" maya maya pa, nakabalik na kami sa dorm. Nag gather kami sa lounge at nagsalita si Tiffany.
"He asked me to break up with Nichkhun" sabi ni Tiffany na nagpagulat sa aming lahat.
"HE'S A REAL EVIL! How could he say that?!" React agad ni Taeyeon.
"Walang puso! Pumayag ka?!" Tanong sa kaniya ni Yoona
"Y yes" sagot ni Tiffany
"Mwo?! Bat ka pumayag?!" Sabi naman ni Sunny
"That's the only way! Kung h hindi ako pumayag. He's willing to ruin nichkhun's career. I i don't want to ruin his career. It's his dream at ayokong mawala ang pangarap niya ng dahil sa akin" paliwanag ni Tiffany habang umiiyak.
"Pero ikaw ang pangarap niya." Singit ni Seo.
"I have to sacrifice. We have to sacrifice." Sabi ni Tif
"Even if it means that you won't be together again?" Tanong ko
"I will fix this. We will fix this. Babalik ako sa kaniya as soon as matapos lahat ng to." Confident na sabi ni Tiffany. Niyakap nalang siya ni Sunny at sumunod nalang kaming lahat. Group hug ba.
"When are you planning to talk to him?" Tanong ni Sunny
"Talk to who?" Nagulat kami ng biglang dumating si Nichkhun. Naka smile pa siya ah. Agad namang pinahid ni Tiffany yung luha niya. Pumunta sila sa rooftop at hindi ko na alam ang paguusapan nila.
BINABASA MO ANG
The Power Of Nine
FanfictionAre you ready to join the Soshi Girls as they start their Journey for finding the real secret of SM Entertainment?