Kabanata 23

11 0 2
                                    

Karapatan 23

Weak

Umiling ako. "Wala. Ba't naman ako magkakasakit?" Sabi ko sabay tawa.

Tumango naman siya. "Allergy lang to. Seafoods." Sabi ko habang kinakapa ang leeg ko.

"Eh bakit ka naman kumakain ng seafoods kung may allergy ka pala?" Nagtataka niyang tanong.

"Ha? Eh yun yung pinapakain ng mga nurse eh." Sabi ko.

"Oh eh ba't hindi mo pinapapaltan?"

"Syempre. Libre naman yung pagkain pati kailangan ko daw kumain." Sabi ko sabay iwas ng tingin.

Ba't ba ang dami mong tanong? Pinapahirapan mo naman ako eh.

"Hindi mo kasi ugali to eh. Sa pagkakaalam ko kung ayaw mo sa pagkain mambabato ka ng kawali o kaya maninigaw." Mapanuri niyang sabi.

"Grabe ka. Ganyan ang tingin mo sakin. Syempre nacoma ako. Tsaka naalala ko na naman lahat. Kaya binabawasan ko na yung..yung ugali ko." Binulong ko lang yung huli.

Bigla siyang ngumiti. "Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Sigaw ko.

"Bibigwasan kita." Pero lalo syang ngumiti sa mga sinabi ko.

"Ewan ko sayo." Hindi ko na siya tiningnan at binuhay ang tv.

Sexiest Model Ma. Rhizelle Zygmun na di umano'y nawawala ay natagpuan sa Maria Estrella Hospital. Nasabing mahigit isang taon siyang naroon.

Pinaghihinalaang tinangka nitong magpakamatay dahil sa paghihiwalay nila ng kaniyang fiancee.

Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ng reporter ng inagaw ni Tyler ang remote at pinatay ang tv.

"Bakit mo pinatay?" Bulong ko.

"Hindi mo na kailangang marinig yun." Sabi niya at tiningnan ako.

Nagkibit balikat na lang ako para itago yung lungkot at inis ko.

Huminga siya ng malalim. "Ty, pwede bang pakitawag si Doc Martin?" Sabi ko sabay ngiti.

"Ha? Bakit? May nararamdaman ka bang kakaiba?"

"Wala naman. Itatanong ko lang kung kailan ako makakalabas. Eto talaga." Sabi ko sabay bukas ulit ng tv. Pero inilipat ko na nga channel. Nilipat ko sa tvN.

Bago siya lumabas tiningnan niya muna ako at ngumiwi. "Naiintindihan mo ba yan? Eh korean yan eh." Sabi niya.

"Kaya nga may Eng subs diba?" Inirapan ko na lang siya at nanood.

Paglabas niya napahinga ako ng malalim at bumagsak ang luha ko.

Pinunasan ko agad ang mata ko at tumawa ng tumawa habang pinapanood yung mga koreano. Kailangan kong malimutan ang problema ko.

Mayamaya bumukas yung pintuan at si Doc lang ang pumasok. Siguro sinabi niya kay Tyler na sa labas muna siya.

"Doc." Masaya kong sabi.

"Marhiz. It's nice to see that your recovering already." Sabi niya.

"Good thing at nung tinawag mo ako ay wala akong patient. Matagal tagal na rin kitang hindi nache-check."

"Ah about that..thank you doc dahil nakapunta ka."

"What do you want? Are you feeling something strange?"

"Ah I just want to ask kung hanggang kailan pa ako?"

"Well..knowing that your fine already, pwede na kitang i-discharge maybe the day before tomorrow." Nakangiti sabi niya.

"No. What I mean is..hanggang kailan pa ako? Hanggang kailan pa ako mabubuhay?" Nawala yung ngiti ni Doc at pinakinggan yung sinasabi ko.

"Wag na tayong maglokohan doc. We both know may sakit ako."

"So narinig mo yung pinag-usapan namin ni Mrs. Zygmun?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"So alam ni grandma? Hindi ko kayo narinig. Bata pa lang ako may sakit na ako. At alam ko yun."

"Nung na-coma ka actually hindi ko alam kung anong sanhi. So I made some tests. And the scan showed a tumor on your abdomen. This is a rare disease. And I'm sorry to say na malala na ang sakit mo." Sabi niya.

"So? S-so hanggang kailan na nga lang ang itatagal ko?" Inis kong sabi.

"Don't overthink about that. I'm still looking for a cure. Miracles exist." Malungkot niyang sabi.

"You're just going to waste time. Instead of finding a cure why don't you find out until when will I live?" Dahil sa sinabi ko bumagsak lahat ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

"No. Don't loose hope. Don't worry. Hindi kita hahayaang mamatay." Ngumiti siya ng malungkot at tinapik ang balikat ko.

"Now, wipe your tears. Tyler might think na pinaiyak kita." Tumawa nalang ako para maibsan yung lungkot ko.



To be Continued..

Sorry kung ito na ata ang pinakamaikling update..sinusubukan ko pang lagyan ng twist..do wait tayo guys. Thank you sa mga nakakabasa nito dahil hanggang ngayon ay nasubaybayan pa rin tong story ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unsweetened Tricycle Lovestory (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon