Kabanta 22

10 0 0
                                    

Kabanata 22:

Wala

Bumukas ang pinto at pumasok si Grandma. Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lamang siya sa akin.

"Anong nangyari sa inyo?" Sabi ko pero hindi puno ng pag-aalala. Alam kong napansin niya yun dahil bigla siyang napasimangot.

"Ikakasal ka next two weeks."

"Ano? Akala ko ba sinabi ko na sa inyo? Ipinaliwanag ko na diba? Ayaw kong magpakasal kay Liam. Bakit niyo ba ipinipilit?" Sigaw ko.

"KASI YUN ANG DAPAT!!" sigaw niya. Bumuhos ulit ang luha ko. Bakit ba hindi nila ako maintindihan?

"Hindi..hindi." umiling ako habang tumutungo. Hindi pwede. Hindi ko mahal si Liam. Hindi siya ang mahal ko.

"Kayo ang itinakda ni Liam."

"Hindi naman kayo Diyos para utusan o itakda ako kung kanino lamang."

"Hindi kung sino lang si Liam. Siya ang itinakda sayo--"

"TAMA NA!!" tumahimik siya at tiningnan ako.

Sobra na to. Matapos kong matulog ng 14 months ito ang ibubungad niya sa akin? Yung totoo nag-alala ba siya sa akin habang naka-coma ako? O nagpapasikat lang siya sa media? At iniintay niya akong magising para matapos na ang kasal?

Ako? Mahal ni Liam? Kung mahal niya ako hindi niya gugustuhing ikasal ako sa kanya kung alam niyang di ko siya gusto. O talagang makasarili lang siya? Makasarili silang lahat.

"Wala ng ibang paraan."

Matalim ko siyang tiningnan. "Walang ng paraan? Eh bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa kanya" sa binitawan kong salita isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa akin.

Kita kong nagulat siya sa ginawa niya. Maging ako din ay nagulat. Hindi ito sing lakas ng sampal na binigay niya sa akin dati. Mas masakit ito.

Lumunok siya at tila pinagsisisihan ang nagawa pero hindi niya ipinakita yun. She didn't say sorry.

"Wala kang utang na loob. Inampon kita. Pinalaki kita. Pinayaman kita. Pinasikat kita tapos ito lang hindi mo magawa?"

Oo may utang na loob ako sa kanya. Hindi ko iyon nalilimutan.

Tumungo na lang ako at umiyak.

"1 year. 1 year lang. Kung hindi mo talaga siya mahal. Tapusin mo lang ang 1 year. At ako na ang bahalang magpaliwanag kay Liliana." Umiling iling ako. Hindi ko kaya.

P-pano si Tyler? Inintay niya ako. Hindi lang 14 months. Ilang taon niya akong hinintay. Pero iiwan ko pa rin siya? Oo hindi ko siya masyado nakasama mula nung magka-amnesia ako pero naaalala ko na ulit siya. Bumabalik na yung nararamdaman ko.

Konting panahon pa.

"Iwan niyo sana muna ako." Sabi ko at bumaling kung saan wala siya. Itutulog ko muna ito.

Baka pagkagising ko maging ayos na ang lahat.

Nagising ako ng maramdaman kong may nakakapit sa kamay ko. Hindi ko muna iminulat ang mata ko. Pano kung holdaper o kidnaper to no? Pano na ako?

"Kung bakit kasi kailangan ko pang magtago sa lola mo eh. Edi sana nababantayan kita kahit kelan ko gusto. Naalagaan kita." Ganito ba ang sasabihin ng kidnaper kung kikidnapin niya na ako?

"Nakakainis ka." Ako pa nakakainis ha? Sino ba kasi tong nagsasalita.

"Bakit ka kasi nang-iwan noon?" Aba..

Minulat ko ang mata ko at nakita kong si Tyler pala yung kanina pa nagsasalita.

"Bakit ginusto ko bang maaksidente?" Inis kong sabi.

"Narinig mo ba lahat ng sinabi ko?" Hindi siya nagulat ng magising ako at nagsalita.

Hindi ko siya sinagot at inirapan na lang

"Kamusta ka na?" Tiningnan ko siya at seryosong seryoso siya.

"Okay na ako. Obvious ba?" Sarcastic kong sabi. Nakakainis. Ba't ganyan siya mag-alala?

"Bakit ganyan ka? Galit ka ba sakin?" At siya pa ang may ganang magtanong niyan ha? Sya nga itong..GRRRR

"Hindi." Hindi ko na lang siya pinansin.

"Sinabi ba ng lola mo na wag mo na akong pansinin?" Naiinis niya sabi.

"Mr. Buenavista ano bang pinagsasasabi mo? Para kang tanga. Batuhin kita ng kawali eh." Hindi siya tumawa ng biniro ko siya.

Ano bang nangyayari sa isang to?

Bigla niya akong niyakap.

"Sorry." Sabi niya at hinigpitan ang yakap sakin.

"Huy..anyare sayo??" Huminga siya ng malalim. "Nasuntok ko si Liam eh."

Itinulak ko siya bigla. "Ano?" Bakit? Alam niya na ba?

"Nagalit ako. Kaya ka nagkaganyan eh dahil sa kanya." Inis niyang sabi.

"At kaya mo ako nakitang muli eh dahil rin sa kanya." Sabi ko sabay irap.

"Ba't ba ganyan ka magsalita? Ha? Gusto mo na rin ba siya? Pakakasalan mo siya?" So alam na nga niya. Paano kaya?

"Tumigil tigil ka nga. Kaya nya lang yun nagawa kasi..kasi mahal niya daw ako." Sabi ko sabay kibit balikat.

"At kaya ko rin nagawa yun sa kanya kasi mahal din kita." Natigilan ako sa sinabi niya.

Ngayon ko lang to narinig. Kahit na alam ko na may past kami, ngayon ko lang to narinig sa kanya. And it feels so awkward.

"O-oo na nga. Bahala ka nga dyan."

"Ah..Marhiz naalala ko lang. Nung na-coma ka, alam mo bang walang nakakaalam kung bakit?" Napaiwas ako ng tingin.

"Walang sinasabi yung doctor. Sabi niya okay ka naman daw pero hindi alam kung ba't ka nacoma." Nagtatakang sabi ni Tyler.

"E-ewan ko rin." Nagkibit balikat na lang siya at iniba ang topic.

"Kelan nga ulit ang labas mo ng ospital?"  Tumingala ako at inalala kung kelan nga ba.

Pero sasabihin ko na sana ng biglang siyang tumayo at kinapitan ang leeg ko.

"B-bakit?"

Sinuri niya yung leeg ko.

"Ano to?" Tinanggal ko yung kamay niya.

"Bakit? Ano bang meron?" Kinapa ko yung leeg ko pero wala namang ako nararamdamang kakaiba.

Kinuha niya ang isang maliit na salamin at itinapat sa leeg ko.

Nagulat ako ng may makita akong mapuputing balat. Mukha siyang malalaking peklat pero alam kong hindi ito peklat.

Lumingon ako sa kanya na nanlulumo ang mata.

"Aminin mo nga sa akin. May sakit ka ba?" Pabulong niyang sabi ng may diin.

Hindi. Hindi. Wala ito. Wala.

Napapikit ako ng mariin.

Shit. Wala.

Wala akong sasabihin sayo.

To be Continued..

Unsweetened Tricycle Lovestory (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon