Sixth Lap

29 2 0
                                    

Kabanata 6

Mae


"Sino sa apat ang nagsakay sa'yo" please...cross fingers. Wag si Liam.

Si Liam

Si Liam

Si Liam

Paulit-ulit yan sa utak ko. Matapos kong mag-walk out ay dumiretsyo ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Martir at torpe ako inaamin ko. Kahit hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng martir. Sabi lang sakin nung tatlo martir ako.

Mahalaga sa akin ang pagakakaibigan namin pero bakit parang ang sakit naman. Sa tuwing may dinadala sya ditong babae na natitipuan nya nasasaktan lang ako.

Hindi ba talaga sya ang lalaking para sa akin? Bakit ganun? Walang nanliligaw sa akin. Pero sabagay sya lang naman ang iniintay kong manligaw sa akin ngunit impossible naman yun. Pakiramdam ko punong-puno ako ng pagmamahal. Konti na lang sasabog na ako. Pero kanino? Kanino ko naman ibibigay?

Sa tingin ko may 50% love pang natitira sa akin. Pero pakiramdam ko naibigay ko na ng buo.

Natatakot akong ibigay ang natitira kong love sakanya. Sigurado namang hindi nya ko masusuklian. Napakapit na lang ako sa may mata ko. Nakakasawa nang umiyak. Pero ang hirap pigilan ng emosyon ko. Mahal ko sya eh sobra.

At ngayon...alam kong gusto nya si Rina, o Tory. Kahit sino pa sya...sya at sya na ang gusto ni Liam. Dahil ba maganda at sexy ang mga babaeng dinadala nya dito gusto na nya? Bakit kasi pangit pa ako?

Tingin ko hindi naman dapat sisihin na pangit ako. Dahil walang pangit na nilalang ang ginawa ang Diyos. Mahirap din naman sa akin na sisihin ang mga mata nya. Ganun na ba kalabo ang mata nya at hindi nya ako makita. Pakiramdam ko nagko-contact lens sya kapag nakikita nya yung magagandang babae.

Tumahan na ako. Wala namang magagawa ang paulit-ulit na pag-iyak ko. Nagbukas ako ng laptop at nagfacebook. Balitang balita na pala na engage sya. Ang sama naman ng lola nya. Naranasan ko na rin yan.

Sa totoo lang hindi naman talaga sila tricycle---

"Hi girls. Hiramin ko lang girlfriend ko." Bigla akong napangiti sa narinig ko. Tumayo na ako at bubuksan na sana ang pinto ng may sumagi sa isip ko.

Hindi ikaw ang girlfriend nya. So girlfriend na nya agad si Tory? *sigh*

Ahh..naramdaman ko na naman na pumatak ang luha ko. Ang akala ko mauubusan na ako ng luha sa pinaggagagawa nya. Bumalik na lang ako sa kama ko at dumapa ulit ng biglang bumukas ang pinto.

"Mugto ang mata mo. Narinig mo ba sya?" Sabi ni Pauline. Alam kong ang tinutukoy nya ay si Liam. "Ha? Hindi ah. Nanuod kasi ako ng kdrama. Nakakaiyak nga eh." Tumabi naman sila sa akin. "A-ano bang nangyari sa movie?" Sabi ni Kath.

"Ang shunga kasi nung babae. May gusto sya sa bestfriend nya. Hindi naman sya gusto nung lalaki. Ayaw nya pang aminin. Torpe sya eh. Pero naiintindihan ko siya. Ayaw nya kasing mawala yung friendship nila. Kaya pinili nya na lang tumahimik. Hindi ngA maubos ubos ang luha nya. Nahuhuli na tuloy sya. May ibang gusto na yung lalaki." Umiiyak na pala ako. Kita ko ang mga mata nila. Awa ang nakikita ko. Ayokong kinakaawaan ako.

"Wag kayong maawa dun sa babae. Ayaw nyang kinakaawaan sya diba? Okay lang sya. Magiging okay sya para sa mga kaibigan nya. Para sa bestfriend nya."

"TingiN ko kailangan nyang magtake ng risk. Natatakot lang siguro syang mareject at pagkatapos nun ay mag-iiwasan na kayo este yung girl at yung bestfriend nya." Sabi ni Laine. Tumingin ng masama sa kanya yung dalwa. "What? Sorry okay?" Sabi nya.

"Words without action is useless...and action without words is confusing." Sabi ni Pauline. Huh? "Sa kondisyon mo pangalawa yung nararamadam mo. Ipinararamdam mo sa kanya na mahal mo sya pero hindi mo naman sinasabi. Kaya hindi ka nya napapansin kasi naisip nya siguro na mahal bilang bestfriend lang yun. Hindi ka umamin eh."

"Ang daya naman eh. Bakit nung ako yung nagsabi na mag-iiwasan na kayo nagalit kayo? Eh ikaw nga Pauline isang paragraph na yang sinabi mo pero---hmmm. Oo tatahimik na." Tinakluban kasi ni Kath yung bibig nya tapos nilakihan nya pa ng mata. Naintindihan ko naman yung sinabi nya. Pero hindi ganun kadali yun. Wala kasi sila sa sitwasyon ko.

Sige. Aamin ako sa kanya. Pero mag-iipon muna ako ng lakas ng loob para maghanda sa kung ano man ang kalalabasan ng pag-amin ko sa kanya.

"Oh. Marie Sofia Katherine Acedillo. May sasabihin ka din ba?" Pagtataray ni Laine kay Kath. "Bisita tayo sa company." Bulong nya. Napatawa na lang kami at Pumayag na rin.

Pagakatpos kong magpalit ay kinatok ko sila isa isa sa kwarto nila. Nakatira kami sa iisang bahay. Gusto yan ng magulang namin para daw mabantayan ang mga boyfriend 'nila'. Wala naman akong boyfriend kaya ewan ko kunga bakit pumayag pati ang magulang ko.

Lumabas na rin sila. Mga nakafloral dress sila Laine at Kath maliban kay Pauline. Tulad ko Naka-skinny jeans at t-shirt siya.

"Really?" Tanong ni Kath.

" ano namang masama sa suot namin ni Pauline?" Tanong ko. Wala naman talaga eh. Sabagay sila sanay sa dress. Ang arte talaga ng dalwang yan.

"Make....over" sabi ni Laine. At hinila na nila kami sa Magkaibang kwarto. Ako sa kwarto ni Laine at si Pauline sa kwarto ni Kath. Mas gusto ko pang magmake-up sa akin si Laine. Mukhang natural pero maganda talaga. Kaya ang ganda-ganda nya eh.

Pinagsuot nya ako ng dress. Hindi sya floral. Simple white sya. Pagharap ko sa salamin hindi naman ako naimpress na maganda ako. Naimpress ako dahil magaling syang magmake up . Maganda.

"Let's go?" Bago kami lumabas sa kwarto nya..."AAHHHH" bigla kaming napatakbo sa kwarto ni Kath dun kasi namin narinig yung sigaw. Nakita namin si Pauline na ang kapal ng make-up. Okay lang naman sya, walang sala pero makapal. Pulang-pula ang labi pati pisngi.

"Okay naman ah" sabi ni Kath. Buti na lang talaga si Laine yung humila sa akin. "Hoy..Acedillo, ayusin mo toh." Sigaw ni Pauline. Napatawa na lang kami ni Laine.

Lumabas kami ng bahay at naglakad na. Alam naman ng lahat kung anong meron sa amin.

Na mayaman kami.

Sa paglalakad ay nahagip ng mata ko si Liam na naka-akbay kay Tory. Bigla namang tinanggal ni Mourhiz ang braso nya pero umakbay pa rin sya.

Sana ako na lang ang inaakbayan mo. Hinding-hindi ko tatanggalin ang braso mo.

Bigla syang napatingin sa gawi ko. At bigla akong nilapitan. Hinila--kinaladkad nya ako sa likod ng bahay namin at isinandal sa pader.

Nagulat ako ng biglang humigpit ang kapit nya sa braso ko. "Ano ba Liam? Nasasaktan ako."

"Ano bang naisip mo at nagdamit kayo ng ganyan? Paano kung malaman ni Tory ang lihim nating lahat? Eh di wala. Sira na agad ako sakanya." So yun pala ang ikinagagalit nya. Na kapag nalaman ni Tory ang lihim namin sira na image nya? Mayaman din naman si Tory ah?

Naramdaman kong tumulo ang luha ko. "Ako lang ba? Ako lang ba ang nakadress ng ganito? Tingin mo ba ginusto kong magdamit ng ganito? At ano naman kung malaman nya? Diba kasalanan mo naman? Dinala mo sya dito kahit hindi naman dito yung dapat nyang puntahan. Hindi mo sinabi sa kanya na hindi ito ang probinsyang pupuntahan nya."

"Akala ko ba bestfriend kita? Suportahan mo naman ako dito." Sabi nya.

"Yun nga eh akala ko din bestfriend kita. Pero mukhang hindi naman yun ang trato mo sa akin." Sabi ko sabay alis. Bumalik na ako sa kanila at nakatingin lang sila sa akin. "Sorry..sumama pakiramdam ko. Kayo na lang." Sabi ko at umalis. Bumalik ako sa bahay at nagkulong sa kwarto.

Sobra sobrang sakit na ang naramdaman ko ngayon. Who am I to deserve this?

To be Continued..

Unsweetened Tricycle Lovestory (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon