Chap1

33 2 0
                                    

Chap1

The book


Sinarado ko yung libro at ipinatong sa side table. It's hopeless. I've been reading this till Chapter 16 pero hindi ko kayang ituloy. Really? A tricycle lovestory? What the hell? Tapos ia-arrange marriage pa siya sa isang lalaking hindi naman niya kilala. Very cliche.

Who am I kidding? This isn't a real story anyway.

Itinigil ko na lang ang pagbabasa at lumabas ng condo. I'm living on my own. Well nabuo lang naman ako sa isang pagkakamali eh. A one night stand. And alam ko namang ayaw nila akong kasama sa bahay, so I voluntarily leave the house.

Papunta ako ngayon sa pinsan ko. Dapat nga kanina pang 1:00 pero nagpalate na lang ako dahil itri-ny ko yung last chapter. Giving the author a chance kung magugutuhan ko ba yung story. But, sorry to disappoint her but I don't like...that..that kind of story.

Well, ewan ko na lang kung mabasa yun ng charcaters nya..like duh? Real characters ang ginamit niya. Ma. Rhizelle Zygmun? Yung sikat na model? Ginawa niya pang masama ang image niya. Nambabato ng kawali, are you serious?

Siguro, kailangan ko ng ipamigay yung book..dahil hindi naman makatotohanan.

Sumakay ako sa jeep at nakarating agad ako sa bahay ni Kirby. Wala pa kasing gasolina yung Hummer ko.  Baka bukas o mamaya ko na Lang papagasulinahan.

"Hi tita Kirstelle." Bati ko sa mom niya.

"Oh..kanina ka pa hinihintay ni Kirby. Go upstairs nandun siya sa kwarto." Tinanguan ko na lang siya at dumiretso sa kwarto.

Akala ko nung una bubungangaan niya ako kasi na late ako, pero to be surprise..hindi.

Nakita ko siya sa isang gilid. Umiiyak.

Lumapit agad ako sa kanya. Sht. Bakit naman to umiiyak.

Hindi ko pa natatanong kung bakit pero sinagot na niya ako. "N-n-nag..nag, nag-b-break..nag break--" sht sabi ko na eh.

"Sabihin mo sa akin kung nasaan si Charlie at sasapakin ko siya." Nanlaki bigla ang mata niya sa takot na baka suntukin ko ang boyfriend niyang hilaw.

"Ano? Anong-- bakit kayo nagbreak?" Sabi ko at inuga siya. Sinampal niya naman ako ng mahina sa mukha.

"Gaga..hindi kami nagbreak." Sabi ng natatawa pero nawala agad yun.

"Hindi kita maintindihan sabi mo?"

"Nag-break si Khayen at Tristan. Hindi kami ni Charlie." Sabi nya at tumayo na.

"S-sino si Khayen at Tristan?" Sabi ko ng naguguluhan.

"Akala ko ba binabasa mo rin yung Unsweetened Tricycle Lovestory? Nagbreak na sila dun sa part na binabasa ko. Anong chapter mo na ba?" Sabi nya sabay talon sa kama na parang nagyari.

"Tae ka. Akala ko kung ano na yang iniiyak iyak mo dyan. Pati nababaduyan naman ako sa story. Hanggang 16 nga lang ako." Sabi ko at tumalon din sa kama pero sa ibabaw niya para madag-anan ko siya.

Hindi tuloy sya nakahinga kasi naipit yung mukha niya sa kama. Hahaha

"Gaga, tumayo ka, ang bigat mo." Gamit ang buong lakas niya, tumayo sya dahilan ng pagkahulog ko sa sahig. Napatawa na lang ako dahil hindi naman masakit. "Grabe ka ha?"

Kinabukasan gumising ako ng maaga. Every Saturday nagj-jogging ako. Naka leggings ako at tube. Well ganito talaga ako magj-jogging so don't ask. Pinuyod ko yung buhok at nagsuot ng earphones.

Lumabas na ako at nagsimulang mag-jog. Sanay na naman ang mga tao sa paligid ko na ganito ang outfit ko, at sigurado akong di ako mababastos. From condo to park at park to condo lang naman ang jino-jog ko eh.

Kita kong kumaway si Aleng Lita na siyang namamahala sa panederya sa labas ng condo kaya kinawayan ko din sya. Ganun din ang ginawa ko sa iba pang kumaway sa akin. Halos kilala ko na silang lahat sa mukha pero hindi ko pa tanda ang mga pangalan nila.

Nakarating ako ng park at napansin kong mas dumami ang tao dito ngayon, eh maaga pa naman.

Ng medyo napagod ako eh naglakad na lang ako pabalik.

May nakita ako babaeng may dalang basket na puno ng gulay. Nalimutan ko. Wala akong pagkain sa bahay. Sa halip na magj-jog pabalik sa condo dumiretsyo na lang ako sa mall at doon bibili. Dahil for sure pag sa palengke ako dumiretso baka marape lang ako sa dami ng manyak sa mundo.

Kakaunti pa lang ang tao dahil supermarket pa lang naman ang bukas kasi maaga pa.

Pinagtitinginan ako nung iba pero hindi ko na pinansin. Isa lang naman ang tinitingnan nila sa akin eh. At sigurado akong 'yun' nga yun. Definitely not my boobs, and my butt.

Biglang may humigit sa akin kaya napalingon ako. "Yes?" Nag-aalinglangan pa akong sumagot kasi masama ang tingin niya.

"Why are you wearing that kind of outfit?" Anong problema nito. Naiinggit ba siya na may 'ganito' ako?

"Sorry, pero kakatapos ko lang mag-jogging at nandito ako ngayon para mag-grocery." Sabi ko sabay hila ng braso ko sa kanya.

"Hindi ba pwedeng yung ipambibili mo ng grocery ay ipambili mo na lang ng t-shirt o kahit anong matinong damit"

"Excuse me Mr. Pero nakakainsulto ka na. Kung ayaw mo sa suot ko o dahil may nakikita kang alam mong wala ka nito..wag mo na lang akong tingnan." Pumikit siya ng mariin at narinig ko ang mahihinang mura niya. Tumalikod na lang ako at paalis na sana ng marinig ko at dahilan ng pagkainis niya.

"Sht. Damn that 6 pack abs." I know..I know. Yun lang naman ang napapansin sa akin ng mga tao pag nagj-jogging eh.

My Damn Abs.

To be Continued..

Unsweetened Tricycle Lovestory (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon