First Lap

150 3 0
                                    


Kabanata 1

Meet her

"Ang ganda nyo po talaga Ms. Rina." Napatawa na lang sya dahil sucsess ang plano nya. "Talaga? Naku..nabothered pa nga ako sa sasabihin nyo dahil I forgot to put on my make up. Naghilamos lang ako"

Kasalukuyan syang iniinterview ng marami dahil sa pagiging cover nya ULIT sa isang magazine. Si Ma. Victorina Medes ay isang model at apo ng may-ari ng Zygmun Enterprises.

Pagkalabas nila ng condo ay kumuha sya ng bike ngunit hindi sya nagbike. Parang nagpapa-impress lang. Sumabay sa paglalakad ang interviewers at ang dalwa nyang assistant. Si Margaux at Jomary.

"Ms. Mas bagay nga po sa inyo ang natural beauty. Mas lumalabas ang tunay na ganda." Bigla siyang napatawa sa sinabi nito. "Hahaha...binobola mo naman ata ako. But still thank you. Mas maganda nga ang natural beauty."

Lahat ng interviewers na lalaki ay parang inlove na inlove sa ganda nya. At pakiramdam ko ay dadami na ang populasyon ng tomboy sa mundo dahil pati mga babae ay naaakit sa kanya.

Sa paglalakad ay nakarating sya sa pupuntahan nya. Magpapasa kasi sya ng project sa school nya kung saan ay walking distance lang mula sa condo nya. Ang school na ito ay isang private school at ito ay nasa loob ng isang village na kung saan dun nakatira lahat ng estudyante doon.

And you read it right. Sya ay isang 4th year College pa lang. Lahat ng student sa MSU ay binubuo ng mayayaman, artista, models and scholars.

Obviously she's one of the models.

"Ms. Rina close po ba kayo sa mga students dito?" Tanong ng nakatabi sa kanyang interviewer.

"Ofcourse..gusto ko kasing maranasan ang pagiging isang normal student and person dito"

"Yung nakablue hoodie po is Tristan" bulong ni Jomary kay Marhiz habang kapit ang isang student's record.

Ang tinutukoy nya ay ang lalaking madadaanan nila.

"Hi Tristan!" kaway nya sa binata. Gulat na gulat naman si Tristan. "K-kilala mo ako?"

"Ofcourse. Let's go out sometimes when your free? Okay?" Napatango na lang si Tristan habang nakanganga."Call me" pa seduce na sabi nito habang nagsisignal ng telepono sa may tenga niya.

Sa itsura nito mahahalata mong isa syang nerd dahil nakasalamin at braces sya.

Pagkalampas ay may madadaanan silang babae. "Sya naman si Grace" bulong ulit niJomary.

"Hi ate Grace--"

"Professor" galit na bulong nito.

"Professor Grace. Sorry po natawag kitang ate nagmukha po kasi kayong dalaga." Wala namang sinabi ang Professor nya kaya naglakad na ulit sila.

Sa totoo lang two times a week lang sya pumapasok dahil may modelling at shooting sya madalas. At dahil ang school nga nila ay binubuo ng mayayaman, artista at modelling...not to mention the schollars....maiintindihan ng Dean ng MSU kung may student na ganon ang routine dahil sa pagiging busy nila.

"Sorry to interrupt you pero kailangan ko pang ipasa ang project ko." sabi ni Rina.

"Ms. Ako na lang po ang magpapasa." Sabi ni Margaux. "Naku wag na ako na."

"Ms. Marhiz hayaan nyo na po syang magpasa para makapagkwentuhan pa po tayo ng matagal." Sabi ng isang interviewer.

Sabagay alalay ko sya. Trabaho nya yan.

"Sige na nga--" pumasok na ng room si Margaux. "---so? Ano ba ang gusto nyong malaman?"

"Gusto po naming malaman ano po ba ang gusto nyo sa isang lalaki?"

"I know that nobody's perfect but still being perfect is seen in our mistakes. So I want a perfect guy."

"Have you seen that perfect guy already? You seem so inlove with that guy for sure." Sabi ng interviewer.

"A-ah...hindi pa. But I'm right here waiting for him."

****

"What the hell!! Anong pinagsasasabi ko dun?" halos makabasag pinggan na sigaw ni Rina pagkapatay nya ng TV.

"TELL MEEEEE" sigaw nito.

"A-atleast napansin po nila ung itsura nyo diba?" Takot na sabi ni Margaux.

"MARGAUXXXXX...AYUSAN MO AKO. BILIS." sigaw ni Rina.

"A-ano po bang ayos ang gusto nyo?"

"Lahat ng tao mas prefer ang natural beauty. So ayusan mo ko pero hindi nila mapapansin ung make up. Make it look natural. Understand?" Sabi nya habang pinaglalaruan ang buhok nya. tumango na lang si Rina.

"I DON'T CARE!! Isa ka pa Jomary ha. Bakit mo ako sinigawan kanina? Ako lang ang pwedeng sumigaw dito." bigla namang nagulat si Jomary. Hindi naman kasi talaga big deal na bumulong ng pasigaw kung tinutulungan mo sya diba?

"M-m-miss Rina, h-hindi ko naman po kayo sinigawan--"

"Ganun na rin yun. Bakit kasi pinagtyatyagaan ko kayo eh pwede ko naman kayong Palitan--"

Bzzt

Fr: Grandma

10:58

Don't dare to fire Margaux and Jomary. Napanuod ko reality show mo. What was that? Hahahaha

....anyway join me at lunch.

Pagtingin niya sa dalwa ay nakayuko sila.

"Tss...Nevermind. I-ready nyo yung van pupunta ako kay Grandma." Nagmadali naman silang lumabas. Pumasok sya sa kwarto nya. Nagpuyod sya at nagshades at isinuot nya ang kanyang coat na hanggang binti niya.

Paglabas nya ng room ay walang katao tao sa hallway. Didn't I mention na kanya ang buong 12th floor?

Tumigil sya sa harap ng elevator at nag intay. Ayaw nya pa naman sa lahat ang pinagg-iintay sya. Pagbukasn ng elevator ay puno ito ng mga crew at janitor.

Tinanggal nya ang shades nya ng dahan dahan pati na rin ang puyod nya. Tinaasan nya ng kilay ang mga ito at tinalo pa nila si turbo sa bilis ng paglabas nila.

Wala kang ibang maririnig sa hallway kundi ang tunog ng kanyang takong kasabay ng pagpasok nya sa elevator.

She's Ma. Victorina Medes version 2.0 and no one messes with her....

To be Continued..

01/07/08 I changed Marhiz name as you can see. After almost two years natripan kong iedit to dahil kahit ako napapangitan sa plot and everything. Please excuse my wrong grammars and typos. Pissing grammar nazis here hahahaha peace (V)

Unsweetened Tricycle Lovestory (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon