Tenth Lap

27 2 0
                                    

Kabanata 10

Identical

Kath's POV

My life is perfect. I have my family. I have my friends and ofcourse I have my boyfriend.

Matapos ng surprise visit ni Tristan sa akin ay hindi pa ulit sya nagt-text sa akin. Miss ko na sya agad kahit 1 day pa lang kami di nagkikita. Nag-aaral pa kasi sya. Actually, graduate na rin sya kasabay ko last last year pero nagtake ulit sya ng bagong course.

Ako na lang ang OP sa amin ngayon..not mentioning Mae. Iba naman ang situation nya eh. Kung may karapatan nga lang ako eh pinasalvage ko na yang si Liam. Bato. Manhid. Pati naman si Mae eh. Martir. Timang. Torpe.

Tsk tsk. Buhay nga naman nila.

Eto ako ngayon nagla-laptop ulit. Nakabukas ang apat na tab. Facebook. Twitter. Instagram. Wattpad.

Yung isa naman nakikipaglandian through cellphone. Sino pa? Edi si Laine.

Si Pauline naman may katext at tawa ng tawa. Ngayon ko masasabing lumabas na ang pagka-topak nya. Tsk

Si Mae. Haistt...wala sya dito sa kwarto. Naglulugmok nanaman yun sa kwarto nya. Sa dinami dami ng lalaki sa mundo, ba't kasi yung @%@&*#%*& Liam pa?

Ito namang si Liam halatang ang next target ay si Rina..oopss dapat pala masanay na ako sa Tory. Marami pang hindi nakakaalam. Tristan, Chance, Liam,Wesley at Ryan.

Kamusta na kaya si Ryan. Ang tagal nya namang nagstay sa Manila. Sabi nya 1month lang mukhang may past 1 week na. Pinuntahan nya kasi Girlfriend niya. Si Zineth.

Nakakalito ba ang barkada namin masyado kasi kaming madami

For the girls..ako, Laine, Pauline, Mae, Zineth, pwede ko rin naman sigurong isama si Tory sa grupo diba? We're friends after all.

Then for boys...Tristan, Wesley, Liam, Chance, Ryan, Xander. And I've heard na may bestfriend daw si Tory back at Manila. Ang name daw ay Zyndel Moryn. I really like her name.

Ini-imagine ko na nga kung anong itsura nya. I bet she's pretty.

"GIRLS!!"  napatingin kami sa sumigaw. Nandito pala si Tory. Hindi ko napansin. Masyadong malalim ang story telling ko. "Nandyan ka pala. Sorry busy ako eh." Sabi ni Laine.

"Same here." Sagot namin. "Oo nga eh. Sa sobrang busy niyo hindi nyo man lang napansin na nadito na ako." Inayos nya yung buhok nya at nag-cellphone na rin. Tamo to.

"By the way girls.....bakit nga pala walang signal dito?"

"Baka dun lang sa may aprtment mo kasi dito may signal eh. Globe lang ang may signal dito ano bang sim mo?" Sabi ni Pauline. "Sss-mart? Kaya naman pala eh. Tss." Sungit nya talaga. Sya pa lang ang nakita kong babae o amazona na wala pa boyfriend. Sshh wag kayong maingay sa amazona thing ha? Hanggang utak lang yun.

"Bakit nga pala nawala ka na lang kahapon? Bitter ka ba kasi you have no boylet?" Sabi ni Laine sabay tawa.

"For your info nagpaalam ako sa inyo pero dahil mababait kayong mga kaibigan narinig nyo ako at nagpaalam din kayo. At hindi ako bitter. Hindi ko kailangan ng lalaki para sumaya."

Confirm. Bitter nga.

"Nga pala Tory...yung pumunta nga pala dito kahapon ay si Tristan nakita mo ba sya?" Tanong ko baka namumukhaan nya eh. Nalimutan ko lang ipakilala sa kanya kahapon. Nag-isip muna sya sandali. Ewan ko ba sa babaeng to at ang hina ng memorya.

Minsan nga pinag-usapan namin sina kuya Wesley and friends tapos bigla na lang nyang nalimutan kung sino si Wesley. Ewan ko ba dyan kung nagpapanggap o ano.

"Ah..yeah. Namukhaan ko na sya. Nakasalubong ko siya noon sa school. Ang pinagtataka ko lang noong nakita ko sya sa school naka-glasses at brace. Pero noong nakita ko sya kahapon,why change of style?"

"Ahh--actually...pretending nerd?" Nagtaka sya. Pero nagets nya rin kasi tumango sya. 

"Girls..remember Zyndel?" Tumango naman kami. "Is it okay to invite her here?"

"Ofcourse. Why not?" Sabi ni Pauline. "Yeah." Sagot ni Tory. Hindi ba uso ang thank you sa kanya? O kaya eh salamat? Well I think I should get use to it.

*********

"Hi" bati ni Zyndel. Ang ganda nya nga. I really like her brown hair. Ngumiti naman kami sa kanya except kay Laine. What's the matter with her? Ang iniisip ko pa nga sya ang unang iirit sa tuwa at mag-iinarte dahil sa ganda ng fasion ni Zyndel.

Lumapit ako sa kanya. "Hi! I'm Kath. Can I call you Zyryn?" Ang bilis ko mag-isip noh? Diba ZYndel moRYN. haahha I like giving nicknames to stranger. "Uhh..yeah." ngumiti naman ko.

"Hep. Akala mo ikaw lang pwedeng magbigay ng nickname ha? Can I call you Morel?" not bad. zyndEL MORyn.

"Okay." Napatingin kami kay Laine na naka-upo pa rin sa pwesto nya. "Ikaw anong nickname ang ibibigay mo?" Tanong ko. Mukhang hindi ata maganda ang aura nito.

"Moryn na lang." Walang gana nitong sabi. May kakaiba talaga sa kanya. Biglang lumapit si Zyryn sa kanya. "I love it. Ikaw palang ang tumawag sakin ng Moryn." Tumango lang si Laine.

"Ahh-uhh..who want some cake?"

*******

Kumakain kami ngayon ng cake na dala ni Zyryn. Except kay Tory. "Bakit hindi ka kumakain ng cake?" Tanong ko.

"Naku..hindi talaga yan kumakain ng cake. Kaya walang kasweet-an yan sa katawan eh. Pati ice cream, chocolates, candy. Ayaw nya rin ng flowers. Baka cactus pwede pa." Napatawa kami sa sinabi nya. Kakaiba talaga sya.

Biglang may sumiko sa akin at pagtingin ko..si Laine lang pala. "Ba't mo ba kinakausap yan. May kakaiba akong pakiramdam dyan sa babaeng yan eh. Somethings bothering me."
Napatawa na lang ako.

"What are you talking about? She's nice you know. Try to know her. I know you'll like her too." Nang irap na lang sya. Ewan ko ba sa kanya.

"May boyfriend ka ba?" Tanong ko. Sa nakikita ko mula ng dumating sya dito kanina kami ang pinakanaging-close.

"Oo. You know what? He's really sweet and caring. He's studying at MSU. Nagtake kasi sya ng new course. Habang ako nakagraduate na." Parehas kami. Remember si Tristan is still studying. "Parehas tayo. Hahahha. Gwapo ba?"

"Well...ofcourse. His name is Tristan."

For the last minute I think my heart won't beat again for what I've heard.

To be Continued..

Unsweetened Tricycle Lovestory (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon