Eighth Lap

35 2 0
                                    

Kabanata 8

Layman's Term

Matpos kong patayin ang tv ay parang gusto ko na ring patayin ang lola ko. Joke lang. Hindi naman ako kriminal pero kaya ko syang tunawin sa isip ko.

"Ms. Ano pong gusto nyong agahan?" Humarap ako kay Jomary.

"Starting today kapag nasa public tayo tawagin nyo akong Tory. Gagawa at gaawa talaga sya ng paraan para makuha ang gusto nya eh."

"Sige Tory. " Sabi ni Jomary. Napatingin ako sa kanya. "Aba aba. Nasa public ba tayo ha? Hoy kayong dalwa may kasalanan pa kayo sa akin ha." Dinuro duro ko pa silang dalawa. "Ako nang bahala sa agahan ko pupunta na ako sa apartment ko." Lumabas na ako at pumasok sa apartment ko.

Wala namang laman ang ref dito. Ang laman nga lang bahay na ito ay mga appliances at damit ko.

Mukhang kailangan na nila Margaux mag-grocery. Ite-text ko sana sila..dahil tinatamad akong lumabas pero walang signal? Bat naman walang signal? Edi useless na ang phone ko ngayon?

Kahit napipilitan at tinatamad...para sa ikabubuti ng tyan ko pumunta ulit ako sa apartment nila Margaux na katabi lang ng apartment ko. Wala nang katok katok pa. "Mag-grocery kayo mamaya. Alam nyo naman ang mga gusto ko." Nakatingin lang sila sa akin

"Eh Ms. Nasa probinsya po tayo wala pong--"

"Akong bahala. Mag-intay kayo may kakausapin lang ako." Bago pa ako makapunta sa dapat na kausapin ko ay nakasalubong ko na siya.

"Tory..ah sorry nga pala. Sinabi na sa akin nina Elaine na alam mo na. Sorry dito kita dinala. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko eh." Si Liam. Buti naman alam nyang alam ko na. Para wala nang plastikan. "It's okay. Gusto mong bumawi di ba?"

Kita ko kasing magsasalita pa lang sya. Ganun naman talaga ang mga lalaki pag may kasalanan laging babawi babawi. Tumango naman sya.

"Ihatid mo na lang sina Margaux sa mall. Hep bawal umangal. Kahit ilang oras pa kayong byumahe makarating lang sa mall wala akong pakialam. Gusto mong bumawi di ba? Gawin mo. Puntahan mo na lang sila gutom na ako eh. Kailangan pa nilang mag-grocery." Iniwanan ko na siya.

Hindi naman big deal yung pagdala nya samin dito eh. Alam kasi ng lola ko yung tungkol sa probinsya namin. Baka hanapin din ako dun. Sa katunayan nga dapat magpasalamat pa ako sa kanya. Pero dahil hindi ako palasabi ng 'salamat' wag na lang. Sabihin nya naman easy to get ako. Nagpasalamat lang easy to get na? Pati bat naman ako magpapa-easy to get? Ewan ko ba kung anong daloy ng utak ko.

Pumunta ako sa apartment nila Margaux. Pumasok na ako at nakita ko silang nanunuod ng tv. Aba? Ang tatamad ha? "Hoy" sigaw. Biglang pinatay ni Jomary ang tv. "Kayong dalwa...porket nandito tayo sa lugar na ito ay patamad tamad kayo. Magpalit kayo at mag-grocery kayo. Ihahatid kayo ni Liam sa mall.

"Ganun ba Ms. Sige po. Jomary bilisan mo magbihis na tayo." Aalis pa lang sana si Margaux ng hinila ko ang buhok nya. "Hoy Margarhette Oraux. Wag kang malandi ha. May girlfriend na daw yun diba?" Umiling sya.

"Wala daw Ms. Talagang akala lang daw nung ale na may girlfriend sya nung kasama nya daw yung bestfriend nya."
Katwiran nya. "Oo na. Bilisan nyo pupuntahan kayo nun dito." Kagalit sila eh.

Bago ako pumasok sa apartment ko ay nakaamoy ako ng ginigisang sibuyas. Kahit hindi ko marunong magluto alam ko naman ang amoy ng ginigisang sibuyas noh. sinundan ko yung amoy at nanggagaling ito sa Apartment. Bakit naman dun manggagaling ang amoy? Eh wala ngang laman ang apartment ko. Pumasok ako at mas lalong lunakas ang amoy.

May magnanakaw ba na nagluluto? Hindi ko makikita kung may tao sa kusina dahil nasa ilalim ito ng hagdanan. Nang makarating ako sa kusina may nakasalang na kawali sa kalan pero walang tao.

"Kelan pa ako nagkaroon ng gas eh kahapon lang ako lumipat?"

"It's mine dinala ko lang dito." Humarap ako sa kung saan nanggaling ang boses. "I don't care kung iyo yan. Bakit ka nandito?"

Naglakad si Wesley palapit sa kalan. Oo sya nga. "This is my apartment--"

"--which is the same apartment that I rented." Kita kong nagbukas sya ng de lata at may ginayat na patatas.

"Its still my apartment." Kita kong cornbeef ang niluluto nya. Lalo tuloy kumulo ang tyan ko sa bango ng amoy. Paborito ko pa naman ang cornbeef sa agahan.

"Looks like you are hungry." Sinamaan ko sya ng tingin. "Wala kang pakialam. Makikiluto ka na nga lang, dito pa." Sigaw ko.

"Okay. Edi aalis ako." Dala-dala nya yung cornbeef. Mukhang wrong move ako dun ah. Hindi ko dapat pairalin ang pride ko. Pipigilan ko na lang ang gutom. Lalabas na sya ng bigla ulit kumulo ang tyan ko. This time malakas na talaga.

"Hmm ang sarap naman ng cornbeef na ito. Marami akong makakain ngayon." Nagpaparinig ba sya? Iniinggit nya ba ako? Kasi kung oo, effective talaga.

Bwisit. Nag-iiba ugali ko pag-gutom. Kay dapat talaga lagi akong busog.

No. Pigilan mo ang gutom mo. Mag-diet ka. Masisira ang career mo.

Bahala ka inggitin mo ako kung gusto mo. Kaya kong magtiis ng gutom. Kaya ko nga bang tiisin?

Lalabas na sya ng apartment ko ng....."Akin na yang cornbeef na yan. Ibigay mo yan sa akin. Hindi ka makakapagluto nyan kung wala ka rito sa apartment na to. Kaya akin yan."

Sinampahan ko sya sa likod at pilit na inaagaw ang cornbeef na nakalagay sa mangkok sa kamay nya. Sinakal sakal ko pa siya para ibigay nya sa akin.

"Acck..Bwisit. Oo na. Bitawan mo ako ang bigat mo." Mukhang napahigpit ang sakal ko pero sa ikabubuti ng tyan ko gagawin ko ang lahat.

"Bitaw na ibibigay ko na." Sigaw nya rin. Bumitaw na ako at bumaba. He already raised the white flag as a surrender.

Iniaro ko ang kamay ko." Akin na." Binigay nya rin pero mukhang labag sa kalooban. "Magluto ka na lang ng iyo because this is all mine." Pagtalikod ko ngumiti ako. No one has ever seen this smile before. I never smile in public. Everything on the camera is fake.

"Ayaw mo akong hatian? Sige magluluto na lang ulit ako. May rice naman ako. Papakin mo na lang yang cornbeef." Wait? Rice. Marunong naman akong magsaing pero wala naman akong bigas.

"Wait." Bakit ko ba sya pinigilan? Bahala na. "Tss. Oo na."

Umupo na ako sa umupuan. 6 ang upuan dito sa table so 4 ang vacant.

vacant-vacant
ako table vacant
vacant-Wesley

Ayaw naming magkalapit. Sa oras na nilapag nya ang rice binawasan ko kaagad ito. Halos kalahati na lang ang natira sa kaldero.

Napa-tsk tsk na lang sya.

All I know is I am pigging out. In tagalog bumababoy. In layman's term lumalamon.

Bahala ka muna Diet. Gutom ako eh. XD

To be Continued..

Unsweetened Tricycle Lovestory (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon