Kabanata 19

11 0 0
                                    

Kabanata 19

Awake

"Diba tinatanong mo kung bakit hindi ako gumaganti sayo matapos ng araw na yun?"

"Pano kita gagantihan kung alam kong ikaw yun? Alam mo ba nakausap ko yung lola mo? Tinanong ko kung bakit siya nagsinungaling sa akin. At sabi niya wala akong karapatan sa'yo. Dahil para ka sa iba."

Nagulat ako sa sinabi niya. "A-anong? Kailan mo nakausap si Grandma?" Tanong ko.

Hindi ko maintindihan lahat ng sinasabi niya. Niloloko niya ba ako? Pinagt-tripan?

"Nung araw na nakita kita. Sumikat ka na pala ng mga panahong yun. Hindi ko alam kasi nasa Frian ako noon. (Frian-kung saan dinala ni Liam si Marhiz)

"Mahriz, ako to. hindi mo ba ako maalala?"

Tumungo ako at umiling.

"Ako to Marhiz. Ako to."







Napamulat ako bigla. Napahinga ako ng mabilis. Panaginip lang ba yun?

Tsaka ko lang napansin ang paligid puro puti. Kahit saan ako lumingon. Atsaka may nakalagay na oxygen sa may ilong ko. Lumingon ako sa paligid walang tao.

Nasa ospital ako. Sigurado ako dahil naka hospital gown ako.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Tyler na pumasok may dala siyang basket at sumisipol pa siya. Paglingon niya sa akin nanlaki ang mata niya.

"M-marhiz?" Napatakbo siya sa akin.

"Gising ka na. Saglit lang tatawag ako ng doctor." Sabi niya at sumigaw habang lumalabas. "DOC!! NURSE!!"

Hindi ako makagalaw hindi ko alam kung bakit? Ano bang nangyari?

Pagbalik niya may kasama na siyang doctor. Lumapit sa akin si doc at chineck ako.

Pagkatapos umupo siya sa tabihan ko. "You look fine. Can you move?" Tanong niya sa akin.

Sinubukan ko igalaw ang ulo ko para umiling at nagawa ko naman.

"I think you should rest first." Sabi ni doc.

"Doc isn't her 14 months sleeping enough? Pano pag pumikit siya hindi na ulit siya magising?" Inis na sabi ni Tyler.

Me? Sleeping for 14 months?

"I've already checked her Tyler. She's fine. Iba yung rest sa coma. Don't worry. She will be okay. Kailangan niya lang magpahinga para makagalaw at makapagsalita na ulit siya. That's what I meant but rest." Pagpapaliwanag ni doc.

"Maiwan ko na muna kayo" sabi niya at tumayo na.

"Are you okay? Are you hungry? May kailangan ka ba?" Tanong ni Tyler pagkaalis ni Doc.

Umiling ako.

"I'm sorry its already 6:00" sabi niya habang nakatingin sa relo. "And your grandma will probably be here at this time." He sighed.

"I can't let her know that I'm snicking here to see you. Baka ipabantay ka niya sa guards. Buti nga walang nagbabantay sayo sa labas eh." Humalik siya sa noo ko.

"I should go." Sabi niya at kinuha ang mga gamit niya. Tiningnan niya muna ulit ako bago tumalikod at umalis.

Mayamaya bumukas na naman ang pinto.

Nakita ko si grandma na may kausap sa phone. "Yes. Liliana. Let's just wait till she woke up. The doctor said na makikita ko na lang daw na gising na siya--" napalingon siya sa akin at napasigaw.

"Liliana she's awake. CYL" sabi niya at pinatay na agad yung call.

At CYL lang talaga ang sinabi nya ha?

Call you later..tsk.

"Marhiz gising ka na pala." Napairap na lang ako. Isn't it to obvious?

"I should call the doctor." Sabi niya at tumakbo palabas.

No.

Pagbalik nung doctor nagtataka yung mukha niya. Umiling iling ako sa kanya.

"Check her doc." Sabi ni grandma.

"But...uhh I've checked her already." Sabi ni doc habang nakatingin sa akin.

"What do you mean?" Sabi ni grandma. Sumulyap muna sa akin si doc at inilingan ko ulit siya. Baka mabanggit niya si Tyler.

"Ah si ano kasi si--"

"Na-checked na niya ako kanina." Napasigaw ako bigla. Nakakapagsalita na ako. Sa wakas.

"Uhh..right. Kanina kasi walang akong ginagawa so I decided to check her if she's awake then it happen na zaktong pagpunta ko dito..ay uhh gising na siya so...yun." parang hindi naniwala si grandma pero nung napatingin siya sa akin lumapit sya bigla.

"Oh my. Nakakapagsalita ka na. Good thing." Sabi niya.

"Yes. Tama ka dyan kasi hindi pa siya makagalaw at makapagsalita kanina." Tumango tango si doc.

Buti naman at sinakayan niya yung ginawa ko.

"Sige maiwan ko muna kayo." Sabi ni doc. "Doc. May I have a second." Sabi ni grandma at sumunod.

Paglabas nila tumahimik na naman.

Ano ba talagang nangyari?

Na-coma talaga ako? Paano? Kailan? For 14 months?

To be Continued..


Sorry bitin. Baka mag-ud ako later or tomorrow. Enjoy.

Unsweetened Tricycle Lovestory (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon