Kabanta 21

5 1 0
                                    

Kabanata 21:

Alone

"Stop being a stubborn Marhiz. Eat the food." Sabi ni grandma.

"I won't eat the food until you tell me." Inis na sabi ko.

"What do you want to know?" Sarcastic niyang sabi. Paulit ulit na kami at ilang beses ko na tong napoint out pero pinapaikot ikot niya lang para mawala ang topic.

"Nagkita ba talaga kayo ni Tyler nung naaksidente ako?" Umiling iling siya.

"Your just being paranoid. Bakit ko naman siya kikitain? Eat the food para makapagpahinga ka na."

Umiling ako. "No. Kinausap mo siya eh. You told him na patay na ako. But the truth is nagka-amnesia lang naman ako. Why? Bakit niyo yun sinabi? Para malimutan niya ako? Para hindi na ulit kami magkita? Kasi ipapakasal niyo ako sa iba--"

"OO!!" napatigil ako ng inamin niya sa akin yun.

Napailing ako at napahilamos ang palad sa mukha. I remembered everything now. Nung dumating si Grandma kanina pinatulog ulit ako ng doctor para makapagpahinga ulit ngunit paggising ko naalala ko na lahat. Ewan ko kung pano? Tingin ko ay epekto na rin ito ng pagkaka-coma ng 14 na buwan.

"Bakit? Bakit hindi niyo naisipan na sa kanya na lang ako ikasal kahit nung hindi ko pa siya naaalala? May kumpanya rin sila. Pwedeng sa kanila na lang tayo makipag-merge." Naiiyak kong sabi.

Nanghihina ako. Naging miserable ako mula ng maging modelo ako. Naging masama ako. Mapanakit, palasigaw..naiinis ako sa lahat kasi parang ang saya saya nila. Habang ako alam ko sa sarili ko na may kulang. May nawawala. At ngayong alam ko na kung ano yun.

"Dahil napagusapan na namin ni Llana na kapag nagkaapo kami ay pagsasamahin namin ito. Ngunit hindi ako nagkaapo dahil namatay ang nag-iisa kong anak. At lalaki ang anak ni Llana. Kaya naisipan kong mag-ampon na lamang. At ikaw yun. Ikaw ang itinakda kay Liam." Bumuhos ang luha ko sa sinabi.

Tama ang hinala ko. Na si Liam ang ikakasal sa akin.

Kung bakit dinala niya ako dinala sa probinsya. Kung bakit ayaw niya kay Areth. Kasi ikakasal siya sa akin?

"Mahal ka ni Liam Marhiz. Pagbigyan mo naman siya." Malungkot na sabi ni grandma.

"Kayo ba ang nagplano ng lahat?" Pinunasan ko ang pisngi ko at matalim siyang tiningnan.

Dahan dahan siyang tumango. "Thank you for telling the truth." Nakatingin lang siya sa akin. Iba ibang emosyon ang nakikita ko sa mata niya.

"Kasi kung hindi niyo plinanong ikasal kami ni Liam hindi ko ulit makikita at makikilala si Tyler. Pero sorry hindi ko itutuloy ang kasal kay Liam." Sabi ko at tumalikod na sa kanya. Pinilit kong matulog para makalimutan ko lahat ng pinag-usapan namin.

Ng magising ako umupo ako at sumandal. Wala na si grandma at ako na lang ulit mag-isa dito. Kinuha ko yung phone ko sa table na katabi ng kama ko. Nagtweet ako.

Rhizygmun @zygmunmarhiz

Already awake...Maybe I'm already in tv because of my condition. Thank god that I had still maintain my body after my one long sleep.

Ilang saglit lang ay may naglike at retweet nun.

Pero isang retweet lang ang napansin ko.

Chancelaine ♡ @elaine101

Ohmy..gising ka na. We'll call you. Online ka sa Face Time.

At nag-online nga ako tulad ng sinabi niya at ilang sandali lang ay tumawag siya.

Akala ko siya lang pero bumungad sakin ang apat. Si Kayen, Elaine, Janna, at Areth.

"MAAAARHIZ!!" napairap ako sa sigaw nila.

"Ohmygosh...nabalitaan namin yung pagka-coma mo kay Tyler. Siya daw ang nagdala sayo nung nawalan ka ng malay. Dinalaw ka namin diyan eh last week. Kaso kailangan naming bumalik kaya naiwan dyan si Tyler." Sabi ni Kayen.

"Alam mo ba mukhang may gusto sayo si Tyler?" Singit ni Elaine sabay tawa.

Then I remembered. Hindi pala nila alam ang nangyari sa amin ni Tyler.

"Uh..about that..may aaminin lang ako." Nakatingin sila sa akin at iniintay na magsalita.

"Before I became a model nagka-amnesia ako. And before ako magka-amnesia..uhmm..pano ko ba to sasabihin?" Sabi ko at kinagat ang labi. Ang hirap sabihin na ex ko si Tyler.

"Ano?" Tanong nila.

"Boyfriend ko si Tyler. There I said it."sabi ko sabay iling.

Tinanong nila kung pano nangyari yun at ikwinento ko ang lahat. Simula sa magboyfriend-girlfriend kami. Naaksidente ako at nagka-amnesia hanggang sa plano ng lola ko na ipakasal ako kay Liam.

"Sorry Areth. Kaya siguro hindi ka pinapansin ni Liam eh naiipit siya sa lola niya na pinipilit na ikasal sa akin.".

Hanggang ngayon hindi pa rin sila makapaniwala na si Liam ang ipapakasal sa akin. Akala ko magagalit o magtatampo si Areth pero ngumiti siya.

"No big deal. Naka-move on na ako." Niloloko ko pa siya nabaka hindi pero dinepensahan siya nung tatlo.

"Ay naku totoo yun..alam mo bang may nanliligaw dito." Sabi ni Kayen at nagtawanan sila. Nakitawa na lang din ako. Ang dami ko na pala talagang nakaligtaan.

"At alam mo bang break na si Tristan at Kayen?" Biglang sabi ni Elaine na nakapagpatahimik sa kanila.

Ano? Si Tristan at Kayen.

"Bakit? Paano?" Si Kayen tumahimik habang si Janna naman kinukurit si Elaine. "Aray naman." Sabi ni Elaine at hinimas yung braso.

"Well nalaman namin na si Tristan pala ay ampon lang ni Tita Tori at hindi talaga sila magkapatid ni Tyler. Kinuha na si Tristan ng tunay niyang magulang at dinala diyan sa Maynila. Iniba na rin ang apilyedo niya at pinaltan na ang Buenaventura." Sabi ni areth.

"Eh bakit hinayaan lang na kunin si Tristan? Pati bakit kayo naghiwalay Kayen?" Baling ko sa kanya.

"Well.." nagkibit balikat siya. "Sabi niya di na niya ako mahal..at ayaw ko namang ipagpilitan ang sarili ko." Tumungo siya. Tsk..

"Then yung about sa pagkuha ang tunay na parents niya..hindi talaga pumayag noon si Tita Tori..ofcourse napamahal na si Tristan. Pero nagmakaawa yung magulang niya." Tumango na lang ako sa sinabi nila.

Nagkwentuhan pa kami ng konti hanggang sa magpaalam na sila dahil may pupuntaham daw sila ngayon..."Magpagaling ka ha? Tsaka wag magpagod." Tumango na lang ako sa lahat ng advice at serkon an inabot ko.

Ngayon kahit mag-isa ako hindi ko na ramdam. Dahil may mga kaibigan naman ako. I really don't feel alone anymore.

To be Continued..

Unsweetened Tricycle Lovestory (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon