Hyoyeon's POV
Nasa dorm kami ngayon ng EXO para tanungin sila tungkol sa issue nila Kris, Luhan, at Tao. Pero para hindi kami mahuli, nagpunta muna kami sa dorm ng Red Velvet na nasa kabilang street lang."Noona. Thank you sa foods ha" nakangiting sabi ni Sehun kay Taeyeon.
"Eh pano naman kami? Hindi lang si Taeyeon ang nagdala niyan no!" Patampong sabi ni Yuri sa mga members. Natawa nalang tuloy kami pati ang exo.
"May reason naman kasi kung bakit namin kayo dinalhan ng foods." Seryosong sabi ni Taeyeon.
"Ah. So, suhul ba to mga noona?" Natatawang sabi ni Suho.
"Ano ba. Mag seryoso nga kayo!" Saway sa kanila ni Baekhyun.
"Alam niyo naman diba na nagi imbestiga kami about sa mga case ng former Sm Artists including your former members, Kris, Luhan, and Tao." Paguumpisa ni Sunny
"Aish. Noona naman. Wag mong sabihin yung 'former' nakakaiyak kaya" sabi naman ni Kai.
"You have to face the reality Kai." Seryosong sagot sa kaniya ni Tiffany
Nagpaliwanag muna saglit sina Taeyeon at Sunny at nag agree naman ang EXO sa mga plano namin. Ngayon, nasa lounge na kami at magkakatapat dahil uumpisahan na ang interview sa kanila.
"May dala akong recorder ha. Dahil ire record namin ang lahat ng sasabihin niyo." Sabi ko sa kanila.
"Finally. May mapapagsabihan na din tayo ng mga nangyari!" Excited na sabi ni D.O. Kasi daw, yung mga alam nila, tinago nila at wala silang ibang pinagsabihan. So feeling ko, gaya namin, nagbibigay din sila ng mga false statements sa media oh kaya naman yung sm na mismo.
"Okay, so recording, starts now." Sabi ni Seo at pinlay na yung recording.
"Ilan originally ang members ng exo?" Unang tanong ni Seo
"We debuted as a 12 member group" sagot ni Kai.
"May mga rumors na hindi raw nagkakaisa ang exo pag nasa dorm. Palagi daw kayong naga away away at palaging may umaabuso sa authority niya. Is that true?" This time, si Tiffany naman yung nagtanong.
"Ani. Rumors are just rumors. Close kaming lahat. We treat each other as real brothers. Nagkakaisa kami at lagi kaming nagtutulungan sa lahat ng bagay" sagot naman ni Chanyeol.
"Masaya naman ang exo diba? Pero ano ang nagyari nung 2014?" Ayan na. Tinanong na ni Sooyoung yung pinaka importanteng tanong.
"2014? Yun na yata yung pinaka pangit na taon sa career ng exo. Bakit nga ba? Hmm kasi, from 12 members, naging 10 member group nalang kami" malungkot na sagot ni Sehun
"Anong reason kung bakit umalis si Kris at Luhan?" Tanong naman ni Yoona
"Nung una, nag file sila ng lawsuit against the management. Nung ginawa nila yun, member pa sila. So parang. Ginawa nila yun secretly. Gaya niyo, naghanap din sila ng mga secrets ng sm na pwede nilang isumbong para madagdagan yung kaso. Kaya lang, nahuli sila." Paguumpisa ni D.O.
"Alam ko, nung nahuli sila, galit na galit si CEO. Tapos kinausap silang dalawa. Sinabi naman nila yung totoo. Sinabi nila na magda file sila ng lawsuit against the company kasi hindi nasusunod yung mga nasa pinirmahan na contract. Kaya sobrang nagalit sa kanila yung management. The next day, pinaalis sila at agad agad, naglabas ng statement ang SM na Kris and Luhan are no longer members of EXO" Sabi naman ni Baekhyun.
"Pero pinayagan silang gumawa ng mga solo activities?" Tanong ni Yuri
"Hindi. Kasi, contracted pa din sila sa sm. pero yung dalawa, sumuway sila at pumasok sila sa isang entertainment company sa China. And they're doing their solo activities now" sagot naman ni Chen.
"Eh yung kay Tao? Ano naman ang case ni Tao?" Tanong ko.
"Well si Tao. Dahil din dun sa mga Hindi sinusunod na nasa contract. Nasa contract kasi na pinirmahan namin na kapag may injuries yung mga members or may member na na injured, hindi pipilitin ng managers na mag practice, or um attend sa mga events. Pero sa case ni Tao, injured na siya't lahat pinipilit pa din siyang um attend" paguumpisa ni Lay
"Kaya nung nalaman yun ng Dad niya, nagalit yung Dad niya at nag file ng another law suit sa company. Siyempre, todo deny yung CEO at Managers namin. Pero, we told them the truth. We saw everything that happened. Kaya, umalis si Tao" sagot ni Xiumin
"Eh chanyeol. Bat mo naman in unfollow sa IG si Tao?" Tanong ni Taeyeon
"Gaya niyo, inutusan din kami na maglabas ng mga false statements at inutusan din kami na wag makipag communicate sa mga former members." Sagot ni Chanyeol.
"Yung mga sinabi namin before na nako contact pa din namin sila, hindi totoo yun kasi SM cut our communications with them." Sabi ni Baekhyun.
"Are you willing to join us file a lawsuit against sm?" Tanong ni Tiffany sa boys. Nagtinginan muna sila saka kami sinagot.
"Ne!"
"Okay. Stop na muna ang recording" sabi ni Seo at pinatay na yung recorder.
"Oh. Aalis na kayo?" Tanong ni Baek kay Taeyeon nang makita niya na nagsimula na kaming mag ayos ng mga gamit namin.
"Oo. Hindi naman kami pwedeng mag tagal dito. Baka may maka huli pa sa amin." Sagot ni Taeyeon.
"Pero cuddle muna please..." Natawa nalang ako sa asta ni Baek kaya lumapit na ako at humawak kay Taeyeon
"Sorry Mr. Byun. Not today" tumawa kami ni Taeyeon at nagpaalam na sa kaniya.
"Guys! Thank you so much! Big help to" sabi ni Sooyoung sa mga kids. HAHAHA
"Thank you din sa foods noona!" Natatawang sabi ni Chen
"Antayin niyo kami. Babalik kami after two days!" Nagpaalam na kami at lumabas na. Siyempre, hiwa hiwalay kaming sumakay sa sasakyan dahil baka may makahuli sa amin. Pero sana wala.
BINABASA MO ANG
The Power Of Nine
FanfictionAre you ready to join the Soshi Girls as they start their Journey for finding the real secret of SM Entertainment?