Our Move?

460 13 0
                                        

Yuri's POV
Katatapos lang ng birthday ni Tiffany nung Saturday. At kahapon naman, nag film kami sa weekly idol. It's Monday night. At dahil kailangan na naming magpahinga, nasa dorm na kami at nagaantay ng bisita.

"Ano kayang napagusapan nila Jess sa China?" Curious na tanong ni Taeyeon. Yup. Inaantay namin ngayon sina Jessica.

"For sure yung side nila Luhan and Kris. Why it happened. How it really happened." Sagot naman ni Tiffany.

"Grabe talaga yung laban nila eh. Nagfile nanaman nga ng another suite ang company eh!" Inis na sabi naman ni Sooyoung. Oo. Kahapon, narinig namin na naguusap yung Board tungkol kina Kris at Luhan. At napagdesisyonan nila na kasuhan pa ng isa pang case yung dalawa.

"Mga unnie! Andito na si Jessica Unnie!" Masayang sabi ni Seo na kagagaling lang sa pinto.

"Hi guys!" Bati sa amin ni Jess at saka dumiretso kay Tiffany.
"Saeng il chukhahae" nakangiting bati ni Jess at inabot ang gift niya kay Tiffany.

"Buti pa yung best friend ko, may gift. Yung boyfriend ko wala manlang ginawa." Inis na sabi nito at sumimangot. Ah. Oo. HAHAHAHA. Wala kasing ginawa si Khun nung birthday siya. Eh samantalang nung 0624 si Tiffany nagpalit pa ng profile sa IG dahil birthday ni Khun tas siya wala.
"Anyway, thank you!"

"Tara na? Let's proceed to our meeting." Natatawang sabi ni Jess. Dahil pa din siguro sa asta ni Tiffany.

"Okay so. Gaya nang napagusapan, nirecord namin yung mga sinabi ng exo." Pinakita ni Yoona yung recorder at saka plinay ito.

After mapakinggan yung mga sinabi nung boys, nagulat kami kasi biglang tumawa si Jessica.

"Anong nakain mo sa China?" Natatawang sabi ko.

"Wala. Wala. Natawa lang ako kasi parehong pareho yung sinabi ng ot9 sa sinabi nila Kris at Luhan. " nilabas niya yung phone niya at pinarinig sa amin yung mga sinabi nila Kris at Luhan.

"So ganun nga ang nangyari. Nag investigate sila, pero nahuli sila kaya umalis nalang sila." Sabi naman ni Hyoyeon.

"At yung mga papers na nakuha nila, kinuha nang Board. Pero, mabuti nalang at wise talaga sila. They gave us a copy." Nakangiting sabi ni Jessica at binigay kay Sunny ang mga papeles.

"Ano to. 'Proof of Threatening Kris and Luhan', 'Bridge of Contract', 'Termination of Contract of Kris and Luhan?!" Gulat na sabi ni Sunny

"Teka nga. Pano nangyari yun na nakakuha sila ng papers?" Curious naman na tanong ni Seo

"Ang sabi sa akin ni Baek, meron daw silang connections sa Board, tapos may mga tauhan din sila dun sa security area. Kaya nakakakuha sila ng papers." Sagot ni Taeyeon.

"Eh sino? Nasan na yung mga yun?" tanong ko pa.

"Wait. I remember now! May sinabi si Sehun bago tayo umalis eh. Sabi niya sakin na we need to know about 'Kang Dohyun' and may 'Lee Yoshin'" ah oo! Tama. Bago kami umalis, kinausap pa kami ni Sehun. Sa aming dalawa sinabi ni Tiffany kasi kami yung huling lumabas. Sinabi niya na watch out for that names.

"Sunny! Diba may list tayo ng mga employees at board?" Tanong ni Hyo sa kaniya.

"Ah. Oo. Wait" nagmamadaling sabi ni Sunny at pumunta sa kwarto niya. Maya maya pa, may dala na siyang papers.

"Walang Lee Yoshin sa board. Wala din Kang Dohyun" sabi ko matapos naming tignan yung mga papers.

"Good. What do you think guys?" Tanong ni Stephanie.

"They were fired." Sagot ni Taeyeon. Oo. Siguro nga

"Ganito. Kailangan nating makuha yung mga list ng employees before. Siguro log book din ng August to September 2014. Then, makikita natin yung names." Pagshe share ni Yoona

"Eh sinong kukuha nun?" Tanong ni Sooyoung.

"Edi yung mga bagong hired na.... WAIT! SEO JUHYUN I watched the latest episode. Magaling ka mag disguise diba?!" Sabi ni Jessica. OO NGA! TAMA. MAGALING MAG DISGUISE SI SEO.

"Oo unnie. So...?" Curious na tanong ni Seo at biglang
"Ako?!" Sabi nito. Mabuti naman at nakuha niya din.

"Oo! Ikaw lang naman diba?" Confident na sabi ni Jessica.

"Osige. Seo. Magbihis ka na sa night currier outfit mo." Utos ni Taeyeon at pumunta nalang ni Seo at Tiffany sa kwarto ni Seo para ayusan si Maknae.

"Okay. Jess, naalala mo yung mga tinabi nating coms sa room mo?" Tanong ni Sooyoung at nagpunta na silang dalawa sa room ni Sooyoung.

"Papasok si Seo sa storage room, at kukunin niya yung files. Yun lang naman diba?" Tanong ni Tiffany kay Sunny nang malabas sila mula sa pagbibihis kay Seo.

"Oo. Yun lang. Pero Seo. Kung may computer ka na makikitang bukas, try mong maghanap ng files ha?" Paalala ni Sunny sa kaniya. Bakit si Seohyun pa? Sa amin kasing 9, si Seo yung pinaka mahilig sa martial arts, at flexible at mabilis siyang kumilos. Kaya kung may mangyari man, kaya niyang i defend yung sarili niya.

"Okay. Let's check the coms. Jung Yonghwa? Are you there?" Panunukso ni Jessica kay Seo

"Unnie naman eh" nahihiyang sabi niya.

"Oh. Bakit?"

"Check mo ulit Jess" sabi ko sa kaniya.

"Okay. Eto yung USB kung may makuha kang files sa computers, ipasok mo lang dito ha?"

Hinatid ni Hyoyeon si Seo sa Sm Building. Since 11pm na nga, wala nang ibang tao sa building at sa back door dumaan si Seo dahil sarado na yung mga pinto sa harap.

"Juhyun, you're okay there. Right?" Tanong ni Tiffany. Siya kasi yung pinaka close kay Seo at pinaka over protective sa maknae. -_-

"Okay lang ako unnie. Wait. Andito na ako sa security room" sagot ni Seo. Kami naman na nandito sa dorm, hawak kamay kaming nagiintay ng mangyayari.

"I got it! I got the log book!" Sagot ni Seohyun 10 minutes later. Lahat naman kami napa 'Yes' nalang!
"Teka lang mga unnie. Susubukan kong i recover yung mga files ng footage."

"What do you think you're doing?" Patay. Napatigil kami nang marinig namin yung boses na yun. Sino yun? At anong ginagawa niya diyan?

A/N sorry to cut it there. One month akong hindi maga update tapos cliff hanger pa yung last chapter ko! HAHAHAHA okay. So just like what I said, I wont be able to update this month, dahil magiging busy ako sa school. Please understand. I am only 13 years old at estudyante din ako. So, see you guys after a month!
Belated #HappySoneDay and advance #Happy8thAnniversarySNSD

The Power Of NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon